" WHAT?!! ibibigay mo kay Maureen ang kalahati ng ipinamana ninyo sa akin papa?! " inis na wika ni Madeline.
Nandirito sila ngayong tatlo sa verandah.
" Ngayong nagbalik na ang kakambal mo, nararapat lang na ibigay sa kanya ang dapat na sa kanya. Nakakalimutan mo ba? Isa rin siyang Delgado, pareho lang kayong may karapatan sa yaman natin.... Ang shares natin sa kompanya ng mga Akihiro ay ibibigay ko kay Maureen. "
" What?!! Pa, hindi pwede!!! Anong gusto mong mangyari?! Mag trabaho si Maureen bilang Major stockholder ng kompanya?! No way! "
" shut up, Madeline! Nakapag disisyon na ako at wala ka nang magagawa pa. At baka nakakalimutan mo, malaking kasalan ang nagawa mo sa pamilya natin! " wika ng kanilang ama saka umalis.
Napa angat ng tingin si Madeline sakanya.
" oh ano?! Masaya ka na??!! "
" Partial pa lang to, tandaan mo Madeline, hindi ko parin makakalimutan ang ginawa mo sa akin.."
" hmmm, sana namatay ka nalang talaga! Bwiset ka sa buhay ko!! "
" Well, pasensya ka nalang, dahil itong bwiset sa buhay mo ay hindi mamatay matay! " aniya saka inilapit ang mukha dito.
" I'll get rid of you!!! Aughh!!! " anito sabay sampal sa kanya.
Agad rin naman niyang ginantihan ito ng malakas na sampal at inihulog sa wheel chair sabay napatawa siya ng malakas.
" buti nga sa iyo-------- "
" Maureen!!!! "
Sabay silang napalingon sa pinangalingan ng boses. It was Ariel. Masama ang tingin nito sa kanya sabay na napasugod at kaagad na dinaluhan ang asawa at pinaupo ulit sa wheel chair saka maasik na tumingin sa kanya.
" bakit mo yun ginawa sa asawa ko?! "
" w-wala! Wala akong ginawa, She just fell off the ground and -_--------"
" Liar!! I saw you! "
" Ariel... "
" Don't you dare to hurt my wife again dahil kung hindi ako ang makakalaban mo! Naiintindihan mo ba ako , Maureen Delgado?! "
Di siya makapag salita, hindi niya maintindihan ang ikinikilos ni Ariel samantalang galit naman ito kay Madeline dahil sa panloloko nito. Bakit ngayon ay bigla nalang nitong kinakampihan ang kanyang kakambal?
Nanibago din si Maureen dito dahil kung makatingin ito sakanya ay parang wala silang pinagsamahan dati. Parang ngayon lamang sila nagkakilala.
" tara na Hon, let me take you to our room. "
Narinig niyang wika ni Ariel sa asawa nito at tuluyan na ngang lumisan at hindi na siya nilingon pa.
********
TAHIMIK na umiinom ng vodka itong si Maureen dito sa isang exclusive bar. Suot suot niya parin ang kanyang red backless gown. Hindi niya alam kung bakit pumapatak ang kaniyang mga luha. Ano nga ba ang iniiyakan niya? Si Ariel ba na ngayoy bigla nalang umiba ang trato sa kanya?
" Miss, your too beautiful to be wasted. " rinig niyang wika ng isang lalaki na kakatabi lang sa kanya.
Dahan dahan siyang napalingon rito. Napakunot noo siya ng makilala ito.
" G-Gavin??? "
" soo, you still recognize me. "
" hmmm... "
" kumusta kana? Ang balita ko kasi matagal kanang umalis sa bar na pinagtatrabahuan mo. So saan kana ngayon nag tatrabaho? Saang club na para madalaw naman kita. You know, I've missed you. "
" Gavin, tumigil na ako trabaho ko noon. Nag bagong buhay na ako. "
" ohh really? Pero ano nang trabaho mo ngayon? You look rich and elegant kasi. Naka jackpot ka ba ng mayamang sugar daddy? "
" shut up!! I've been back to my long lost family, may kaya ang pamilya namin. Kahit ikaw, kaya kong bilhin! " aniya sabay tayo at tinalikuran ito. Mabilis naman itong sumunod sakanya.
" Hey, Look, I'm sorry, Maureen.. I thought you were just----- "
" It's a long story, Gavin at wala ako sa mood na mag story telling sayo! "
Tuluyan na nga silang lumabas ng bar at naglakad sila papunta ng parking lot.
" Hey, are you mad? I'm sorry na nga diba? Sorry na, "
" Apology accepted. So now can you please leave? "
" Ang sungit mo naman, ngayon nga lang tayo nagkita ulit, iiwasan mo na ako? " anito na may pagtatampo ang tinig .
" Ano bang gusto mo? Makipag sex na naman sayo?! Gavin I am not a fucking whore anymore, hindi na ako GRO kaya pwede----- "
" Hindi ko sinabi yun, I just wanted a chitchat with you. Matagal din tayong hindi nagkita at nagka usap. So, pwede mo ba ako samahan? "
Saglit siyang napaisip.
" saan? "
*********
Hindi sumagi sa isipan ni Maureen na sa Sementeryo pala siya dadalhin ni Gavin. Malalim na ang gabi, Malamig ang simoy ng hangin at sobrang tahimik na ng buong paligid. May mga ilaw naman dito sa memorial garden kaya hindi masyadong madilim.
" so here we are... "
huminto sila sa tapat ng isang puntod na nag ngangalang Elena Reyes .
" sino siya? "
" Mama ko... She was died last month dahil sa kanyang leukemia. "
" hmmm, I'm sorry to hear that, Gavin... "
Inilatag ng binata ang dala nitong makapal na tela saka sila umupo.
" It's okay... Ganun talaga ang buhay.. May mawawala, may darating. " he took up his phone from his pocket at ini.open ito.
Isang batang babae ang nasa wallpaper ng cellphone ni Gavin. Nasa mga 5 years old yata ang edad nito.
" she's so cute, right? "
" a-anak mo? "
" Nope. She is my niece. Anak siya ng namayapa kong ate. "
" wala ka naring kapatid? "
" Oo.. Namatay siya sa panganganak kay Kellah. Since then si mama na ang nag alaga sa kanya.... Pero ngayong pati si mama ay wala na, ako na naiwang mag alaga sa bata. Imbes na tito ay daddy ang itinatawag niya sa akin. Hehe.. Ang kulit ng batang yun, bibo, matalino at mabait saka malambing.... Kaya lang minsan di talaga maiwasang ma busy sa trabaho ay iniiwan ko nalang siya sa yaya niya... Mahirap pero kinakaya ko parin. "
" hmmm, bakit kasi hindi ka nalang humanap ng mapapangasawa? Para may mag alaga na sa inyo ni Kellah, diba? "
He smiled. Hinubad nito ang coat na suot at ibinalot sa kanya.
" gusto mo bang ikaw nalang? " nakangiting tanong nito.
Gavin is so handsome, makakapal ang kilay nito.
Napatawa siya ng mahina.
" Gago! Kung pag aalaga lang kay Kellah, okay lang sa akin, pero mapapangasawa ka? No way! Haha. "
" haha, bakit hindi ba ako Husband material? "
" Gavin, tumigil ka nga! Hahaha.. Mahiya ka nga sa mama mo ohh. "
" hehe... hmmmm.. "
Magkalapit na ang kanilang mga mukha at di na napigilan ni Gavin ang udyok ng damdamin ang halikan ang dalagang palihim na hinahangaan.
--- Sino nga ba si Gavin Reyes? Ano kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Maureen? O isa nga ba siyang banta sa kompanya ng mga Akihiro?
BINABASA MO ANG
Chairman's Magdalene 👄 ∆ R+18 ∆
RomanceShe's Wild, Bold, Seductive, Innocence doesn't match her characteristic. A one night stand with the Chairman can change their lives forever. Isang nakaraan ang mahahalungkat ng dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.