JENNY POV
" okey, ballpens up!"
takte! di pa nga ako tapos sumagot eh.
"naku, pano ba to?"
" maam wait lang marami pang hindi tapos oh" sabi ni camille.
" okey ill give you another 15 minutes, kung nagaral kasi kayo madali lang masasagutan yan"
sabi ni prof. buti na lang may kunting kabaitan ang prof namin, napatingin ako kay Camille mukhang tapos na sya, buti pa siguro ang babaeng to nakapag aral ng maayos, bigla naman syang lumingon sakin at nagwink.so ayun nagfucos na lang ako sa kakasagot napatingin ako sa paligid marami pang sumasagot at meron na ding nagsisitayuan,
binilisan ko na lang din ang pagsagot, pero takte wala akong maisagot! chugas namang history to.handa na sana kong mag mini mini ng maramdaman kong may sumusundot sakin sa likod kaya napatingin ako dun.
"bakit?" tanong ko kay Weslie, oo di kayo nagkakamali si Weslie nga, kasama kasi namin yung course nilang nag eexam ngayon kasi iisang prof. lang naman ang naghahandle samin, pinagsabay na kami ni maam dahil hindi daw sya makakapasok bukas sa course nila Weslie dahil aattend daw sya ng burol ng kapatid nya.
" akin na papel mo, ako nang sasagot" sabi nya nanlaki naman yung mata ko saka ko ni lingon si prof na mukhang busy sa Cellphone nya, medyo nag alangan pa ko pero palihim ko ring ibinigay sa kanya.
agad nya namang sinagutan yun at wala pa ngang ilang minuto eh sinuli nya na sakin yung papel ko.
napatingin ako sa kanya at nginitian nya lang ako.tinignan ko naman yun at lahat na may sagot, sigurado ba syang tama ang mga to? parang nanghula lang sya eh.
hiningi na ni maam yung mga test papers namin kaya isa isa na naming ipinasa sa unahan yung mga sinagutan namin.
" okey thats all for today" sabi ni maam at saka lumabas na.
" sige Jen, mauna na rin ako, may next exam pa kami eh"paalam ni Weslie.
" ah, Weslie, humm salamat ah"sabi ko sa kanya.
" no, probs" sabi nya saka lumabas na ng room, ng mapatingin ako sa pinto nahagip ng mata ko si Zack.
bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko ng biglang magflashback sa utak ko yung sinabi nya kagabi.
"i love you"
uwaah feeling ko namumula ata ako, kaya sinampal samapal ko yung sarili ko, takte nababaliw na ko.
nung mga oras na yun, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nalilito ako at hindi ako makapaniwalang sinabi nya yun.
sa totoo lang masaya ko na same kami ng feeling ang kaso lang nasa state of shock parin ako kaya tinakbuhan ko sya kagabi.
"haaayyy" pano ko na sya haharapin ngayon, baka kung anong isipin nya.
eh kaya lang hindi pa ko ready na harapin sya dahil di ko pa alam kung anong sasabihin ko sa kanya gusto ko, pag hinarap ko na sya alam ko nang sasabihin ko.
" oi girl lalim ata nun ah, para saan yun?" tanong sakin ni Camille ng makalapit sya saakin. hindi ako pwedeng mag kwento sa kanya ngayon dito dahil madaming tao.
" mamaya ko na lang ikukwento pag labasan." sabi ko.
di nya na ko kinulit dahil biglang dumating yung prof namin at mabilis na nagbigay ng test paper.
nung matapos ang exam, nagpaalam sakin si Camille na pinapatawag sya ng coach nila sa Volley ball. kaya ako lang magisa papunta sa cafteria.
" Zack" agad akong nagtago sa loob ng isang bakanteng room ng makita ko si Zack sa di kalayuan dito sa hallway.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...