37

31 1 0
                                        


2 days had passed....



"Anak, gusto mo samahan na kita? Baka mahilo ka naman." sabi  ni Mama na tumigil sa paglalaba ng papalabas na ako ng bahay.



"Ma, okay lang ako. Napasobra lang siguro ako sa pagtatrabaho kaya nangyari sakin yun. Kaya ko ng magpalaboratory test ng mag-isa." 



"Hay. Sige. Siyanga pala, sinabihan mo na ba si Calvin tungkol sa nangyari sayo?" 



"Ah, hindi pa ma." Tinignan lang ako ni mama at bumalik sa kanyang ginagawa na para bang may gusto siyang sabihin sakin pero hindi niya nalang itinuloy. " Alis na po ako!" 



"Sige, ingat ka." 



Ang totoo niyan, ni isa sa mga kaibigan ko wala akong sinabihan tungkol sa nangyari sakin. Swerte ko naman kahapon dahil walang pasok so wala akong deduction sa sweldo kung sakaling absent ako. Hindi naman sa ayaw kong ipaalam sa kanila pero...ayoko lang na mag-alala sila sakin.



Did I ever mention before na hindi ako sanay na someone's taking care of me? Bago kami nagkakilala ni Calvin, even before Aki and my closest friends now, I used to live my life trying to act strong, depending on no one. I don't like feeling of being cared dahil alam ko namang hindi yun magtatagal. The people will soon go away....and I'll be having a hard time forgetting what they made me feel. I kept longing for the love and care--- and I don't want that. Well... that's why I'm afraid of commitments.



Hay.... ano ba naman tong iniisip ko? So depressing.



Kamusta na kaya si Calvin? Argh... I miss that annoying guy. 



"Eucee, ikaw ba yan?" 



Kakukuha ko lang ng number sa counter ng may tumawag sakin. Napalingon ako sa gilid at nagulat sa nakita ko.



"Tita? Ah, hi po." It's tita Maribel. Calvin's mom.



"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. "May sakit ka ba?" 



"Ah, magpapa- laboratory test lang po ako. Medyo nagkakasakit kasi ako lately kaya minabuti ko ng magpacheck up. Kayo po?" Dapat ko bang sabihin na nahimatay ako? 



" Ah, annual check up lang. Kinukulit na kasi ako ni Calvin na magpacheck up. Sayang naman daw kasi yung binabayad niya para sa health insurance namin. Haha! Nakakainis talaga minsan yang anak ko. Di ba?" 

Diary of an IntrovertWhere stories live. Discover now