20

36 3 0
                                    


ZACK POV

" oh sige ingat kayo sa pag uwi guiz, salamat sa inyong lahat" - dylan.

" sige, thanks for today, and happy birthday ulit."Mica.

" sige tol, una na kami"

rinig kong umarangkada na yung sasakyan matapos nilang magpaalam kay Dylan, tapos na yung kasiyahan dahil 11:30 na rin ng gabi bumalik si Dylan dito sa terrace.

" tol, di ka pa matutulog?" tanong ni Dylan sakin.

" not yet" sabi ko. naupo naman sya sa silya sa harap ko at kumuha ng lumpia sa lamesa.

" tol, usapang lalaki nga tayo, yung totoo ha." sabi nya at tumingin sakin ng diretso.

" ano, ba talaga si jenny para sayo, hindi ako naniniwala sa sinabi mo kanina, pare mahirap ba talaga sayo ang amin yang feelings mo para sa kanya. " sabi nya.

damn kung alam nya lang kung gaano ako nahirapang sabihin yun kanina sa harap ng ibang tao.

"alam mo tol, pasalamat ka kanina dahil wala sya at hindi nya na narinig yung sinabi mo, kundi siguradong masakit para sa part nya ang mga sinabi mo"

sabi nya pa. I know kung bakit ba naman kasi sa dami ng pwedeng itanong yun pa.

" tol, kahit di mo sakin sabihin, alam ko, alam ko may gusto ka sa kanya hanggang kelan mo ba kikimkimin yang nararamdaman mo sa kanya? aantayin mo pa bang makuha sya ng iba bago mo aminin sa sarili mo na gusto mo sya, tol minsan ang labo mo din"

sabi nya, ano naman tong pinag sasasabi nya ngayon? may tama na ba sya?

" oh sige tol, akayat na ko inaantok na rin kasi ako. isara mo na lang tong pinto pag gusto mo nang matulog, geh bye"

huh, loko matagal ko nang inamin sa sarili ko na gusto ko sya, hindi ko lang masabi dahil natatakot ako na baka layuan nya lang ako, pag nalaman nya ang totoo.

JENNY POV

inihatid kami ni Dylan hanggang sa labasan ng subdivision pauwi na kasi kami, pero syempre bago kami umalis ibinigay na muna namin yung mga gift namin sa kanya dahil nakalimutan naming ibigay kahapon yun.

" ah daylan sa monday na lang yung gift ko sayo ha, nakalimutan ko kasi sa bahay eh" sabi ni Camille.

" ah, ah, naku walang problema,salamat" sabi ni Dylan.

" oh sige, pano ba yan mauna na kami, thank you ulit" sabi ko kay Dylan nauna naman ng sumakay ng taxi sila Camille at yung kapatid nya.

" geh, bro" sabi ni Zack ng may tumigil ng taxi sa harap namin.

" geh, ingat kayo" sabi naman ni Dylan.

sumakay naman na kami sa Taxi at habang nasa byahe walang umiimik saming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay.

" idiot what do you want for Lunch today?" tanong nya sakin.

" wag ka nang mag abala, hindi na ko mag lalunch busog pa ko eh" sabi ko sa kanya at umakyat na ko sa kwarto ko.

ayaw ko munang makipag usap sa kanya ni makita sya ayaw ko muna, medyo nasasaktan parin kasi ako sa sinabi nya kahapon at baka mahalata nya na umiyak ako magdamag.

ipina alam ko kay Camille ang nangyari at naintindihan nya ko, hindi daw sya mag sasalita tungkol sa nalaman nya.

magdamag lang akong nag kulong sa kwarto ko hindi ako lumabas kahit isang beses man lang, nakaramdam ako ng gutom buti na lang at may biscuit sa bag ko at yun ang pinangtaggal ko ng gutom.

ROLLING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon