9: The Beginning of Complications

24 1 0
                                        

*** Hiking ***


Katatapos lang ng isang event sa school kaya binigyan nila kami ng isang araw na walang pasok (monday). Plano ko? Wala. Wala akong planong lumabas ng bahay at gumala. Mas gusto ko kasing matulog at manuod lang ng anime or di kaya magbasa ng aklat o manga.

Pero nasira lahat yun nang dumating si tita.

"Cee! Mag.impake ka na!" Sigaw ni mama sa ibaba (nasa 2nd floor kasi ang kwarto naming magkakapatid).

"Ha? Bakit?"

"Aalis kayo nang tita mo papuntang Mambukal Resort. Bilisan mo na."

Hay. Kahit ayaw ko kailangan ko pa ring sundin. Whaaaa~ okay.

At yun na nga. Nag.impake na ako ng gamit at nang dumating na si tita ay umalis na rin kami.

Pagkarating namin sa resort, inayos na namin ang mga gamit sa cottage. Btw, kasama ko rin ang isa kong tita, yung anak niyang lalaki at ang nakababatang kapatid ko na sadyang umabsent pa para rito.

"Okay! Handa na ba kayo sa activity natin mamaya?" Sabi ni tita na may buonh enthusiasm.

Napaisip ako.  Activity? Ano to? Retreat? Akala ko maliligo lang sa pool o sa falls.

"Ano ba ang gagawin natin, tita?" Tanong ko pagkatapos kong iayos ang gamit ko sa kama.

"Magha.hiking tayo, Cee! It's good for our heart lalo na sayo. Puro trabaho ka nalang daw kasi. Kailangan mo rin ng break tulad nito." Ngumiti lang siya sakin at ako rin sa kanya.

Pero okay na sa ako kung makapanood lang nang anime eh. Hindi pa magastos. Haaay...pero...libre rin naman to so I might as well enjoy this. Di ba?

An hour pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay nasimula na kami sa hiking namin.

At first nag-aalangan ako sa activity na ito pero...ngayon gusto ko nang lamumin ang lahat ng reklamo ko.

Ang daming puno 😍 Tapos yung mga halaman ang ku.cute!!!

Napangiti nalang ako.

Dahil sa pagiging abala ko sa trabaho, nakalimutan ko na yata na mahilig ako sa nature. Gaya noon na kinakausap ko yung mga halaman sa bahay. Haha. Haaay...siguro nga kailangan ko rin to.

Habang naglalakad ay kumukuha ako ng pictures para sa aking blog at dahil masyado akong namangha sa paligid, hindi ko napansin na nahiwalay na ako sa kagrupo ko.

I stayed calm.

*kruuuu kruuu...

I tried to stay calm...pero hindi. Kinakabahan na ako.

A crazy thought popped inside my head.

Usually, sa mga romantic stories, nawala yung bida sa kagubatan tapos may prince charming na magliligtas sa kaya---yung crush niya pala. Then sa mga sumunod na araw nagkita ulit sila at doon na nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Whaaaa~ so nice naman!

Sana yun din ang mangyari sa kin.

Tch. Urgghh! Baliw ka na, Cee! Bakit naman mangyayari sa yo yan?! First of all, nireject ka na ng crush mo oi! At sino naman ang maghahanap sakin maliban kina tita? Hay...di bale na. Maglalakad nalang ako.

Pagkatapos ng halos isang oras kong paglalakad, sa wakas at nakabalik na rin ako sa mga cottages. Ang problema...hindi ko na matandaan ang number ng cottage namin. Lagot na. 😨

Ang tanga ko talaga sa direksyon!!!!

"Cee? Eucee, ikaw ba yan?"

"Hm?" Isang pamilyar na mukha ang tumambad sa harapan ko. May dala-dala pa siyang isang stick ng barbeque.

"Aki?" Tanong ko. Hindi ako sure kung siya nga ito.

"Ako nga! Anong ginagawa mo rito?"

"Ah. May family vacation lang. Ikaw?"

"May outing kami ng mga barkada ko. Pakilala kita?"

"Ah---ha? Naku huwag na. Nakakahiya naman---"

"Okay lang yan! Tayo na." At hinila niya na ako papunta sa cottage nila.

May tatlong lalaki at dalawang babae ang kasalukuyang nag.uusap.

"Guys! May ipapakilala ako." He placed me in front at ipinakilala sa kanila. "She's Eucee."

"Eucee?" Sabi ng isang lalaking nagluluto ng bbq. "Parang pamilyar yung name. Oh wait---- ikaw ba yung kaibigan ni Aki na mahilig gumawa ng kanta?" He said and I can see the sparkle in his eyes.

Lumapit siya sakin at kinamayan ako. "Hi I'm Calvin. I'm a fan."

So bentilador siya? Awwts. Cee, stop trying to be a joker. Hay.

"Ah--hi. Nice to meet you. Hehe..."

Agad kong tinignan ng masama si Aki.

"What?" Tanong niya.

What-what ka diyan. Ilublob kita sa pool eh! Bakit mo naman ipinagkalat na nagsusulat ako ng kanta?!

Tinitigan niya lang ako. Confused.

***phone ringing: Mr Raindrops, Gintama Op***

Tinatawagan na ako ni tita.

"Hello po?"

"Cee, nasaan ka na? Nawala ka na naman ba?"

"Ah, medyo po tita pero nakabalik naman ako sa ibaba eh. San po kayo?"

"Nandito kami sa food court. Alam mo ba ang papunta dito?"

"Ah. Opo." Actually, hindi.

"Sige. Hintayin ka na namin dito ah. Tapos pupunta na tayo ng hotspring."

"Okay po. Bye."

Off phone.

"Sino yun?" Tanong ni Aki.

"Si tita. Hinahanap na kasi nila ako. So kailangan ko na ring umalis."

"Hatid na kita?"

"Ha?" I felt some butterflies growing inside my stomach na biglang namatay ng nakita ang masamang tingin ng isang babae sa barkada niya. "Ah, huwag na. Kaya ko naman eh. Hehe...salamat nalang."

Nagpaalam ako sa kanya at sa barkada niya.

Sino nga ba si Aki?

He became my friend dahil sa isang common friend namin. Minsan na akong nagkagusto sa kanya pero hindi niya naman ako napapansin kahit na ano mang pagpapapansin ang gawin ko kaya sumuko nalang ako. Now we're still friends...hindi na nga lang kasing close ng dati.

Hay. Anyway, saan na nga ba ang daan papuntang foodcourt?

Tch. Here we go again. 😒










***to be continued***

Diary of an IntrovertWhere stories live. Discover now