14

30 4 0
                                    


JENNY POV

" zack" tawag ko sa kanya dun ko lang napansin na inaapoy pala sya ng lagnat.

" Zack nilalagnat ka" sabi ko sa kanya. rinig ko yung lalim ng paghinga nya.

" its your fault, idiot" sabi nya.

tinulongan ko syang makatayo at tinulongan nya rin ang sarili nyang tumayo.

dahan dahan kaming naglakad pataas sa second floor at inaalalayan ko sya ang higpit ng hawak nya sakin parang takot syang matumba.

ng makarating kami sa kwarto nya pinahiga ko sya sa kama nya.

" Zack, ahm ano magpalit ka ng damit basang basa ang damit mo eh." sabi ko sa kanya habang nag hahalungkat ako ng damit sa cabinet nya.

" go away, just leave me alone" sabi nya at tumayo sya sa kama nya at pinag tutulakan ako palabas.

" ano ba Zack may sakit ka, hindi kita pwedeng iwan ng ganyan ang kalagayan mo" sabi ko sa kanya.

" go away" sabi nya at pinag tutulakan nya talaga ko pero bigla syang natumba.

" Zack" tutulungan ko sana sya kaso sinigawan nya ko.

" GO AWAY you idiot!!, im going to change my clothes ALONE!!" sabi nya at pinagtulakan nya ko palabas.

pambihira magpapalit pala ng damit di sana sinabi nya agad noh hindi yung pinang huhula nya ko.

makalipas ng ilang mimuto kinatok ko na ulit sya pero hindi sya nagresponse kaya binuksan ko na yung pinto nya, siguro naman tapos na syang magpalit eh no?

pagbukas ko nung pinto nakita kong nakahiga na sya sa kama nya pero nasa ibaba yung mga paa nya kaya nilapitan ko sya nakapatong sa mata nya yung braso nya. At nakita kong naka unbutton pa lahat ng butones ng damit nya.

" lalo kang lalamigin nito" sabi ko at ako na mismo yung nagsara ng mga butones nya at hindi naman na sya umangal.

habang ginagawa ko yun wala akong tigil sa kalulunok ng sarili kong laway eh pano kasi his so built, pano kaya nagka abs to? kasi sa pag kaka alam ko hindi naman sya nag gi-gym eh.

" umayos ka na ng higa para makapag pahinga ka ng maayos" sabi ko sa kanya.

umayos naman sya ng higa pero di pa nga nagtatagal bigla syang bumangon at agad na dumiretso sa banyo at nagsuka.

nakonsensya tuloy ako, buong gabi sa gitna ng malakas na ulan nasa labas sya at hinahanap ako without even a single hint kung saan posibleng nandun ako.

" bwaack!!" sya yan, hinimas himas ko na lang yung likod nya para tumigil na sya sa pag susuka.

bumalik sya sa pagkakahiga nya ng masigiro nyang hindi na sya nasusuka.

" kukuha lang ako ng towel ha, saka palangana para pag nasusuka ka hindi ka na tatakbo sa banyo." sabi ko.

hindi naman sya nag response sa akin kaya lumabas na ko ng kwarto nya at kinuha yung mga kailangan ko at dinala yun sa kwarto nya nagdala rin ako ng yello na ipapatong sa noo nya.

pagkatapos ay nagpasya na kong lumabas muna saglit para mag luto ng pagkain nya.

" kapag may sakit mas mabuting may sabaw kinakain para mas mabilis na malunok ng may sakit ang pagkain" sabi ko sa sarili ko.

so napagpasyahan kong soup na lang ang lulutuin ko para sa kanya.

habang nag luluto ako nagpa- flash back sakin yung nangyari kanina.

hindi ko maimagine si Zack na naghahanap sakin sa gitna ng malakas na ulan.

hindi ko maimagine kung anong ekspresyon ang nasa mukha nya ng mga oras na yun habang hinahanap nya ko at kanina hindi galit ang nakikita ko sa mga mata nya habang sinisigawan nya ko. punong puno yun ng pag aalala at takot.

ROLLING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon