JENNY POV
nandito kami ngayon ni Camille sa Library at nagaaral para sa Finals namin, napakabilis ng panahon at isang linggo na lang tapos na ang first semister.
bigla namang nag vibrate yung phone ni Camille at kahit pa busy sya sa ginagawa nya ay nagawa nya pang sagutin yun.
pag tingin nya kung sino yung nagtext ay agad syang napangiti sus si Dylan siguro ang nagtext sa kanya, buti pa sya pumapag ibig na, ikinuwento kasi ng bruhang to yung nangyari sa ospital nung araw na yun at masaya ko para sa kanila.
ng matapos syang mag reply ay binitawan naman nya agad yung phone nya at bumalik sa pag sagot sa business Math namin.
" arrghh!!" napasabunot si Camille sa buhok nya.
" wala akong magets Jenny,, ang hirap nito natatanga ko" reklamo nya at isinara yung libro.
" oo nga eh, pasensya na wala rin akong maisagot eh" sabi ko.
" haay, malapit na ang finals pero hindi parin natin masagutan ang lichugas na project na yan, bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng iproject eh yan pa" sabi nya pa mukhang stress na stress sya.
mahirap naman kasi talaga, biruin mo kailangan naming sagutan yung sampung page ng libro na may sunod sunod na activity test para sa project namin sa finals at dapat makita ng instructor namin ang solution, at kailangang maisubmit namin yun before finals grabe saan ka pa..? turtado na nga utak ko..
" kung may makakatulong lang sana sa atin na sagutan yan edi sana hindi tayo mahihirapan" sabi ko.
" oo nga eh, wala si Dylan dahil dalawang linggo syang hindi nakapasok kailangan nyang humabol nakakahiya naman kung aabalahin pa natin sya" sabi naman ni Camille.
" hindi rin naman pwede si Weslie dahil gumagawa rin sila ng thesis ngayon" sabi ko at saka nangalumbaba na lang sa lamesa..wala kaming ibang maaasahan ngayon kundi ang sarili namin, hindi rin kasi kami makagaya sa iba dahil iba iba ang question namin, grabe napaka terror ng instructor namin.
" speaking of makakatulong..may isa pang taong pwedeng tumulong satin" sabi ni Camille at napatingin naman ako sa kanya.
" talaga? sino?" curious kong tanong.
" sino pa,? edi yung kasama mo sa bahay the one and only Zack" sabi nya, nagulantang ako sa sinabi nya, medyo nawala sa utak ko si Zack, oo nga pala matalino ang isang yun..teka napansin ko lang bakit ang tatalino ng mga lalaki sa Math?
" si Zack?" tanong ko pa kung tutuosin madali lang sanang humingi ng tulong sa kanya kung wala sana kaming problema eh kaso iba ang sitwasyon ngayon di tulad ng dati..ang kapal naman ata ng mukha ko kung pagkatapos ng lahat eh hihingi pa ko sa kanya ng tulong hindi pa nga ako nakakahingi ng sorry eh.
" yeah, pwede naman sigurong kalimutan mo muna ang hiya mo sa kanya at humingi ka ng tulong sa kanya." sabi nya.
" ano nahihibang ka na ba? kita mo nang hirap na hirap pa nga akong kausapin sya tapos ako pang uutosan mong manghingi ng tulong sa kanya" sabi ko, medyo napataas yung boses ko dahil dun kaya sinita kami nung librarian.
" eh, best pumayag ka na kasi wala tayong choice, lunokin mo na muna yang pride mo, ano gusto mo pareho tayong uulit ng business math next year?" sabi nya
napaisip naman ako dun, ayaw ko nang iretake ang business math dahil talaga namang nakakatusta ng isip, kaya naman in the end umuo na lang ako kay Camille.
kinagabihan kabadong kabadong kabado ako at talaga namang pinag papraktisan ko ang sasabihin ko kay Zack sa harap ng salamin bago ako pumunta sa kwarto nya.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...