JENNY POV
" oy, wala ka na bang ibibilis pa dyan?" tanong nya sakin.
sino pa ba edi si Zack, papunta na kasi kami ngayon sa sakayan ng tren, ang problema hindi ako makapag lakad ng maayos dahil masakit ang paa ko nadulas kasi ko kanina sa banyo sa pag mamadali ko, Mid Term kasi namin ngayon at bawal ang umabsent dahil hindi na kami bibigyan ng special exam. hindi ko na ipinaalam sa kanya ang nangyari.
kaya kahit kumikirot ang paa ko eh binilisan ko yung pag lalakad ko dahil ayaw kong pag hintayin ang mahal na prensipe. dahil baka mamaya mag evolve na nanaman sya. 😒
ng makasakay kami ng tren, ang laki ng problema ko dahil siksikan ang daming pasahero.
over loading na to grabe, parang hindi na ko makahinga. nung umandar na yung tren hindi ko mabalanse ang katawan ko dahil masakit nga yung paa ko.
pinilit kong abutin yung hawakan para sa pasaherong nakatayo kaya lang hindi ako ipinagpala para maging matangkad kaya hindi ko yun naabot.
napatingin ako kay Zack na diretso ang tingin sa labas.
"uwah" napapikit ako sa sakit ng paa ko ng biglang magkatulakan. Parang gusto kong umiyak.😣
pambihira naman bakit ba ang daming pasahero ngayong araw,? takte. panay ang tulakan nila kaya ako naman walang magawa kundi ang magpatulak, ano naman kasing laban ko, ang sakit ng paa ko.
"uwaahh" biglang nagpreno ng malakas yung tren kaya nawalan ng balanse yung ibang taong hindi nakahawak, kaya yung nangyari para kaming tinangay lahat napunta sa kanto.
akala ko nga maiipit ako pero buti na lang at...
teka!?.. wait lang!.. hindi ako naipit!?
saka ko lang narelize kung bakit parang hindi ako naipit, may taong nakaharang sakin.
"Zack, ok ka lang?" tanong ko sa kanya, para kasing nakasheild yung katawan nya sakin para siguro hindi ako maipit.
ah pano ko ba to ipapaluwanag, nakaharap sya sakin, at naka tukod yung mga kamay nya sa bintana at nasa gitna ako.
gets nyo? ah basta yun na yun.!
" are you really asking me that stupid question ? you idiot, of course im fine."😑
sabi nya rinig kong marami nang nag rereklamo dahil sa tulakang nagaganap.
"sus, nag susungit ka na agad, para nagtatanong lang" sabi ko.
sabay iwas ng tingin, eh kasi ewan ko ba pero parang naiilang ako sa posisyon namin.
saka ito nanaman yung feeling na ang bilis bilis ng tibok ng puso ko saka yung mga insekto sa tyan ko na parang nagwawala nanaman. sobrang close kasi namin sa isat isa.
at hindi ko alam kung anong iniisip nya.
"instead of asking me, why dont you ask your self" sabi nya.
" huh? bakit ko naman gagawin yun?"
tanong ko. kung kanina hindi sya nakatingin sakin ngayon nakatingin na sya sakin.
" do you think you can fool me? I know na may iniinda ka dyan sa paa mo kaya para kang pagong kanina."
" guh!? pano mo nalaman?."
ganun ba ko ka halata para mapansin nyang may masakit sakin?
" of course I know" sabi nya tatanungin ko pa sana sya nang biglang tumigil yung tren at nagsilabasan na yung mga tao, pinauna na namin yung ibang pasahero at kami ang huling lumabas.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...