JENNY POV:" girl hindi na nga pala ako makakasabay sayo, may practice nga pala kaming Volleyball ngayon ito nga palang Letter galing kay Coach, pabigay na lang sa mga teacher natin ha"
sabi ni Camille pabalik na sana kasi kami dahil kakatapos lang ng P.E namin pero may Two hours vacant pa ka kami." ah, sige dont worry akong Bahala" sabi ko.
" sige ah, salamat" sabi nya at bumalik na sa paglalaro. sasabak kasi sila ng laro next week sa ibang school gusto ko sanang sumama at manuod kaso may pasok sa araw ng laban nila.
so papunta na ko ngayon sa Room ng mapadaan ako sa garden ng school at nag sisisi akong napatingin ako dun.
nakita ko si Zack at yung babaeng tinatawag nyang Trish.
niyakap ng kusa ni Zack yung si Trish, nakaharap sila sa ibang direksyon kaya hindi nila ko kita ngayon.hindi ko alam pero hindi ko maalis yung mata ko sa kanila kahit parang ang sakit sa mata ng nakikita ko nakatingin parin ako sa kanila, parang umiiyak yata yung Irish dahil nakita kong pinunasan ni Zack yung gilid ng mata ni Irish.
yung puso ko parang nakaramdam ng pananakit at parang bumibigat na yung mata ko. pero nagulat ako ng biglang may nagtakip ng mata ko.
" guess who?" sabi nya. inayos ko muna sarili ko bago ako sumagot.
" pa guess guess ka pa eh kilala ko yang boses mo, Weslie" sabi ko.
" Oh! men! tsik! tsik! ang galing mong mang hula." sabi nya na may pasnap snap pa.
" di mo man lang kasi binago yang boses mo" sabi ko, napatingin ako dun sa pwesto kung nasaan yung dalawa pero mukhang paalis na sila.
"oo nga eh, di ko kasi naisip yun bago ako nagsalita, hahaha. teka nag snack ka na ba?" tanong nya sakin.
" di pa nga eh, ikaw ba?" sabi ko naman, buti na lang nandito si Weslie kahit papaano eh gumagaan tong nararamdaman ko. siguro kung hindi sya dumating para na kong tanga na nakatulala habang umiiyak.
" tara sabay na tayo, gutom na din ako eh" sabi nya.
so nagsabay na nga kaming pumunta sa Cafeteria sa GSH building dahil parehong doon ang next subject namin, kaya doon na lang din kami mag snack.
naghanap muna kami ng vacant table at seat bago bumili ng foods pero nag offer si Weslie na sya na lang daw ang bibili at hintayin ko na lang daw sya kaya naiwan ako mag isa.
so habang nag aantay ako may mga Maritime na dumating napakarami nila at puro sila lalaki, malalaki at matatangkad sila.
nag siupo sila sa table malapit saamin tumingin ako sa labas dahil naaalibadbaran ako sa kanila.
" psst" lumingon ako ng may sumitsit.
" miss kung pwede daw makuha number mo?" sabi nung lalaking medyo malapit sakin.
" ah #1" sabi ko saka ako tumingin ulit sa labas, pero nagulat ako ng bigla silang naglipatan ng upoan sa table kung saan ako nakaupo.
" miss, Cp number ang hinihingi namin" sabi naman nung lalaking tirik tirik yung buhok.
" ah, sorry pero di ko pinamimigay yun eh" sabi ko saka ko sinulyapan si Weslie na hindi parin nakakabili dahil medyo madami yung bumibili hindi ata makasingit.
" miss sige na, textmate kung baga wala naman sigurong masama" tatayo na sana ko kaya lang pinigilan nila ko.
" oo, saan ka pupunta dito ka na muna" sabi nila.
" ayaw ko dito naalibadbaran ako sa pag mumukha nyo kaya padaanin nyo ko" sabi ko.
naiinis na kasi ko dahil parang ang hahangin ng dating nila buti sana kung ang gugwapo nila eh hindi naman, ang babantot pa, amoy araw pa.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...