ZACK POV
" Zack!!" tumakbo sya bigla palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit..
" Zack! Zack! Zack!!" paulit ulit nyang tawag sa pangalan ko hindi ko alam pero para gustong gusto kong tinatawag nya ang pangalan ko.
" Jenny, anong ginagawa mo Dito? sinong kasama mo?" tanong ko sa kanya. pero umiling lang sya.
" ikaw, anong ginagawa mo dito? bakit nandito ka aalis ka? iiwan mo ko,? alam mo bang napakadaya ng gagawin mo!?" nagulat naman ako sa inasta nya mukhang si Dylan ang kasama nya at mukhang sa kanya nya nalaman na aalis ako ang lalaki talagang yun.
" bakit ka aalis, bakit mo ko iiwan gayong sinabi mo mahal mo ko, ano yun isa lang ba yun sa mga prank na lagi mong ginagawa!!?" sabi nya habang nangigilid ang mga luha nya.
" no im so---" nagulat ako at hindi ko na natapos ang sasabihin ko sabigla nyang ginawa.. shes kissing me right now in front of so many people.
" I Love You Zack, sana hindi pa huli ang lahat para sabihin ko to sayo.." sabi nya.
hindi ako makapasalita para kasing ang bilis ng mga pangyayari hindi ko alam kung ano ba ang tamang salitang bibitawan ko, hindi ko na alam.
JENNY POV
" sorry kung hindi ko agad nasabi sayo ang totoo, masyado kasi akong nadadala sa kaba at takot at hindi ko na napansin na sobra kitang nasasaktan... gusto ko lang naman na sa pag harap ko sayo ay masabi ko ng maayos ang mga gusto kong sabihin pero hindi ko inaasahang aabot sa ganito..na iisipin mong ayaw ko sayo kaya kita iniiwasan sorry.. sorry..sorry kung hindi ko agad narealize ang lahat ng yun Zack pero maniwala ka mahal talaga kita.." sabi ko at napayuko ako dahil sa sobra akong umiiyak ngayon, Masyado atang active ang tear glands ko ngayon at grabe ang luha ko, naramdaman ko na lang na niyakap nya ko.
" idiot, ako nga dapat ang magsorry dahil ako ang nagsimula nito, pero ito ako at tatakas sa sinimulan ko dahil lang sa isang maling akala, ako dapat ang magsorry kasi napakalaki kong duwang para takasan ang lahat ng yun...hindi ko binigay ang best ko at alam kong hindi ko naipakita sayo ng maayos ang totoo kong nararamdaman kaya ako dapat ang magsorry sayo" sabi nya..
" Zack" sambit ko sa pangalan nya at niyakap ko din sya, ang bango nya sobra kong mamimiss ang amoy na to kung iiwan nya ko ngayon.
" wag ka nang umalis please" sabi ko at lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya, ito ata ang unang pagkakataon nayakap ko sya ng ganito kahigpit na halos marinig ko na ang tibok ng puso nya, pareho ang heart beat namin ngayon napakabilis ibig sabihin kaya nito ay pareho kami ng nararamdaman ngayon?
naramdaman kong itinutulak nya ko ng mahina para siguro kumalas sa yakap ko kaya lalo ko lang hinigpitan yakap ko. hindi ko hahayaang makawala sya saakin, hindi ko hahayaan na iwan nya ko.
" Jenny"
" ayko!!! wag mo kong iiwan dito!! hindi ako makakapayag na iwan mo ko dito!! ayoko Zack!!" sabi ko at lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko wala na kong pakealam kung maraming taong nakatingin sa amin ngayon.
ang gusto ko lang ay manatili sa tabi ko si Zack at mapigilan sya sa pag alis,
" Jenny, your hugging me too tight i cant breath..your gonna break my bones..im not going anymore" sabi nya.
"talaga!!?" sabi ko. huminga naman sya ng malalim bago sumagot.
" yeah, im sorry if i decide to go without telling you.." sabi nya at pinahid nya yung mga luha sa pisnge ko at sa malapit sa gilid ng mata ko.
" hindi na yun mahalaga sa akin ang importante sa akin ay yung hindi ka na aalis" sabi ko naman.
" jenny, i want to ask you this, ito ang isang bagay na kahit kailan ay hindi ko nasubukang itanong sayo" sabi nya.. at napaiwas naman sya ng tingin at hindi ko alam kung totoo ba tong nakikita ko parang nagbablush ata sya namumula kasi yung tenga nya.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...