It took me 30 minutes of travel time dahil na rin sa traffic.
Haaa! Naririnig ko na ang reklamo ng tiyan ko!!! Nalie! Humanda ka talaga sakin!
"Cee! Dito!" tawag niya at nagmadali akong pumunta sa mesa malapit sa counter. Kinuha ko ang throw pillow sa upuan at isinandal dito ang ulo ko. "Ayos ka lang?"
Tinignan ko siya masama. "Tingin mo? Hay. Nasaan na ba ang pagkain? Gutom na ako, Lee!"
"Ano bang problema? Ba't gutom na gutom ka?"
"Ah? Ah... nag-fasting kasi ako para sa laboratory test kanina. 12 hours na ang nakalipas at hanggang ngayon tubig lang ang laman ng tiyan ko."
"Ganun ba? Kawawa ka naman. Hehe don't worry nandito na ang pagkain natin in a while."
Sa ngiti ng babaeng to hindi ko alam kung nag-aalala ba talaga siya sakin.
"Kinausap mo na yung crush mo?" tanong ko sa kanya. She blushed and started to stutter...
Ay... obvious na hindi niya pa rin kinausap. Mula noong college.... aminado siyang hanggang tingin lang siya sa taong gusto niya pero ang hindi alam ng iba, mas malala pa siyang stalker kesa sakin. Yung tipong naisip ko palang gawin ang strategy para mapalapit sa crush niya ay nagawa niya na. Maliban na lang sa kausapin niya ito...
Maya-maya, may isang seryosong lalaking may dalang dalawang order ng ramen ang pumunta sa table namin. He got the number at inilagay ang orders sa mesa namin. Tinignan ko si Nalie at heto siya't hindi makagalaw ng maayos. Sa sobrang nerbiyos ay natamaan niya ang isang baso ng tubig at natapon ito sa sahig.
Ang babaeng to---?! Nagkalat pa talaga.
"Naku! Sorry! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya!" sabi niya sa lalaki.
Oh, nawala yata ang pagkamahiyain niya at nakausap bigla ang lalaking to?
"Okay lang po, ma'am. Lilinisin ko na lang." he's still calm and serious at this state.
"Ah... okay." At ang kaibigan kong to natulala na naman.
"Uy friend. Umalis na yung crush mo." Sabi ko sa kanya habang hinahalo ang ingredients ng ramen ko.

YOU ARE READING
Diary of an Introvert
RandomStay tuned to her boring adventures if you're free. arigato! Please read the WARNING before going through the chapters. I don't want to disappoint you. (Highest Rank #3 in Introvert, #3 in Prose, #41 poetry as of November 2018 😊)