👄 Six 👄

8.1K 95 1
                                    


KASAMA ngayon ni Ariel ang kaniyang kaibigan na NBI Agent sa isang coffee shop. Matagal na kasing hindi sila nagkita kaya eto, kwentuhan ng konti. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pag uusap ay may biglang tumawag sa telepono ng kaibigan at mukhang tawag ito ng tungkulin dahil nagmamadali itong sagutin ang tawag.

" Yes, Sir. I will inform my troops. I'm on my way. Thank you. " Anito sa kabilang linya saka ibinaba ang telepono.

" Looks important, " aniya while sipping his chocolatte.

" Yeah... May raid kami mamayang gabi. "

" Drugs? "

" Nope. May raid kami doon sa Isang Bar House. May nag tip kasi sa amin na mayroong mga Menor de edad na nagsasayaw doon para sa mga parokyano, mahigit limang kadalagitahan.  Ahmmm, May I excuse myself, Mr. Chairman? "

He slightly smiled.

" Yes, sure.. Aalis na din ako mayamaya. "

At tuluyan na nga itong nagpaalam sakanya.
Hindi siya mapakali sa kaniyang kinauupuan, naalala niya si Maureen. Baka madamay ito sa Raid pag hindi niya ito mapagsabihan. Oo, maraming bar house dito sa lungsod, pero posibleng sa Bar House na pinagtatrabahuan ng dalaga magaganap ang Raid na sinasabi kanina ni Lino. 

Tatayo na sana siya ng biglang nag ring ang kaniyang telepono na kanya namang sinagot kaagad.

" Hello? "

" Mr. Chairman, nasaan na po kayo? May meeting pa po kayo ni Vice sa mga Clients from Abroad at----- "

" Madam Secretary, I have some important matters to do right now. Kaya naman ng Vice Chairman na humarap sa mga Kliyente without me, diba? Sige na, I have to go, and don't call me without my consent. Bye. "


--------------------------

" Mr. Chairman? Hello?? Hello? "
Napa buntong hininga na lamang ang Sekretarya na humarap kay Billy, ang Vice Chairman ng Kompanya. Binabaan na kasi sila ng telepono ni Ariel. And they can't contact him anymore.

" Ano na? Nasaan na siya? The meeting whereabouts to start. "

" Vice, I'm sorry po. Hindi makakarating si Mr. Chairman, may important matters daw po siyang kailangang gawin. Kayo nalang daw po ang bahala humarap sa mga Clients. "

" What?! No! He needs to be here, is he joking?! "

" Vice, basta tawagin na po ako ni Mr. Chairman na, Madam Secretary, seryoso na po talaga siya nyan. Kaya hindi po siya nagbibiro. "

" Ugghh!! Ano na naman ang pinagkaka abalahan ng lalaking yun! Okay fine! "

*****************


BANDANG  alas sais palang ay nasa harapan na ng Bar House si Ariel. Nagsipasukan na ang mga parokyano, dahil nag sisimula na ang live show. Nagtanong siya sa kasamahan ni Maureen kung nandoon na nga ito sa loob, at tama nga ang hinala niyang nasa loob na ito. Mas lalo siyang kinakabahan. Kung kailangan niyang mag bantay dito ng buong magdamag ay gagawin niya, upang hindi lang ito madamay sa pag salakay ng mga awtoridad.

---------------

" REEN, may isang lalaki sa labas, nagtanong sa akin kung nandito kana ba daw sa loob. "

" Huh? Sino? "

" Ewan ko, naka shades eh. Tapos nasa loob ng itim na pick up truck. Customer mo yata, baka gusto kang ilabas mamaya. "

Bigla niyang naalala si Ariel. Baka ito ang naghahanap sa kanya. She Missed him so much, dalawang araw na niya itong hindi nakikita. Sana nga ay tama ang kutob niya. 

Lumabas siya ng bar suot ang jacket habang naka shorts ng maikli with a pair of Boots. Natatanaw niya ang isang itim na pick up truck sa kabilang kalsada, napangiti ang kaniyang puso ng ma familiar ang sasakyan.
She's right, He is the one who wants to see her. Pero bakit hindi ito nag abalang pumasok sa loob?

Tatawid na sana siya ng kalsada ngunit nakita niya ang paparating na mga Patrol Car ng NBI. Gumapang sakanyang buong katawan ang kaba kaya napaatras siya at akmang papasok na sa loob para ipaalam sa ibang kasamahan na papasukin sila ng mga awtoridad nang bigla siyang hilahin ng kung sino para itago sa isang eskinita. Naka shades ang isang lalaki at naka hood. Mahigpit ang hawak nito sakanya kaya nagpupumiglas siya.

" Bitiwan mo ako! "

" Sssshh!!! It's me, si Ariel. "

Natigilan siya at napatitig na lamang sa mga mata ng binata ng tanggalin nito ang suot na shades.

" A-ariel.... "

" Let's go, baka makita kapa ng mga NBI. "

" P-pero yung mga kasama ko----- "

" Maureen, saved yourself first! Let's go! "

Wala na siyang nagawa kundi mag patangay nalang sa lalaki. Tulala siya at nakatanaw lang sa labas ng sasakyan habang bumabyahe. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa isang Condominium building sa Ortigas.

Pumasok sila sa loob at dumiretso na sa isang unit. Napamaang siya sa sobrang laki ng lugar, napaka mamahalin pa ng mga gamit at appliances. Pinaupo muna siya ni Ariel sa couch at binigyan ng isang basong tubig.

" Are you okay? "

" Nalulungkot lang ako. I'm sure wala na akong trabaho simula bukas. "

Tumabi ito sakanya.

" Hmmm.. hindi naman yan problema. At dapat pa nga hindi kana papasok sa ganung uri ng trabaho. "

" Pero ano naman ang magiging trabaho ko kung hindi na ako sasayaw sa Club?! Paano ko bubuhayin ang mga kapatid ko?! "

" Hindi kana mag tatrabaho sa Club! If you want money for your family, then work for me and I Will pay you as much as I could. Tataasan ko pa ang kinikita mo sa Club sa isang linggo. I will assure you, hinding hindi magugutom ang pamilya mo. "

" Ano naman ang magiging trabaho ko sayo? "

They stare at each other. Walang may balak na kumurap.

" Just stay with me. And don't go too far away. Gawin mo lang lahat ng iniuutos ko.  Yun lang..  papayag kaba? "

Saglit siyang napaisip at tuluyan siya nitong napapayag.

" Cge.. "

" Simula sa araw na ito, ito na ang magiging tahanan mo. Dito ka lang mamalagi at wag na wag kang aalis kung hindi ako kasama, naiintindihan mo ba? "

"Pero paano ang pamilya ko? "

" You can visit them. "

" Salamat, Ariel. Utang na loob ko sayo ang lahat. "

" No worries, Sweetheart. Just don't leave me, I Will take care of you. "

******************


MASIGLANG bumangon si Ariel sa kama at mabilis na nagbihis. Sumilay sa mga labi ang isang pilyong ngiti nang maalalang naangkin na naman niya si Maureen kagabi. Dito siya nakatulog sa Condo kasama ito.

Pagkalabas niya ng silid ay nakita niya ang dalaga sa kusina, nag hahanda nang kanilang makakain ngayong agahan. Nang mapansin siya ay ngumiti ito saka niya ito nilapitan at dinampian ng halik sa noo. Hindi niya mapigilan, he used to it.

" Good morning, Ariel. "

" Good morning, beautiful. Ang sarap naman nitong niluto mo ah, mapaparami ang kain ko ngayon. " aniya sabay upo.

" specialty ko yan, Tinulang manok. Hehe. "

He smiled at sandaling napatitig kay Maureen. Ngayon niya lang kasi ito nakitang walang make up. Natural lang ang ganda nito. And he likes it very much.

" Hey, tulala ka? Hehe. May dumi ba sa mukha ko? "

" Ahh heheh.. wala naman. I just love to stare at your beautiful face. "

" Hmmmmp. Kumain na nga lang tayo. "


{ Background music: Sa Kanya by: MYMP } 🎶🎶🎶🎶🎶 CHAIRMAN's MAgDaLene Official Soundtrack.

Chairman's Magdalene 👄   ∆ R+18 ∆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon