26: Tell Me Where It Hurts

52 1 0
                                        

The next day...


I was on my way to work when I received a call from Calvin.


him: Hi. Kamusta? Sumasakit pa ba ang paa mo?

Me: medyo okay naman. Papunta akong trabaho.

him: Ha? Cee, di ba kailangan mong magpahinga?

me: nakakalakad na nga ako so okay lang. Huwag ka ng mag-alala.

him: Okay. Fine. I don't wanna argue early in the morning.

me: Ikaw? How are you? 

him: hm? I'm good. Bakit?

me: ah...yung nangyari kahapon sa ospital---

him: Cee, I'm fine. Kalimutan mo na lang ang nangyari, okay? 

me: ...

him: By the way, aalis si Aki papuntang Thailand. Kung okay lang daw pumunta tayo mamaya sa farewell party niya? Are you okay with it?

me: Okay. S'an tayo magkikita? Anong oras?

him: Susunduin na lang kita pagkatapos ng trabaho mo.

me: Sige. Tawag ka na lang ulit.

him: Bye. Ingat ka. See you later.

me: See  you.


Call ended.


Actually, I'm not feeling that well but the more I stay and rest at the house, the more I think about a lot of problems. Gusto kong ibaling ang atensyon ko kaya minabuti ko ng magtrabaho. Anyway, sayang naman yung sweldo.


And so, I came to school and did our usual work. Time flies so fast na hindi na naman namin napansin na malapit ng mag-5 pm. Habang nagpapahinga ako sa classroom, Nalie brought snacks.


"Gusto mo?" She handed me a piece of bread.


"Whaa~ buti't may pagkain ka. Kanina pa ako gutom eh." Sabi ko at kinain na nga ang dala niyang tinapay. "Walang drinks?" 


"Sa opisina maraming tubig. Libre pa." 


"Loko ka talaga." 


We laughed. This was I guess, my first genuine laugh for the day.


"Bakit nagtrabaho ka pa? Sana nag-file ka na lang ng sick leave. Napansin kong  parang namamaga pa yang paa mo eh." sabi niya sabay tingin sa paa ko.


"Parang...may problema kasi ako. Ayakong medyo pansinin yun kaya pinili kong magtrabaho." 


"Problema? Sa bahay niyo?" 


"Marami eh. Sa bahay. Financially. At...si Calvin." 


"Okay?" She cleared her throat and sat closer to me. "Alam mo, ikaw parati ang nagsasabi sa amin na Eric na kailangan naming harapin ang mga problema namin. Pero bakit kabaliktaran yata ang ginagawa mo? Anyare? At saka ano tong problema kay Calvin ha? Inaway ka ba niya? Sabihin mo." 

Diary of an IntrovertWhere stories live. Discover now