👄 Chapter 29 👄

3.6K 46 1
                                    


" YAYA, ! "

Napatigil sa pagpupunas ng mga plato ang kasambahay ng bigla itong tinawag ni Gavin na kakarating lang sa bahay.

Napatingin si Maureen sa binata. Nahahalata niyang wala ito sa mood.

" S-sir, ano po iyon? "  wika ni Yaya.

" I.akyat mo na si Kellah sa taas, "

" S-sir - - - "

" ngayon na!! "  sigaw nito.

" O-opo Sir. "  kinuha nito si Kellah sa kanya. " Baby, tara na, akyat na tayo sa room mo. "

" pero yaya, naglalaro pa kami ni Mommy. "

" Baby, makinig kana lang please, baka mabato pa ako ng Daddy mo. Nakakatakot yan magalit. "  anito at kinarga na ang bata saka umakyat na sa taas.

At nang tuluyan nang nakapasok ang mga ito sa silid ay siya naman ang pinambalingan ng lalaki. Lumapit siya dito at hahawakan na sana, ngunit umiwas ito sa kanya. 

He stare at her necklace. Bigla nalang nitong hinablot ang kwentas mula sa kanyang leeg kaya naman naputol ito at walang habas na inihagis sa labas ng bahay. Napalaki ang kanyang mata sa ginawa ng binata. Hindi niya alam kung anong gagawin.

Nag aapoy sa galit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya ngayon.

" D-Dee anong p-problema? Bakit bigla ka nalang nagkaka ganito? " utal utal niyang sabi.

He smirk. " Tssk! . . Tinatanong mo kung anong problema ko?! . . Bullshit! . . Ikaw ang problema ko, Maureen Delgado! " galit na galit na sigaw nito.

Nalilito siya. Bakit bigla nalang nagalit ito sa kanya? Ano ba ginawa niya at parang ang laki2* naman yata ng kasalanan niya.

" G-Gavin, bakit? . .just tell me, anong problema mo sa akin! "

" Nagmamaang maangan kapa?! " he laughs sarcastically. " Sana in the first place, i never not trust you! . . You deceive me, your a liar! . . Kaya pala nakikipaglapit ka sakin, dahil may binabalak ka! . . Heto naman ako, nagtatanga tangahan, naniwalang minahal mo ako, pero ang totoo ginamit mo lang ako! ! ! "

" Gavin, hindi totoo yan. . Totoong mahal kita, and I deserve your trust! "

" Noo! You don't deserve my trust! ! "

" Gavin, hindi kita ginamit!  . . Bakit ba galit na galit ka sa akin?! Ano bang ginawa ko sayo?! "

He took up his cellphone from his pocket and he play the video. A copy from the CCTV footage saka Ipinakita nito sakanya.

" Oh, ayan, tingnan mo, . .Tingnan mo ang sarili mo kung paano mo ninakaw ang flash drive. . Alam mo ba kung gaano ka importante sa akin yun? Sa kompanya ko?! . . It's my proposal presentation for Mr. Lee, but unfortunately, you stole it para hindi ako makapag present at para makasiguro kayo na sa UNIFOODS Corpo mapupunta si Mr. Lee! ! . . .alam mo ba kung anong nangyari kanina?! Hindi ako nakapag present and that bullshit client hindi man lang ako pinagbigyan, he decline to hear my side. . Nag mukha akong tanga,careless,at irresponsable  sa harap ng mga empleyado ko! . . So, ano masaya kana ba?! Masaya kana ba sa ginawa mo?! " wika nito na halos sasabog na sa sobrang galit.

Napamaang si Maureen nang makita ang sariling repleksyon sa video na iyon. At hindi niya inakalang ganun pala ang na cause nitong damage sa kompanya ng binata. Paano niya ba aayusin ang problemang hindi niya naman ginawa?

Nagsimula nang pumatak ang kaniyang mga luha.  " Gavin, hindi ako yan. . . Hindi ako ang nasa video na yan. . At lalong hindi ko gagawin yan. "

" huh! So sino yan? Si Madeline?! How can she walk if she's a cripple person, sitting in a wheel chair?! . . Walang ibang nakakalad ng maayos, kundi ikaw lang! . Tama na ang pagsisinungaling mo, Maureen. . "

" Gavin. . . " she cry so hard, so painful in her heart. " I'm not lying to you. . Sana maniwala ka na man sa akin. . Kilala mo ako. . "  pagsusumamo niya.

" Tapos na akong maniwala sayo, Maureen. Tama na. . "

" Please, Gavin. . "

" I'm so disappointed in you ! . . " napatulo ang luha nito at nag iwas ng tingin.  " Let's break up, Maureen. . "  anito sabay buntong hininga.

Nabigla siya sa sinabi nito. Bakit kailangan pa silang humantong sa hiwalayan?

" Gavin, No. . Ayoko, hindi ko kaya. . Mahal kita Gavin. . Mahal kita. . " 

" Ayoko na mag alaga ng ahas sa pamamahay ko. . Makaka alis kana, Maureen. Pack all your things now at lumayas ka na. "  tinalikuran na siya nito.

Bigla siyang napaluhod at hinawakan ang kamay nito habang hindi parin magkamayaw sa pagtulo ang kaniyang mga luha.

" Don't do this to me please, I didn't do anything, please believe me. . "

Ngunit parang wala itong narinig sa kanyang pagsusumamo. Umakyat na ito sa taas. Napahagulgol sa pag iyak si Maureen. Maga na ang kanyang mga mata nang bumangon siya at sinundan niya sa taas ang binata.

Nadatnan niyang inilalagay nito ang mga gamit niya sa kaniyang maleta. Pinahid niya ang kanyang mga luha at lumapit dito.

" Ayan, nandyan na lahat ng gamit mo. Get out of my house, now! "

Kinuha niya na ang mga maleta. " Gavin, gusto ko lang malaman mo, na sa pag alis ko dito, malinis ang konsensya ko. .  " hindi niya na naman mapigilan ang mga luhang gustong kumawala. " at mahal na mahal kita . . Mahal na mahal ko kayo ni Kellah. "  at sa huling pagkakataon, hinalikan niya ito sa labi.

And when their lips finally apart, umalis na siya, bumaba na siya ng hagdan dala ang mga maleta. At sa kanyang paglabas ng bahay, umiiyak naman si Kellah na hinabol siya ngunit kaagad itong napigilan ni Gavin sa may main door. 

Naiiyak siya habang nasa loob na siya ng kanyang sasakyan, nakatanaw sa dalawang taong mahal niya.

" Mommy! . . Mommy Maureen, don't leave me. . . Mommy. .  "  sigaw ng bata habang umiiyak. Pilit na nagpupumiglas sa mga braso ng ama.

Wala na siyang magagawa pa, nag disesyon na si Gavin. She start the car at mabigat sa loob na nilisan ang tahanan na yun.  Walang siyang humpay sa pag iiyak habang nagmamaneho.

[ Background music : Umiiyak ang puso by Angeline Quinto ] 💔🎶🎶


>>

Napapahid na ng luha si Gavin nang maka alis na ang dalaga. Tama nga ba ang ginawa niya? He let her go. Is it the end of their story?

" I hate you, Daddy, I hate you! . . Inaway mo si Mommy , . . You chase her away, I hate you! "  wika ni Kellah habang umiiyak saka ito kumawala sa kanyang mga bisig at mabilis na umakyat ng hagdan at nag kulong sa kwarto.

Napasinghap na lamang siya. Alam niyang malaking epekto sa bata ang pag alis ni Maureen. Masakit din naman para sa kanya na malayo ito sa kanya, pero mas masakit isipin na niloko at ginamit lang siya. 

>>

Habang si Maureen ay nakarating sa Sanctuaryo ni Billy. Malakas ang ulan kaya halos basa na basa siya. At nang kumatok siya sa pinto, kaagad siyang pinagbuksan ng binata. Biglang nanlumo ang kaniyang mga tuhod at umiyak na naman siya. He quickly grab her at niyakap siya nito.

Buti nalang at nandito si Billy, dahil kung hindi, hindi niya na alam kung saan siya pupunta. Minsan na siyang napadad dito, upang dito mag ipon nang lakas ng loob para magsimula ulit at ngayon parang kakailanganin niya na naman ulit ang tulong nito.

Chairman's Magdalene 👄   ∆ R+18 ∆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon