JENNY POV
on the way na ko papuntang school, hindi ko kasabay si Zack dahil nauna na syang umalis, lately lagi na syang nauunang umalis sa akin ng di man lang ako ginigising i wonder kung sinasadya nya ba yun kaya lang bakit nya naman gagawin yun? hindi na rin kami masyadong nakakapag usap dahil lagi syang wala every weekend at gabing gabi na kung umuwi.
nang makarating akong school nakita ko si Camille na papasok na pero tumigil ng makita nya ko at kumaway pa.
" good morning!" sabi ko.
" morning tara na!" so pumasok na kami ng school hanggang sa makarating kaming first subject namin pero naabutan namin dun si Weslie na nakatayo sa harap ng room namin.
" Weslie!" tawag ko sa kanya at lumingon naman sya at ngumiti ng makita kami.
"anong ginagawa mo dito?" tanong ni Camille.
"ah wala naman inaantay ko kayo" sabi nya.
" yas! oh sige pasok na ko, alam ko namang si Jenny lang ang habol mo" sabi ni Camille tinignan ko sya ng masama pero tumaas baba lang yung kilay nya.
" ah bakit mo nga pala kami inaantay?" tanong ko wala pa yung prof namin sa katunayan mamaya pang nine ang pasok namin kaso kinailangan naming pumasok ng maaga para mag review.
" gusto lang kitang makita, pag nakikita kasi kita nakukumpleto araw ko" sabi nya.
" pfft" natawa na lang ako.
" bat ka natawa? ganun ba ko kacorny?" tanong nya.
" sorry hindi naman sa ganun grabe ka naman kasi" sabi ko.
" oo nga pala para sayo" nagulat ako ng maglabas sya ng isang red rose.
" s-salamat" sabi ko.
" oh sige, mauna na ko time na rin kasi" sabi nya kinuha nya na yung binder nya.
"ah, sige salamat nga pala dito" sabi ko saka ko itinaas yung rose na parang ipinapakita sa kanya yun.
" haha, wala yun basta ikaw sige bye"sabi nya saka sya tumalikod.
"bye" sabi ko din pero bigla syang humarap ulit.
" ah Jenny" tawag nya sakin kaya napatingin ako sa kanya, pero parang nag hahagilap sya ng sasabihin.
" ah, ano wala, sige pasok ka na" sabi nya at saka sya tuloyang umalis.
nagulohan ako sa kanya pero di ko na lang pinansin at pumasok na ko.
WESLIE POV
"haaay" sumandal ako sa pader pagkaliko ko sa kanang hallway pambihira inunahan ako ng kaba, gusto ko sanang yayain sya ng date kaso nung sasabihin ko na parang nagkaroon ng insekto sa tyan ko at parang umurong yung dila ko kaya hindi ko na natuloy..
"ano ba Weslie ngayon ka pa ba kakabahan?"
nasabi ko na lang sa sarili ko umayos na ko ng tayo at nag decide na pumunta na sa klase.
next time, next time yayayain ko na talaga syang magdate at sana wag nya kong tatanggihan.
imma cry if she do. jowk lang malapit na ko sa building dumaan muna ko sa Cafeteria para bumili ng yellow pad at naikita ko dun yung lalaking laging kasama nila Jenny yung laging nakapoker Face.
hindi ko alam kung tama ba tong nakikita ko pero parang titig na titig sya dun sa babaeng kasama nya. dinaanan ko lang sila at dumiretso dun sa tindahan ng makabili ako napatingin ulit ako sa kanila pero this time nagulat ako dahil nakatingin na sya sakin ng masama.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...