18

33 3 0
                                    

JENNY POV

" idiot hurry up!"

tawag sakin ni Zack kaya nagmadali na kong ayusin ang mga gamit ko.

sabado na nga pala ngayon at maaga kaming pupunta sa bahay nila Dylan para tumulong sa pag luluto.

" okey andyan na!!" response ko sa kanya.

akala ko magarbong celebration ang mangyayari sa birth day ni Dylan yun pala magkakaroon lang ng maliit na party party kasamang mga friends nya, di naman ako masyadong nag eexpect ng magarbong party kaya okey lang.

kinuha ko na yung gift ko para kay Dylan na nakalagay sa paper bag simple lang naman gift ko yung afford ng pera ko.

bumaba na ko ng hagdan at nakita ko si Zack na nagsusuot ng sapatos ang cool ng suot nya ngayon.

black na polo shirt na may design sa likod na united kingdom tapos may kung anong logo ang nakalagay tapos sa baba may nakasulat na a company of a traditional gentle man at maong pants na may parang maliit na kadenang nakasabit sa likod.

Oh ha naimagine nyo? Basta.. Yuna na yun.

may suot din syang black na relo, inayos rin nya yung kwelyo ng polo nya, grabe lumitaw kaputian ng lalaking to dahil sa suot nya tinalo pa ko.

" lets go" sabi nya.

sumunod naman ako sa kanya at tinext ko si Camille na papunta na kami sa house ni Dylan, nag reply naman sya na on the way na rin daw sya.

mga 9:09 na ng makarating kami sa meeting spot nag usap usap kasi kami na sa plaza malapit sa subdivision na lang kami mag kikita kita at nauna sa amin si Camille, may kasama syang maliit na bata si Lyka nakababatang kapatid nya.

" Camille" tawag ko sa kanya kaya napatingin sya saamin.

" ooy,! hi" sabi nya at kumaway samin.

" hi ate Jen, hi kuya Zack!" bati samin nung kapatid ni Camille ng makalapit kami sa kanila.

" hello" sabay naming sabi ni Zack.

maya maya dumating na si Dylan sakay ng isang van.

" wow! ayos ah!" sabi ni Camille.
na agad pumuna sa van na dala ni Dylan.

" sayo ba to Dylan?" tanong ni Camille.

" haha, hindi, nahiram ko lang yan sa kapit bahay namin, birth day ko kasi kaya pinayagan ako at saka sinabi kong hanggang dito ko lang naman gagamitin" sabi nya so ayun sumakay na kaming lahat sa Van, hindi naman masyadong malaki yung Van, kung tutuosin nga parang hindi sya Van.

mabilis naman kaming nakarating sa bahay nila at pinagbuksan kami ng pinto ng nakababata nyang kapatid na lalaki.

" pasensya na kayo, medyo magulo dito sa bahay, to kasing kapatid ko kanina ko pa pinapalinis ayaw gumalaw eh, by the way feel at home." sabi ni Dylan pag pasok namin.

agad namang binaktas ni Camille ang kusina, bruha talagang to di na nahiya.

" wow laki ng kusina nyo!" sabi ni Camille, sumunod naman ako sa kanya at nakita kong naghahalongakat sya sa mga plastick bag na nasa lamesa.

" ito bang mga ingredient ng mga lulutoin natin?" tanong ni Camille.

" ah, oo pasensya na wala pa kong sinisimulang gawin, di ako marunong mag luto eh" sabi ni Dylan na kapapasok lang sa kusina kasama si Zack.

" ah, pano kayo kumakain sa araw araw?" tanong ko naman.

" ah may taga luto kami, si Aling rosa. pero pumupunta sya dito kapag oras na para mag luto pero ngayon, pinagpa day off ko na muna sya." paliwanag ni Dylan.

ROLLING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon