33

25 2 0
                                    

JENNY POV

mag sisix na kong nakauwi, pambihira naman kasing ulan yun ang lakas, kita nang wala akong dalang payong eh bumagsak bagsak pa buti na lang at may nasilungan ako kanina.

agad akong umakyat papunta sa kwarto, nagpalit agad ako ng damit sinuong ko na kasi yung ulan dahil gumagabi na ang lakas parin ng ulan baka mamaya eh, mag alala nanaman si Zack at hanapin nanaman ako.

and speaking of Zack? nakauwi na kaya sya? matapos kong magpalit naisip kong pumunta sa kusina para sana tignan kung anong makakain medyo nagugutom na kasi ako, hindi man lang kasi ako bumili ng meryenda kanina bago umuwi palabas na ko ng kwarto ng bigla akong pumasok ulit, napahawak ako sa dibdib ko grabe kinakabahan ako..paglabas ko kasi eh sakto ding lumabas si Zack sa kwarto nya kaya para akong magnanakaw na ayaw mahuli..

narinig ko yung yabag ng mga paa nya bumaba na siguro sya ng hagdan..bakit ko ba sya iniiwasan? pero teka hindi ko naman talaga sya iniiwasan, nagreready lang ako baka kasi iba ang ang masabi ko kapag nasa harap ko na sya.

nung hapunan na tinawag nya ko na kakain na daw pero isang beses lang nya yun ginawa.. sinabi ko sa kanya na mauna na sya dahil kunyari busy pa ko.

mga ten na ko lumabas ng kwarto ko para kumain ng hapunan grabe kumakalam na kasi talaga ang sikmura ko.

agad akong kumuha ng kanin at ulam takam na takam nga ako kasi paborito ko yung niluto nya.

" humm, ang sarap" sabi ko  habang sunod sunod ang subo ko iba kasi talaga ang lasa ng pagkain pag gutom ka. nung matapos ako parang hindi ako makagalaw dahil sa dami ng nakain ko.

" humm, grabe busog na busog ako" sabi ko habang nakahawak pa sa tyan ko first time kong kumain ng marami bukod kasi sa hindi ako nagmeryenda kanina ay hindi rin ako kumain ng Lunch.

kinaumagahan nag exam lang ulit kami ng last subject namin, so bale ito na yung huling araw ng hell week namin.

nang idismiss kami ng prof namin ay agad na nagsitayuan ang mga classmate namin kanya kanyang ingay nanaman at kanya kanyang gimik nanaman.

" Yay! salamat naman at tapos na ang exam" sabi ni Camille.

" oo nga eh, makakapagpahinga na tayo" sabi ko naman.

" makakapag beauty rest ka na para sa date nyo ni Weslie" pabulong na sabi nya saka nag wink, ngumiwi lang ako sa sinabi nya.

" oo nga pala girl, ano na nga palang balita sa status nyo ni Zack?" tanong nya sakin habang naglalakad kami papuntang cafeteria. nakwento ko na kasi sa kanya yung nangyaring pag amin sakin ni Zack

" eh, ayun hindi ko parin sya hinaharap, nakokonsensya na nga ako eh" sabi ko.

" eh bakit ba kasi hindi mo pa sya harapin at sabihin na gusto mo rin sya, chuva, pakime ka pa eh" sabi ni Camille.

" eh, kinakabahan kasi ako, saka di ko pa alam ang sasabihin ko, pano kung iba ang masabi ko sa gusto ko talagang sabihin di naloko na." sabi ko

malapit na kami sa cafeteria ni Camille ng may tatlong babaeng lumapit saamin.

" captain!" sabi nung isa ng makalapit saamin.

" captain?" tanong ko kay Camille.

" hehe, kwento ko na lang next time" sabi nya.

" pinapatawag ka ni Coach" sabi nung isang babae.

" nanaman? bakit daw?" sabi ni Camille

" ewan, basta pumunta ka na daw dun ngayon din" sabi nung babaeng kausap nya, tumingin naman sakin si Camille at naintindihan ko naman ang ibig sabihin nun.

ROLLING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon