👄 Chapter 36 👄

3.6K 42 3
                                    


" OPPS! may inaagaw na naman ang beshy ko! Haha very bad! "  wika ni Chelsie matapos ma kuhanan ng picture si Gavin habang naka akbay kay Madeline at nanunuod ang mga ito ng fire dancing.  " hmm, ma send ko nga ito kay Maureen, I'm sure may magseselos na naman! Hahahha " at ini.send na nga nito ang litrato kay Maureen.

____

NAPATINGIN si Maureen sa cellphone niya ng may biglang mag pop up sa LINE messenger niya. Laking gulat nalang niya nang makita sa litrato si Gavin at Madeline.

Paano nangyari to??! Paanong magkasama sila sa iisang lugar? I thought nag out of town si Gavin para mapag isa muna, pero ano to? Bakit kasama nito si Madeline? Bakit parang magka ayos na sila?

Napasinghap na lamang siya at ini.off ang cellphone. Sakto namang dumating na si Billy, para sunduin siya. Pupuntahan kasi nila ngayon si Kellah para ipasyal ito sa park.

Napansin nito ang pag simangot niya. " Hey, are you in bad mood? "

" No, "

" No? Eh para ka ngang natalo sa pustahan. "

" just a matter of Madeline & Gavin. " nasabi niya rin.

" What? . . Why? What's going on between the two of them? " 

" may nag send sa akin ng picture na Magkasama sila sa isang resort and they look like in good terms. Nakakapagtaka nga eh, dapat pinakulong na ni Gavin si Madeline! "

Napatikhim ito. " yan ba talaga ang concern mo? Or baka nagseselos ka lang? "

" Hindi ako nag seselos! "

" mamatay man lahat ng gwapo sa mundo? "

" aughh!!! Billy, tara na nga. Kanina pa tayo hinihintay ng bata. "

" okayyyy, after you, My Lady! :) "

Tumayo na siya at mabilis na lumabas ng bahay habang nakasunod naman ang lalaki sa kanya.

__________

NAKAUWI nalang ng bahay si Maureen, si Gavin at Madeline parin ang nasa isip niya. Nagbukas siya ng wine at mag isa niya itong ininom dito sa may balkonahe.

Nilapitan siya ng papa niya umupo ito sa kanyang tabi.

" anak, ayos ka lang ba? " anito.

" Hindi, Pa. . . " hindi niya maiwasan ang mapaluha. " bakit ganoon si Madeline? Bakit lahat ng nalang mahal ko, gusto niyang agawin? " wika niya sa kanyang ama.

Napakibit-balikat ito at hinagod ang likod niya. " Hija, kasalanan namin to ng mama mo. . Kung naging pantay lang sana ang trato namin sa inyo ng kakambal mo, edi sana hindi lumaki ng ganito si Madeline na laging nakikipag agawan sa iyo. . "

" No, kasalanan niya to lahat! I hate her, Papa! I hate her! Inagaw niya sa akin si Ariel noon, tapos ngayon, si Gavin naman?! "

Gusto niyang kalbuhin si Madeline sa kanyang galit. Sana ay hindi nalang ito magpakita sa kanya baka kung ano pang magawa niya dito. At eto namang si Gavin, gusto niya itong komprontahin kung anong nangyayari dito at bakit hindi pa nito ipinapakulong ang kanyang kapatid.


____________

NAKAUPO si Madeline sa may giant glass window habang nakatanaw sa mapayapang karagatan nang may biglang magsalita.

" Hey, I have something for you. "

Napalingon siya sa kanyang tabi. Kakarating lang yata ng binata dahil hawak pa ng isang kamay nito ang car keys at sa isang kamay ay may hawak naman itong paper bag na ngayon ay iniabot sa kanya. Tinanggap niya naman ito kaagad.

" Open it. " utos nito.

Isang Bible ang nasa laman ng paper bag at nakangiting kinuha niya ito mula doon saka bumaling kay Gavin.

" Thank you for this, Gavin. This is my first time na may nag bigay sa akin ng ganito. "

He smiled. Teka totoo nga ba itong nakikita niya? Ngumingiti na si Gavin sa kanya? Is she dreaming? Or he is smiling for real?

" Ur welcome, Maddy. Ahm, nagustuhan mo ba? Sinadya ko pa yang ipa personalized para sayo. " nakangiting saad nito.

Totoo nga, dahil hanggang ngayon nakangiti parin ito sa kanya. Kung gayun, she had the reason to smile too, right?

" I like it very much. . Ahmm, demonyita na ba talaga ako para bigyan mo ng ganito? " pabiro niya.

Bigla namang kumunot ang noo nito.

" Maddy! "

" Hehe, sorry. . Joke lang, pero seryoso, babasahin ko ito araw araw. "

" hmm, Good. . Ahm, cge alis muna ako, may gagawin lang saglit. Wag kang tatakas ah. "

Napatawa siya. " promise, hinding hindi na ako tatakas. I'll be right here. Baka kasi ma praning kana naman sa kakahanap sa akin. Hehe. "

Tinaasan siya nito ng kilay.  " para sabihin ko sayo, hindi ako napa praning, okay? , sige na alis lang ako saglit. "

" Yes, Boss. " 

Saglit itong natigilan at sumingaw ang ngiti sa mga labi nito.

" that's what you called me, nung ako ang mahirang na Class President noon sa klase natin sa College. "

" buti naalala mo pa. "

" ofcourse, I never forget that, Madeline. Your the only one who called me that thing. . Oh sya cge alis na ako. See yah. "

" take care. "

______________

" MANONG , ayos na po ba ito? "  tanong ni Gavin sa gumagawa ng bracelet na gawa sa maliliit na sea shells.

Tinutukoy niya ang ginawa niyang bracelet na plano niyang ibigay kay Madeline.

" Ang ganda niyan, Pogi ah. Masyado mong ginandahan, teka, para ba yan sa girlprend mo? Nakita ko na ang girlprend mo, nung mapasyal kayo dito nung isang araw. Bagay na bagay kayo. Heheheeeee. "

Natigilan siya ngunit napangiti rin siya. " Yeah, it's for her. I hope she like it. "

" magugustuhan yan ng girlprend mo, Pogi!  Wampipti lang yan, hehe. "

Napatawa siya. " Kayo ho talaga. Oh eto 200, keep the change manong, aalis na ako at maibigay ko na ito sa kanya. " aniya at naglakad na palayo.

" Pakasalan mo na, Pogi! "  pahabol na sigaw nito sabay tawa.

Napa iling iling nalang siya at napangisi sa sinabi ng matanda.

________________


HE invited her for a dinner doon sa isang yate. She was wearing a lovely black dress while he's also wear a plane polo shirt and a pair of jeans.

It was a simple dinner but worth to remember. Pagkatapos nilang kumain ay niyaya ito sa luxury deck ng yate.

" Gavin, thank you for this dinner. . Nabusog mo ako. " she smiled widely.

" Thank you too, for coming. . " he smiled at her too.  " Ahm, Maddy, may ibibigay sana ako sayo. "

" ano yun? "

Dahan dahan niyang kinuha ang bracelet mula sa kanyang bulsa saka inilahad dito. She look amazed by it, at ikinatuwa ng puso niya ang reaksyon nito. That smile was so priceless.

" Ang ganda naman nyan, Gavin. . Para sa akin ba talaga yan? "

" Yes, I made it for you. "  aniya at kinuha na niya ang isang kamay nito saka isinuot na ang bracelet.

" I'm so Flatterd that you made this wonderful thing for me. Thank you so much, "

" your welcome. I'm also happy that you like it. "

" teka nga, bakit mo ako binigyan ng ganito? "

" Is just only a gift, pero ingatan mo yan. . Espesyal yan.  "

Napangiti na lamang ito at itinuon ang pansin sa dagat. 

Chairman's Magdalene 👄   ∆ R+18 ∆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon