16

28 4 0
                                    


CAMILLE POV

" halika na girl lunch na tayo" yaya sakin ni Jenny kakatapos lang kasi ng business math namin.

at oo nga pala tapos na naming iretake yung exam laking pasasalamat namin dahil kahit papaano ay naipasa namin yung second chance na ibinigay ni prof namin. at natuwa naman si maam sa result.

di nga makapaniwala si Jenny na nakakuha sya ng 80 plus, sus kung akong tatanongin inspired lang sya kasi tinuruan sya nung dalawang lalaki sa buhay nya.

" ah, girl sige na mauna ka na di muna ko sasabay sayo may gagawin pa kasi ako" sabi ko sa kanya.

" so iiwan mo ko?" tanong nya.

pambihira naman, pano ko ba sasabihing kikitain ko si Dylan ngayon dahil may hinanda akong para sa kanya bilang pasasalamat sa ginawa nyang pag tulong sakin.

"oy girl, wala kang kasabay mag lunch? tara sabay ka na samin?" yaya ni Hazel, isa sa mga classmate namin.

" oh ayan may kasama ka na, sige na sumama ka na muna sa kanila" sabi ko.

nakita kong mag pout si Jenny pero pumayag din naman sya.

" sige na nga pero kung ano man yang gagawin mo siguradohin mong importante yan balik ka mamaya ah." sabi nya.

grabe oh, ano sya nanay ko? pero natutuwa ako dahil she care for me.

" opo mam, sige na bye!" sabi ko so ayun nag paalam naman na sila sakin at ako naman nilabas ko na yung lunchbox sa drawer ng lamesa ko.

agad akong nag punta sa ACG building para hanapin si Dylan sakto dahil pagliko ko sa hallway nakita ko agad sya at sakto rin dahil mukhang hindi nya kasama si Zack.

" Dylan" tawag ko sa kanya.

" oh, Camille bat andito ka?" tanong nya sakin ng makita nya ko.

"ah ikaw talaga ang sadya ko." sabi ko Sa kanya.

" hum? ako?" sabi nya na naka turo pa sa sarili nya.

" bakit anong kailangan mo?" tanong nya.

" ah eh, uwian na ba kayo?"

" ah oo, bakit?"

" ah, ano kasi.." napayuko ako at humigpit yung hawak ko dun sa paper bag na hawak ko, hindi ko kasi alam kung anong tamang word ang gagamitin ko para yayain syang mag lunch.

nagulat ako ng sumilip sya sa mukha ko with a smile on his face.

" uwaaah!!?" napahakbang ako ng dalawang beses paatras.

" ano ba yan, bat parang nakakita ka ng multo." sabi nya sabay kamot ng batok nya.

" so-sorry, nagulat lang ako." sabi ko.

" kay lang, ano bang sadya mo sakin?" tanong nya at napatingin sya sa paper bag na hawak ko.

" ah, kasi ano, humm"

" gusto mo bang mag lunch tayong dalawa? " nanlaki yung mata ko, alam nya ba kung anong iniisip ko?

"pero sawa na kasi ako sa luto sa cafeteria, gusto ko namang kumain ng home made na ulam kaso hussel kung uuwi pa tayo"

sabi nya, mukhang hindi naman.. mukhang di nya pa naman alam,
ah bahala na nga, yayayain ko na sya thanks offering lang naman to.

" ah ma-may dala kong Lunch k-kung gusto mo h-hati na lang tayo" sabi ko ng nabubulol.

" wow talaga sure ka? pero teka pano si Jenny?" sabi nya.

" ah si jenny naku, niyaya ko ngang mag lunch, eh kaso sabi nya ayaw nya daw mag lunch dahil busog pa raw sya" sabi ko.

ROLLING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon