29

28 2 0
                                    

JENNY POV

friday na at inagahan ko ang pag gising ko dahil gusto kong sumabay kay Zack sa pag pasok, nagbabakasakali rin kasi ako na magkakaroon kami ng pagkakataong makapagusap.

hindi na kasi kami nakakapag usap, since hindi ko na sya mahagilap kahit pa nasabahay na sya.

lumabas ako ng kwarto at ganun din sya sabay kaming lumabas ng kwarto.

nagkatinginan kami pero di rin nagtagal yun at inalis nya yung tingin nya sakin.

kaya sumunod ako sa kanya sa pag baba.

" Zack papunta ka na ba sa school? pasabay na" sabi ko. di sya nagsalita kinuha nya yung bag nya sa sofa at saka nya isinukbit sa balikat nya at diretsong lumabas ng bahay.

" Zack sandali" tawag ko sa kanya gusto ko kasi talaga syang makausap ngayon eh. nilock ko muna yung bahay tapos lumabas na ko ng gate nakita kong ang layo na ng nilakad ni Zack ang bilis naman nun, kaya ang nagawa ko eh tinakbo ko na.

" Zack!" tawag ko sa kanya pero di sya lumilingon.

" Zack! uwaaah!!" sa kakatakbo ko eh nadapa ako napatingin ako kay zack kasi akala ko lilingonin nya ko at tutulongan pero this time hindi man lang sya lumingon at sumakay mag isa sa taxi.

parang ayaw nya talaga kong kausapin, hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya at ginaganito nya ko, tumayo na lang akong mag isa at inayos ko yung sarili ko saka ako pumara ng taxi.

hindi naman sya ganito dati, kahit naman naiinis yun sakin eh pinapansin nya parin ako.kahit parang gusto nya na kong saktan dahil sa galit hindi nya parin ako pinapabayaan, pero ngayon bakit parang kahit anong lapit ko sa kanya hindi ko sya maabot ang layo nya sakin. Nagbago na ba sya? Dahil ba may babae na syang gusto?

ang sakit pala ng denidedma ka ng taong gusto mo, hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin para maabot sya.

dahil maaga akong dumating at mamaya pang 9:30 ang pasok eh nag stay na lang ako sa room kung saan ang first subject namin, kami ang unang course na gumagamit ng last room na to sa second floor ng building na ito. ang subject nga pala namin ngayon English at dahil wala pa kong makausap eh tumingin na lang ako sa labas ng bintana at pinanuod yung mga criminology na nagsasagawa ng tactical practice sa field.

habang nanunood ako sa labas nag pa-flashback sa utak ko yung mukha ni Zack kanina, kung pano nya ko dedmahin, kung paano nya ko iniwan kanina ng di man lang lumilingon kahit anong tawag ko sa pangalan nya.

pati yung mga nakaraang araw na may kinalaman kay Zack lahat yun nagpa-flash back sa isip ko at at kahit anong pilit ko sa pag alala kung may nagawa ba kong hindi nya nagustohan wala akong maalala at dahil dun napaiyak na lang ako.

ang sakit sakit kasi eh, bakit ko ba nararanasan to, di ba dapat di ko naman to nararanasan kasi di naman kami? parang pinupunit puso ko lalo na kapag naiisip ko na kaya nya ko ginaganito dahil may ibang babae na syang nagugustohan.

umubob na lang ako sa lamesa at umiyak ng umiyak at sa tagal kong umiyak di ko namalayan na nakatulog na ko.

ZACK POV

papunta kong library dahil hihiram sana ko ng libro maaga pa kasi para sa unang subject namin kaya naisipan kong gumawa muna ng assignment na di ko nagawa kagabi.

at dahil maaga pa, wala pang masyadong mga estudyante ang nagkalat dito sa hallway ng mapadaan ako sa isang classroom nakita ko dun si Jenny nakaobob sya at sya lang mag isa, nagulat na lang ako ng mapansin ko ang sarili ko na naglalakad palapit sa kanya.

" shes sleeping" sabi ko.

napansin kong medyo basa yung pisnge nya, umiyak ba sya? sunod kong napansin yung siko nya na may gasgas siguradong kanina nya lang to nakuha nung nadapa sya.

ROLLING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon