JENNY POV
isinara ko na yung libro at nahiga na lang ako at tumitig sa mga wallpapers ko sa ding ding..
hindi ako lubos makapag isip ngayong araw holiday at wala kaming pasok, malapit na ang exam pero hindi ako makapag review dahil masyadong occupied ang utak ko sa mga nangyayari, at ang pinaka main source ng lahat ng to ay si Zack.kapag nakakuha nanaman ako ng failing grades humanda sya sakin pepektusan ko talaga sya, idag dag mo pa yung date namin ni Weslie after exam, hindi ko pa nga pala to nasasabi kay Camille.
ano kayang mangyayari sa date namin,? ano kayang posibleng mangyari after nun? ano kayang sasabihin ni Zack kung malaman nya na may date kami ni Weslie.
------------------------------------------------------
" Zack may date kami ni Weslie papayag ka ba?"
" hindi" sya
" bakit?" ako bumilis tibok ng puso ko ng hawakan nya ang pisnge ko.
" hindi pa ba halata? coz i love you"
"Zack"
------------------------------------------------------
toinks bakit naman ganun ang lumabas sa imagination ko?
naku! naku! malabong mangyari ang bagay na yun, masyado ata akong nagiging imaginative.yung lokong yun siguradong wala namang pakealam ang isang yun, baka nga sabihin nya pa.
" What the hell i Care, do as you wish, you idiot."
hay tama! tama! ganun nga ang sasabihin ng lokong yun, saka ano nga ba naman ang pake nya, hindi ko naman sya tatay, kuya o ano pa man, kaibigan nya lang ako, hindi ko nga alam kung kaibigan nga ba ang turing nya sakin.
hayy, ang hinrap namang malaman kung ano nga ba ko sa kanya, saka isa pa mukhang wala naman na syang time para sa akin dahil alam kong nasa ibang babae na ang atensyon nya.
parang nalungkot ako bigla sa usaping yun, parang ang sakit naman na wala na syang time sakin kahit na lingunin man lang ako wala na syang time para dun.
kahit siguro tawagin ko ang pangalan nya, hindi na sya mag aaksayang lumingon ngayong may babae nang nakakuha ng puso nya, at ang sakit dahil hindi ako ang babaeng yun.
" siguro, kailangan ko nang tanggapin sa sarili ko na wala talaga kong puwang sa puso nya"
kailangan ko nang palayain ang sarili ko at subukang tumingin sa ibang taong handang mahalin din ako, siguro ito na yung time na dapat ko nang isuko ang nararamdaman ko kay Zack.
masaya ko na nakakasama, at nakikita ko sya araw araw, para sakin ang makita lang sya at makausap ay ayos na kahit sabihin pa nating pagaari na sya ng iba.
pinunasan ko yung luha na dumaloy sa pisnge ko. tama siguro kailangan ko nang kalimutan ang feelings na to.
kinagabihan nagluto ako ng hapunan, adobo ang ulam namin, inantay kong dumating si Zack kaso lumipas ang ilang oras wala pa rin sya.
i wonder kung saan ba sya nag pupunta everytime na walang pasok at week end, pumanhik na ko sa kwarto ko at nagpumilit na mag review na lang ulit pero wala ring nangyari kaya lumabas ako sa veranda ng bahay.
ng makarating ako sa veranda tumingin ako sa wrist watch ko
9:35 na pala ng gabi, hindi ko alam kung nandito na ba sya.naramdaman ko yung pag ihip ng malamig na hangin, kaya niyakap ko ang sarili ko.
" gabi na, bakit nandito ka pa sa labas?"
" kalabayo!!" nagulat ako ng biglang may magsalita sa likod ko at ng makita ko kung sino yun si Zack pala.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...