31

26 2 0
                                    


JENNY POV

haay, hindi ko man lang sya natanong sa ibang bagay na gusto ko pang itanong sa kanya, gusto ko pa sanag mag tanong kung bakit lagi syang ginagabi sa uwi tuwing week end, kung ano na bang status nya sa buhay kung single pa ba sya oh, in a relationship with chuva, hay naku! ang labo talaga ng isang yun, ni hindi ko nga natanong kung okey  na ba kami, kasi nga di ba ilang araw din kaming di nakapagusap dahil sa di ko malamang dahilan at lagi nya kong ini ignore.

at ngayon bigla na lang syang susulpot,magpapakwento pagkatapos mang iiwan nanaman ulit, oh di ba? ang labo eh.

pero, theres something bothering me, ano kaya yung sasabihin nya sana sakin at hindi nya na itinuloy?

nacoconfused din ako sa reaksyon nya kanina, bakit parang may bagay syang itinatago sakin, bakit parang nasasaktan sya kanina, at bakit parang umiiyak sya kanina?

nahalata ko lahat ng yun matapos kong matanong sa kanya tungkol saamin ni Weslie..
hindi na kasi ako masyadong nagtanong dahil alam ko namang hindi nya sasabihin.

so dumaan na yung sabado at linggo na lagi lang akong nasa bahay at nagrereview.

syempre kung gusto nyong mag tanong about kay Zack, well wala akong masasabi dahil wala sya sa bahay buong araw ng sabado at linggo, at ngayon monday na hell week nanaman dahil exam na.

" uwaah!!! my friend sa sabado na nga pala ang date nyo ni Weslie boy!!" kinikilig na sabi ni Camille.

"yeah" matamlay na sagot ko sa kanya, wala kasi akong gana dahil masyado kong nagamit utak ko kanina sa exam, feeling ko pagod na pagod ako.

" oh, eh bakit parang lantang lanta ka dyan?" tanong nya, nandito nga pala kami ngayon sa cafeteria kakatapos lang ng first two exam namin, at mamaya naman yung tatlo.

" wala, lang pagod lang siguro ako" sabi ko.

" humm, pagod? i know you my friend.. ano ba yan..ako pa bang pag tataguan mo ng secret" sabi nya. huminga ako ng malim at saka nagsalita.

" hindi ko kasi maintindihan best." sabi ko saka ako nagbuntong hininga.

" ang alin?" tanong nya.

" kasi, parang may mali eh, tama ba tong gagawin ko?" sabi ko. tumingin sakin si Camille.

" best, ang labo mo di kita magets ano bang ibig mong sabihin?"

" sorry, kasi best tama bang pumayag akong magdate kami ni Weslie?" tanong ko.

" humm" sya na nakataas ang kilay at nakatukod yung hintuturo nya sa baba nya at parang nag iisip.

" hindi naman siguro, tama lang siguro na pumayag ka para atleast masigurado mo kung ano talaga ang gusto mo at kung para kanino ba tumitibok yang puso mo. mahirap nga namang pumili kapag dalawa ang choices pero kailangan mong pumili sa gusto ka, o sa gusto mo."

" best icancel ko na lang kaya yung date namin..para kasing di pa ko ready" sabi ko.

" yan ang wag mong gagawin, papaasahin mo yung tao? naku! bad girl, alam mo mas mabuti pa saka mo na lang pag isipan ang bagay na yan pagkatapos ng date nyo, hayaan mo munang pakita nya yung best nya saka ka magdecide."sabi nya.

siguro tama si Camille saka ko na lang poproblemahin ang lahat pagkatapos ng date na yan ang dapat na pag tuonan ko ng pansin ngayon ay ang exam

DYLAN POV

" oh, boy tsik! hanggang kelan ka ba uungko dyan sa lamesa?"

tanong ko kay Zack and by observing him parang pasan nya lahat ng problema sa mundo, magkasama kasi kami ngayon dito sa apartment ko, hindi muna ko umuwi ng bahay dahil tinatamad ako, at himala dahil sumama sakin ang kumag na to.

ROLLING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon