JENNY POV"girl kamusta naman kaya yung result natin sa exam noh?" - Camille
" ewan, bat ako tinatanong mo malamang sa malamang mababa nanaman yun" sabi ko naman.
papunta kami ngayong third floor para sa subject naming comsec.
of course excited ako kasi about photo shop ang topic namin ngayon plus isama mo pa ang teacher naming super bait at super gandang si Maam Joy at Maam Merlyn the best ang dalawang yun parang mga nanay namin dito sa school.
malapit na kami sa room namin sa comp. lab ng makita ko namin si Dylan bale may kausap syang teacher at may mga hawak syang mga cartolina.
mukhang hindi nya kami nakita, kinuha nya yung phone nya at nag text matapos syang kausapin ng teacher tatawagin ko sana kaso itong kasama ko biglang nag alburoto.
" ah oo nga pala may nakalimutan akong bilhin sige bye!!" walang prenong sabi ni Camille at hindi man lang ako inantay na makapag salita.
nangyari dun?
" Jenn," napatingin ako kay Dylan papalapit sakin ngayon with those cute smile on his face .
" ah good morning" bati ko sa kanya pero hindi sya nakatingin sakin may kung anong hinahanap sya sa likod, naparingin naman ako dun.
" anong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.
" ah, eh wala, si Camille?" tanong nya.
" ah, eh ewan ko dun, bigla na lang nagmadaling bumaba may nakalimutan daw bilhin" sabi ko.
bigla syang napahawak sa may ulo nya at parang may binubulong sya sa sarili nya.
" okey ka lang?" tanong ko ulit.
" ah, oo syempre naman, geh ah, una na ko. " sabi nya
naglakad na sya palayo bale takbo lakad pa nga yung ginagawa nya.
pansin ko lang, parang may something sa dalawang yun since nung school fest.
parang iniiwasan ni Camille na magkita sila ni Dylan, every time kasing magkakaroon ng chance na magkitakita kami sa iisang lugar bigla na lang nag che- change direction si Camille.
akala nya siguro hindi ko napapansin yun, palagi rin syang tuliro nitong mga nakaraang araw. hindi ko naman sya matanong dahil parang iniiwasan nya rin yung topic.
hindi dumating si Camille the whole class 7:30 to 12 pa naman yun. I wonder kung anong nangyari sa kanya.
bumaba ako ng third floor at hinanap si Camille.
pambihirang babaeng yun saan naman kaya nag punta yun.
papunta na ko sa kabilang building sa GSH (golden state Hall) para tignan kung nandun sya. wag na kayong magtanong kung bakit yan ang pangalan ng Building dahil hindi ko rin alam.
CAMILLE POV
phew! muntik na kaming magkita ni Dylan buti na lang nakita ko agad sya at mabilis akong naka iwas.
takte naman kasi hindi ko sya kayang harapin talaga, super nahihiya ako.
oo kasalanan ko naman kung bakit nawala yung first kiss ko na nakalaan lang sa taong mamahalin ang kaso sa katangahan ko nawala yun sa isang iglap.
buti pa hindi na lang muna ko papasok tutal ito pa lang naman ang unang beses na mag diditch ako ng class.
nandito nga pala ko ngayon sa may botanical garden, nakakarelax tumambay dito dahil sobrang presko ng hangin.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...