UNANG araw ni Maureen sa trabaho ngayon bilang isa sa mga Major Stockholder ng kompanya ng mga Akihiro.
Nasa conference room sila ngayon nagsasagawa ng meeting na pinangunahan ni Mr. Chairman Ariel Akihiro. Seryoso ito sa pagsasalita sa harap at napaka authorative ng awra nito. Kanina pa siya nakatitig sa binata pero ito ni hindi man lang siya madapuan ng tingin. Habang si Billy naman ay kanina pa sulyap ng sulyap sa kanya. Katabi niya lamang ito.
" Ladies & gentlemen, This is the Man who owned the One biggest Food Corporation here in the Philippines, and currently, ang anak nito ang namamahala sa kanilang kompanya bilang CEO. Their company is the major threat of our business. Mas naaakit nila ang mga consumers at kliyente kaysa sa atin kaya bumababa na ngayon sales nang kompanya natin. " wika ni Ariel saka biglang nag flash sa projector ang Mukha ni Gavin Reyes.
Napalunok si Maureen nang makita niya ang pagmumukha ni Gavin. At hindi niya napigilang bangitin ng mahina ang pangalan nito ngunit hindi ito nakaligtas sa matalas na pandinig ni Billy.
" Do you know him? " anito nang mahina ang boses nang bumaling sakanya.
" Yeah. . . Actually, were good friends." aniya ngunit nanatili siyang nakatingin sa screen.
Ibinaling nalang rin nito ulit ang atensyon sa screen monitor. Hanggang sa matapos nga ang naturang meeting at nagsilabasan na sila. Sabay silang bumaba ni Billy sa Mess Hall.
" So, how long you've known Gavin Reyes? " biglang tanong nito sa kanya.
" matagal na. "
" paano kayo nagkakilala? "
" It's a long story, Billy. "
" alam niya ba na isa ka sa major stockholder ng kompanya namin? Ang kompanyang mahigpit niyang katungali? "
She shrugs. " Hindi niya alam. Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Magkaiba naman ang personal matters sa negosyo hindi ba? "
" I don't think so, Maureen. Mag ingat ka nalang sa Gavin na yan. "
" hmmmm, "
" sige mauna na ako sayo may aasikasuhin pa ako eh, Okay lang ba? "
" Yeah, sure.. "
" just call me if you need me, okay? One call away lang ako. "
" yeah, I know. Sige na go ahead. "
" Sige, ingat. "
" you too. "
Tuluyan na nga itong nawala sa paningin niya at sa di inaasahan si Ariel naman ang nakita niya. Nagtama ang kanilang mga paningin. Pero agad din ito nagbawi ng tingin at madaling tumungo sa may Elavator at pumasok.
" Ariel! " sigaw niya saka madaling tumakbo papasok sa elevator na muntikan pa siyang masarhan.
" Ariel. . . Can we talk? "
Imbes na sagutin siya nito ay pinindot nito ang button ng ground floor. Mabilis niya din namang pinindot ang button papuntang 5th floor.
Matalim itong tumingin sa kanya .
" ano bang problema mo?! "
" I said, mag usap tayo! "
" eh bakit ka sumisigaw?! "
" ey sumisigaw ka rin! Ariel, mag usap tayo, please. "
" I don't want to! "
" Ariel, bakit ka biglang nagkaka ganyan ah?! Anong pinakain sayo ni madeline?! Akala ko ba galit ka sakanya dahil niloko ka niya, niloko niya tayo?! You said you loved me, ako ang totoong mahal mo, bakit ngayon sakanya kana kumakampi??! What the hell happening to you huh?! Tell me! "
Matiim itong tumitig sa mga mata niya. " Makinig ka sa akin, lahat ng sinabi ko sayo noon ay hindi totoo. Oo, niloko nga ako ni Madeline, but still she is my wife, sa mata ng batas at sa matas ng Diyos. Kasal parin ako sa kanya at pinapatawad ko na siya sa lahat ng nagawa niya, alam mo kung bakit? . . . Dahil na realize ko, na kahit si Madeline siya, siya parin ang minahal ng puso ko. Kaya I'm so sorry, Maureen kung pinaasa kita. Sorry kung ginamit lang kita nung mga panahong uhaw na uhaw ako sa presensya ng asawa ko. . . So please, set aside your personal matters at mag focus ka nalang sa trabahong ipinagkatiwala sayo ng papa mo. . . " anito saka bumukas ang elevator at lumabas na. .
Naiwan siyang nakatunganga. She was so speechless. Hindi niya matanggap ang mga sinabi kanina sa kanya ni Ariel. All this time kaya pala nakikipag sex ito sa kanya noon dahil sa nangungulila ito sa asawa, hindi dahil sa gusto siya nito.
•••••
PAGKATAPOS um-order ng espresso ay lumabas na si Maureen sa Shop. While she is walking in the street, may nakita siyang batang babae na papatawid ng kalsada. Sa kabilang direksyon ay paparating naman ang isang Van. Bago pa masalpok ng Van ang bata ay agad niya na itong tinakbo kahit pay nabitawan niya ang kapeng kabibili lang at hinatak palayo sa kalsada ang batang babae na ngayon ay umiiyak habang yakap yakap niya.
" hey, Ssshh, baby don't cry na. You are safe na. . . " aniya sabay hagod sa likod nito.
" I need to see my daddy, huhuhu.. " humihikbi parin ito.
" nasaan ba ang daddy mo at ihahatid na kita sa kanya, baka mapanu kana naman. "
" nasa restaurant siya, may kausap siya. . . " aniya sabay turo sa isang di kalayuang restaurant.
" Hmmm, alam niya bang nandito ka sa labas? Ano ba kasing ginagawa mo dito? "
" hindi. . . May nakita kasi akong Dog na super cute kaya sinundan ko. . Hindi alam ni daddy na lumabas ako, busy kasi siya sa ka meeting niya. . Hindi niya ako pinapansin.. "
Napabuntong hininga siya. Kanina niya pa tinititigan ang bata. Para kasing nakita niya na ito sa kung saan at hindi niya lang maalala.
" oh, sya puntahan na natin ang daddy mo baka nag aalala na yun sayo, baka hinahanap kana nun. Ok? "
" Ok, po. "
••
Pumasok sila sa Restaurant at hinila siya ng bata papunta sa ama nito na waring katatapos lang makipag usap sa kliyente dahil mag isa na lamang ito ngayon, nakatalikod ito sa direksyon niya kaya hindi niya makita ang mukha nito.
" daddy! " wika ng bata sabay yakap sa ama nito.
" saan ka ba nanggaling? Bigla ka nalang nawala sa tabi ko. I was about to find you. I'm so worried baby, " anito sabay haplos sa buhok ng bata.
Nanatili lamang siya sa kanyang kinatatayuan. Nasa likod siya ng lalaki. Nakatanaw lang siya sa mag ama.
" Daddy, don't be mad at me ha, kahit muntikan po akong ma hit and run- - "
" what?!! " biglang sigaw nito sa pagkabigla.
Napatingin naman ang ibang customer dito.
" ssshh, daddy. . Don't shout, they are looking at you. . "
" I'm sorry baby, nagulat lang ako sa sinabi mo. Nag aalala lang ako, ayokong may mangyaring masama sayo, ok? "
" daddy, Ok na po ako. . Buti nalang po, there's an angel who saved my life! 😊 . Hinatak niya po ako palayo sa kalsada. "
" Angel? "
" yes daddy, actually po kasama ko siya ngayon. "
" hmmmm??? "
" ayun oh, nasa likod niyo. "
At sa pagkasabi niyon ng bata ay mabilis na lumingon ang ama nito sa kanya. At nang magtama ang kanilang mga paningin ay hindi sila makapaniwalang magkikita silang muli.
BINABASA MO ANG
Chairman's Magdalene 👄 ∆ R+18 ∆
RomansShe's Wild, Bold, Seductive, Innocence doesn't match her characteristic. A one night stand with the Chairman can change their lives forever. Isang nakaraan ang mahahalungkat ng dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.