JENNY POV
" guiz mamayang hapon daw po may film viewing tayo sa AVR ( Audio Visual Room)" sabi ni France yung president namin.
" Ha, bakit daw?" tanong ni Donime ang pinaka bata samin.
" gagawa raw tayo ng narrative report, about sa kung anong natutunan natin sa film, mag bibigay din daw si mam Joy ng short quiz about sa story so required po mag attend lahat" sabi ni france.
" hay naku baka naman mamaya nakakaantok yung papanuorin natin" sabi naman ni Camille.
"teka tayo lang bang manunuod?" tanong ko naman.
" wow girl sosyalin ka, syempre lahat ng nasa Commerce dep. manunuod" sabi naman ni Leyel.
" eh, sorry naman nagtatanong lang eh" sabi ko.
so ibig sabihin makikita ko si Weslie, Accountancy kasi yun.
so nung dumating yung hapon nagtipon na kami sa AVR at tulad ng inaasahan ko nakita nga namin si Weslie.
" Weslie" tawag ko sa kanya kaya napatingin sya samin.
hinanap nya naman kami at ng makita nya kami humulma yung mga ngiti sa labi nya.
teka bakit parang ang gwapo nya ngayong araw? hindi kasi sya nakasuot ng Uniform.
"Weslie ikaw yan? gwapo ah" sabi ni Camille ng makalapit samin si Weslie.
" haha di naman, pero salamat papasok na kayo?" tanong ni weslie.
" ah oo, pipirma lang kami ng attendance"sabi ko.
" oh sige, sabay na tayo."
nang makapirma na kami syempre pumasok na kami. dun kami sa pinaka malapit pero sagilid lang pinauna kaming pinaupo ni Weslie, pero itong si Camille mas prefer nya raw sa dulo para daw may masasandalan in case na dalawin sya ng antok.
so ganito yung seating arrangement namin.
Camille - ako - weslie
malaki ang AVR kaya nag kasya lahat ng estudyanteng nasa commerce department.
Actually hindi naman lahat ng estudyante sa commerce dep. ay umattend dito sa film viewing na to.
di rin naman nagtagal at sinimulan na yung film viewing bale, yung title pala nung pilikula ay TULAK na si Rafael rosales ang gumanap.
nung una natatawa pa kami dahil dun sa mga user na mukhang nawawala na sa sarili.
pero nung tumatagal na medyo nabobored na kami, hikab na rin ng hikab si Camille." hey okey ka pa ba, gusto mo ng foods meron ako dito?" alok sakin ni Weslie.
" ako gusto ko, sige na labas mo na nagugutom na rin ako eh, anong pagkain ba yan?" si carla na biglang nabuhayan nakarinig lang ng pagkain bigla na lang naging hyper.
inilabas naman ni Weslie yung dala nya pillow and loaded agad naman yung kinuha ni Camille at binuksan at agad na nilantakan.
pambihirang babae to, hindi man lang nahiya.
" thank you nga pala" sabi nya.
" loaded na lang ang nandito, gusto mo?" tanong sakin ni Weslie.
" okey lang salamat" sabi ko.
ibinigay naman nya sakin yung loaded pero habang kumakain ako. nakatingin lang sya sakin.
" bakit?" tanong ko sa kanya.
" ah, wala naman gusto lang kitang titigan" sabi nya.
bigla tuloy akong naparanoid hindi tuloy ako makakain ng maayos dahil talagang titig na titig sya sakin.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...