41

25 3 0
                                    


JENNY POV:

" we still have a time, lets go after him!!" sabi ni Dylan, kaya napatingin kamibg dalawa ni Camille sa kanya.

" sa tingin mo mahahabol pa natin sya.?" tanong ni Camille.

"hindi ko sure, pero walang mangyayari kung uupo lang tayo dito, tara na!" sabi nya.

nagkatinginan kami ni Camille at sumunod naman kay Dylan.. mabuti na lang at dala nya yung sasakyan ng auncle nya.

mabilis naman kaming sumakay ng sasakayan at agad namang pinaharurut yun ni Dylan..

" im sorry, Jenny ako na lang ang hihingi ng sorry para sa kumag na yun...hindi nya pala sinabi sayo na ngayon ang alis nya" sabi ni Dylan habang nag dadrive.

" alam mong aalis sya ng bansa ngayon?" tanong ni Camille.

" oo, pero akala ko ay sinabi nya kay Jenny, mukhang naloko ako ng isang yun." sabi ni Dylan.

" alam mo rin ba kung bakit sya aalis?" tanong ko, natigilan si Dylan pero sumagot din naman sya.

" Jenny, bestfriend ko si Zack kaya kahit papaano ay alam ko ang tumatakbo sa utak nya..hindi bat umamin sya ng feelings nya sayo?" sabi ni Dylan. hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy sya sa sinasabi nya.

" si Zack ang tipo ng lalaking malamig makitungo sa ibang tao, at may pagka harsh kung magsalita at minsan mahirap pakisamahan, pero kahit ganun alam nya kung nakakasakit ba sya o hindi at alam mo yun di ba Jenny?" nakita kong tumingin si Dylan rear miror ng sasakyan kaya tumango lang ako.

" hindi sya yung tipong nagpapakita ng feelings, pero dahil sayo Jenny, alam kong nararanasan din nya ang feelings na nararanasan nating lahat dito.alam nya ang feeling ng magmahal, kiligin, magselos, sumaya at higit sa lahat malungkot at masaktan.." sabi nya.. patuloy lang ako sa pakikinig kay Dylan..wala rin kasi akong masabi dahil sobrang nabablanko ang isip ko.

" jenny, mahal ka nya, at alam kong masakit para sa kanya ang iwasan ng taong mahal nya, at lalong lalo nang masakit kung makikita mo syang  masaya kasama ng ibang lalaki.kahit sinong tao ganun ang mararamdaman basta nagmamahal.."

napaiyak na ko ng sobra dahil sa mga sinasabi ni Dylan, ngayon ko lang narealize ang lahat ng yun..ako ang may kasalanan kaya aalis si zack, sobra ko syang nasaktan at hindi ko man lang nakita yun.

napakagaling nyang magtago ng feelings, ni hindi ko man lang napansin na nasasaktan  ko na pala sya..

" gusto ko na syang makita,,anong  gagawin ko,, gusto kong humingi ng sorry sa kanya at sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin"

sabi ko habang umiiyak para akong bata na grabe ang patak ng mga luha, sobra akong nagsisisi sa ginawa ko sobra akong naduwag at natakot kaya hindi ko sya magawang harapin at sabihin ang totoo..

kung sana nilakasan ko ang loob ko at sinabi ang feelings ko siguro hindi mangyayari to..hindi ko sya masasaktan.. hindi sya aalis..

" shit!!" biglang sabi ni Dylan at tumirik yung sasakyan.

" bakit anong nangyari?" tanong ni Camille.

" mukhang nag over heat yung makina patay" sabi ni Dylan.

" whaaatt!!!,??" sabi ni camille at napatingin sa akin.

" matatagalan tayo kung aayosin pa natin to pero hindi naman pwedeng iwan ko to dito" sabi ni Dylan.

" waahh pano na!! baka hindi natin maabutan si Zack!!" sabi naman ni Camille nanginginig na yung mga tuhod ko, hindi ako makakapayag na makaalis si Zack ng hindi ko sya nakakausap.

ROLLING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon