Extra: Me and My broken heart

23 0 0
                                    


My first personal confession turned out to be my first greatest heartbreak. What to do? If I were my usual self, I'd rant in my SNS accounts and be somehow comforted by my followers' replies and reactions. 

But I'm also a changed person. Instead of posting it, I'd rather be alone and later on, share what I feel with my closest friends.


A certain day came  when I was left alone at home. May pinuntahan kasi silang birthday party at nahihirapang makahanap ng sasakyan pabalik kaya sa hotel nalang sila matutulog. Takot silang mag-isa lang ako sa bahay kaya sinabihan nila sina Nalie at Eric na samahan na ako.


Fortunately, pumayag naman ang dalawa. 


Siguro nga ito na ang oras na pwede na akong magdrama sa kanila.


I told them what happened and they were just quietly listened to my drama.


" Okay lang yan friend. Hindi lang talaga siya ang para sayo." sabi ni Nalie.


" Oo nga naman! Marami pa namang lalaki diyan eh. Hmmm...well, nandiyan pa naman yung Calvin diba?"


My heart skipped a beat. " Bakit naman siya napasali dito?"  


" Well,"  nagsalita si Nalie. " Di ba may gusto sa iyo yun? Ang gwapo nun friend! Ba't di mo nalang patulan?"  


" Hah. Anong akala niyo sakin? Naghahanap ng gwapo?" 


" Di ba?" She smirked at me.


" Tch." Ibinigay ko sa kanila ang aking phone. "Tignan niyo yung profile niya. Masyado siyang mataas para sakin."  


" Sa height? Okay lang naman ah---" sinapak ko kaagad si Eric. " Aray! Ikaw---nasasanay ka ng kasasakit sakin ah!"  


"Nakakabwisit ka kasi minsan. Di  naman height ang ibig kong sabihin eh! Yung status! Tignan niyo nga, gwapo siya, may maayos na trabaho, nirerespeto ng iba, sikat---for sure maraming nagkakagusto diyan. Ang gaganda pa ng mga exes niya."  


" Ay? Pati yan nahalungkat mo, friend?Wow. Hindi raw interesado."  Sabi ni Nalie.


" Hoy---na---aksidente ko lang nakita! Hmp. Ang judgmental niyo."  


"At ang defensive mo naman!"  


Tinawanan lang nila akong dalawa.


" Hay! Tama na nga yan. Aalis na muna ako para ipagbili kayo ng pagkain."  sabi ko.


" Samahan ka na namin?"  tanong ni Eric.


" Okay lang. Malapit lang naman dito ang tindahan eh. Sige na."  Sabi ko at umalis na.

Diary of an IntrovertWhere stories live. Discover now