35: Outsider

32 1 0
                                        

Kasalukuyang nasa operating room si Doc Kevin nang may dumating na isang babaeng nakapormada. Parang big boss ng isang malaking kompanya.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ah...pasyente po ako dati ni Doc. Nandoon ako sa lugar kung saan siya naaksidente." sagot ko naman.

"Ano bang nangyari?"

I heard the cause of the accident from the medic while going here. "Lasing po kasi si Doc habang nagdadrive kaya hindi niya nakita ang sasakyan sa unahan niya."

She sarcastically laughed. Yung tipong pinagsisisihan niyang nag-alala pa siya kay Doc.

"Tignan mo nga naman. Hindi na talaga siya nagbago. Tss... nagsayang lang ako ng oras  sa kanya."

Ay grabe naman siya! Masama bang tao si Doc? Parang hindi naman....

"Ah...mawalang galang na po. Kaano-ano niyo po ba si Doc?"

She raised an eyebrow to me. "Asawa niya ako, bakit?"

"Ah, eh...napatanong lang po. Yung mga gamit nga po pala ni Doc nasa office niya po."

She continued on giving me an intimidating look. "Ah...bakit po?"  taong ko. May nagawa ba akong masama para tignan niya ako ng ganito?

"Tell me. Isa ka ba sa mga babae ni Kevin?"

"Po? Ah...sorry po pero hindi ko alam kung bakit mo sinasabi sakin yan."

"Hah! Oh, don't pretend that you don't know what I'm talking about. Haha! C'mon! Huwag ka ng mahiya dahil alam na alam ko naman ang mga gaya niyo. Kunwari walang alam at inosente pero inaakit pala ng palihim ang asawa ng iba!"

"Teka lang po---"

She pushed me on the wall. What the heck is wrong with her?!

I was prepared for her slap when someone stopped her from behind.

It's Calvin.

Inilayo ako ni Calvin mula sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" he asked.

I wanted to confidently say that I am fine pero hindi. Hindi ko napigilan ang mga luha ko sa paglabas.

He faced the woman who's currently fixing her clothes na parang siya pa ang napuruhan sa aming dalawa.

"Oh at nandito rin ang anak sa labas!" she said, referring to Calvin. "Ba't di mo sinama ang malandi mong ina?"

"Tsk. Pwede ba? Nandito tayo sa hallway ng ospital. Nag-aagaw buhay ang asawa mo sa loob ng operating room pero heto ka't pinagbibintangan ng masama ang taong tumulong sa kanya. Sinisiraan mo pa ang taong wala namang pakialam sayo. Hindi ba kayo nahihiya?" sabi ni Calvin sa kanya. "Excuse po ah. Mauuna na kami."

He held my hand and we went out the hospital.

"Cee, are you okay? Ano pa ang ginawa ng babaeng yun sayo?" he asked again.

"Wala. Buti nalang dumating ka kundi hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Ba't ba siya ganun?!"

"Tsk. Kalimutan mo na siya. Baliw na talaga ang babaeng yun." sabi niya at binigyan niya ako ng masamang tingin. "At ikaw naman--- why did you stay there? Sana umuwi ka na lang agad."

"Nag-alala kasi ako kay Doc tapos hindi mo naman sinasagot ang tawag ko kaya hindi na muna ako umais."

"I'm sorry. Nasa meeting kasi kami at iniwan ko sa bag ang phone. Hay...anyways, ihahatid na kita sa inyo."

"Sandali lang, Cal. Paano naman si Doc Kevin? Hindi ka ba nag-aalala sa kanya?"

"Why would I, Cee? It's his fault. Dapat lang siguro na mangyari sa kanya yun para matuto na siya sa mga kagaguhan niya."

"Calvin. I don't think it's good to say that."

"Cee, please! Stop defending him okay?! He's not worthy of our attention especially your sympathy. Hindi siya isang mabuting tao gaya ng iniisip mo. So please. Please lang. Tama na. Ayoko siyang pag-usapan. Ayoko siyang makita and you know what? I don't give a damn if he'll die!"

"Cal!" I shouted. "Alam kong galit ka. Alam kong hindi  madaling magpatawad, Cal. Pero sumusobra ka na. Tatay mo pa rin siya kahit gaano man kalalim ang galit mo sa kanya."

He painfully smiled. "Cee, alam mo naman pala ang nararamdaman ko pero sinasabi mo pa rin yan sakin. Yes! Tatay ko siya. Pamilya namin ang pinag-uusapan natin dito at labas ka na dun!"

Nagulat at nasaktan ako sa sinabi niya.

Akala ko makakatulong sa kanya ang ginagawa ko. Mali ba ako?

"Ah. Tama ka. Sino ba naman ako? Tama. Wala nga pala akong karapatang makisali sa gulo ng pamilya niyo. Hah. Sorry ah. Hindi ko lang talaga maiwasan eh. Importante ka kasi sakin."

I'm holding back my tears. I don't want to cry. I don't want look weak.

"Cee, sorry---"

"No, Cal. Huwag kang magsorry. Tama ka naman eh. Tama ka." I said and started to walk away from him.

"Cee! Sandali---"

"Magpalamig na muna tayo ng ulo, Calvin. I don't want us to talk like this. Don't worry, this is not a cool off nor a sign of break up." I waited for his reply but he didn't say any words. "Uuwi na ako."


Just that...








I went home, crying.







Kasasabi ko lang ba na okay kaming dalawa? Hay.

*** to be continued ***

Diary of an IntrovertWhere stories live. Discover now