👄 Chapter 18 👄

4.8K 59 11
                                    

SHE parked her car at the Garage of the Mansion and then bumaba na siya ng sasakyan. Masaya siyang sinalubong ni Gavin habang karga karga si Kellah na naka bungisngis na sa kanya.

" Mommy Maureen! " masayang wika ni Kellah at sa kanya naman nagpa karga.

" Baby. . Muaah :-* Happy Birthday!  " aniya at dinampian ito ng kiss sa pisngi.

" thank u mommy, "

" Ehem, si Daddy wala bang kiss galing kay Mommy? " nakangising tanong ni Gavin.

Mahina niya itong hinampas. " Sira! "

" Mommy, hindi pa po ako naliligo, hehe. Would you take me a bath? "

" Oh sure, baby. Let's go? "

" yehey! "  napayakap ito sa kanya.

Kahit di pa ito naliligo ay ang bango parin nito.

" oh cge bilisan niyo ah, pupunta muna ako sa bangko pagkatapos aalis tayo at mag go-grocery para sa gagamitin sa magiging handa mamaya. "

Tumango lang silang dalawa ng bata at pumasok na sa loob ng bahay.

•••••

THEY go at the grocery store at bumili ng mga kakasangkapanin sa pagluluto. Pagkatapos ay palihim na binilhan nila ng regalo ang bata bago sila bumalik sa Mansion.

Si Maureen na mismo ang nag luto ng mga pagkain pero tumutulong din naman ang ibang maids sa kanya. Habang si Gavin ay nakikipaglaro muna sa paslit sa may sala habang pasulyap sulyap sa kanya.

" Baby, come here, tikman mo muna ang spaghetti ni Mommy, hehe. " aniya nang maluto na ang spag.

Mabilis namang tumakbo ang bata palapit sa kanya at Malambing niya itong sinubuan.

"  Mommy ang sarap po! You know what mommy, ngayon lang po ako nakakain ng spaghetti na ganito ka sarap! Hehe. "

" talaga?? Hehe. . Thank u baby, don't worry if gusto mo kumain ng spaghetti, just tell mommy ha at paglulutuan kita kaagad, ok? "

" Okay, po, mommy! Muah ! " she kissed her cheeks.

>>

Di maiwasang mapangiti ni Gavin habang pinagmamasdan ang kulitan ng kanyang Mag ina Kuno! 

Masaya siyang makita si Maureen na nakaka bonding nito si Kellah. Bakas sa mukha ng bata ang sayang nararamdaman sa tuwing kasama nila ang dalaga. Mommy material din naman kasi itong si Maureen, napaka maalaga at malambing. Seeing Maureen at Kellah na nagkakasundo, it was a relieve in his heart.

Dalangin niya'y sana hindi nalang matapos ang pagiging nanay nanayan nito sa bata.

>>

At nang ready na ang lahat mula sa mga handa at disensyo ng mini party ni Kellah ay binihisan na nila ito ng purple gown. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga bisita ng birthday celebrant, mula sa mga ka klase sa kinder garten at sa mga kalarong kapit bahay nila.

Sinimulan na nila ang party sa pamamagitan ng pagkanta ng Happy birthday. Matapos ang kanta ay nag blow na ng candle si Kellah sa Malaking Purple Cake nito na may disenyong Sofia the first.

" Salamat po sa lahat ng dumalo sa birthday ko.  EspeciallY I want to thank my Daddy Gavin and Mommy Maureen for making this party happen! I love you both. " anito gamit ang microphone.

Napangiti si Gavin at Maureen sa isa't isa at sabay nilang hinagkan ang magkabilang pisngi ng bata.

" we love you too baby, and happy birthday again! " masayang wika ni Gavin.

Puno ng saya at successful ang pagdaraos sa birthday party ni Kellah.

" Mau, salamat ah, dahil nandito ka para tulungan akong maging successful yung celebration. You know it's my first time to organize a birthday party of a kiddo. Si mama kasi noon ang laging naghahanda kada birthday nitong bata. "

" hmmm, hehe ano kaba, okay lang yun. Maliit na bagay. Hehe, ang importante diba, masayang masaya si  Kellah. "  aniya.

Inihatid na siya nito sa may garage kung saan naka park ang sasakyan niya.

" Mommy, Can you please stay tonight? Dito ka nalang matulog please? " wika ni Kellah nang bigla itong sumulpot sa likuran nila habang kinusot kusot ang mata.

Napalingon sila dito. Naaawa naman siya sa bata kaya lubos lubosin nalang niya yata ang pagpunta niya dito. In the end, she made her decision.

" alright, I'll stay. " she smiled.

" ohh, mommy, thank you, your the best! " anito at nagpa karga sa kanya.

••••

Magkatabi sa pagtulog sa masters bed room si Maureen, at Gavin pero nasa gitna nila si Kellah na mahimbing nang natutulog. Kapwa silang nakayakap sa bata kaya di maiwasang magkadikit ang kanilang mga kamay.

Hindi sila nakadama nang pagkailang, sa halip ay masaya sila ngayon. Magaan sa pakiramdam niya na kasama si Gavin at ang bata.

Ganito pala ang pakiramdam, ano? Yung may sarili kanang pamilya.

At sa kanyang pagsulyap sa binata ay mahimbing na itong natutulog. Kaya siya ay napa idlip na rin at di na alam ang kasunod na nangyari.

>>> 5am nagising si Kellah. Maingat siyang bumangon at sinadya niyang ilagay ang kamay ni Gavin sa beywang ni Maureen at ganun din ang kamay ni Maureen na nakalagay sa beywang ni Gavin. Ngayon magkayakap na ang dalawa. Pasimpleng napatawa ang bata at umalis na ito ng silid saka dumiretso sa sarili nitong kwarto at doon nagpatuloy sa pagtulog.

>>  Mahigpit na magkayakap si Gavin at Maureen. Nakasubsob siya sa dibdib ng binata habang ang nguso ni Gavin ay naka dampi sa noo ng dalaga.  So sweet! 😍😊

{ P.S alam niyo kinikilig din ako kina Gavin at Maureen eh! Hahah! Bias ako! }

[ Background Music: Umiiyak ang Puso by Angeline Quinto ] 💕💕🎶🎶

Sabay silang nagdilat ng mga mata. Kapwa sila napatitig sa isa't isa at sumungaw sa kanilang mga labi ang ngiting hindi maipaliwanag ng damdamin ng bawat isa.

Bumangon na silang dalawa at sabay na nagtungo sa kusina kung saan naka prepare na ang kanilang breakfast. Naka upo na si Kellah sa pwesto nito at kumakain.

" Good morning Mommy and Daddy, how was your sleep po? Hehehe. "

Napatingin sila sa isa't isa at napangiti saka bumaling sa bata. " It's so good to sleep while your Mommy Maureen Sleeping beside me. "

Napangiti siya sa sinabi ng binata. Hindi niya maintindahan pero parang kinikilig siya.

Gavin. . . Bakit naaapektuhan na ako sa yo? Anong nangyayari sakin?!

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na siya sa mga ito at umuwi na nang bahay. Kaagad siyang tumungo sa banyo para mag shower. Nagbabakasakali siyang kasabay ng paglagaslas ng tubig sa kanyang katawan ay maaanod din ang weird na nararamdaman niya para kay Gavin.

Chairman's Magdalene 👄   ∆ R+18 ∆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon