" NASAAN ako??! Saan mo ako dinala?! " ma asik na wika ni Maureen kay Billy nang magising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Nakasandal ito sa may pintuan. Seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung paano siya makaka alis dito.
" I can't still believe it.. Buhay ka pa. Paano nangyari yun? Namatay ka dahil sa sunog, pinaglamayan ka, nilibing ka namin... And now u are here in front of me, fresh and alive. At wala kang ni anong galos na natamo mula sa sunog. How could that be possible? "
Klaro talaga sa mukha nito ang matinding pagtataka.
" Hindi ako kailanman namatay.. Hindi ako yung pinaglamayan niyo at lalong hindi ako ang taong nilibing niyo. " aniya.
Wala na siyang magagawa kundi ang sabihin kay Billy ang totoo.
Lumapit ito sa kanya at umupo mula sa gilid ng kama.
" what do u mean? Sino ka ba talaga? " he stared directly in her eyes.
Huminga muna siya ng malalim bago tumitig dito.
" maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong ako ang tunay na Maureen? "
" i-ibig mong sabihin si Madeline yung namatay? Pero teka.. Nalilito na ako eh, can u tell me the whole story? "
Nag iwas siya ng tingin dito.
" nung mga bata pa kami, gusto na akong patayin ni Madeline, gusto niyang angkinin ang lahat, mula sa pagkatao ko, sa mga magulang ko, sa yaman namin, at kay Ariel... Kaya nagawa niyang ihulog ako sa dagat nung nasa yate kami... Buong akala niya tuluyan na akong mabubura sa mga buhay nila, pero nagkakamali siya dahil nakaligtas ako.. A fisherman save my life, inalagaan niya ako at pinalaki na parang siya na ang tumayong magulang ko... "
" ibig sabihin pala, niloko lang kami ni Madeline, she deceive us.. Pinaniwala niya kaming lahat na siya ay ikaw, at ikaw ay siya.. I can't believe it na magagawa niya sa iyo yun, i mean you are her twin sister but he can afford you to be in death para sa kanyang sariling pakinabang. "
Tumango siya.
" Sooo, nagkita na ba kayo ni Ariel? "
" Oo.. Siya yung unang nakakita sa akin.. "
" I see... Kumusta naman yung pagkikita niyo? "
Nag flashback sa kanyang alaala ang unang pagkikita nila ni Ariel.
" ayun, nabigla din siya at sinabi ko din sa kanya ang totoo. At he was so happy na buhay pa pala ako. "
Tumikhim ito ngunit mahina. Tumayo na ito habang nakatalikod sa kanya.
" mabuti naman kung ganun.. " lumakad na ito at binuksan ang pinto.
Agad naman siyang bumalikwas at sinundan ito sa labas.
" Billy... Nasaan ako? " aniya habang pababa sila ng hagdan. Napalinga linga siya sa paligid. Ang laki ng bahay.
" nasa sanctuaryo kita. "
" sanctuaryo? "
" Oo.. Dito ako namamalagi kung gusto kong mapag isa. "
Tahimik ang buong bahay. Nakakabingi. May mga maids naman dito ngunit konti lang. Nakasunod lang siya sa binata hanggang sa makarating sila sa harden.
" Boss, buko juice po. " wika ng magniniyog na kakarating lang bitbit ang dalawang buko na may nakalagay na straw.
" salamat, Mang Lino.. " anito at bumaling sa kanya. " U want? "
Napatango siya dahil nauuhaw na din naman siya.
Umalis na ang matanda at silang dalawa nalang ang naiwan habang nakaupo sa isang bench.
" Ahmm, I'm glad u still recognize me. Nasa 6th grade pa tayo nung huli tayong nagkita. It was a long time ago, right? " biglang wika nito ngunit di naman siya nililingon.
" Oo... Matagal tagal na din yun.. Pero syempre makikilala parin kita. Ikaw lang naman ang Billy na kilala ko at ikaw kang din ang Billy na kilala ako. "
" hmmm, "
Napansin niya ang ngiting sumungaw sa mga labi nito.
" makakalimutan ba naman kita?! May kasalanan kapa sa akin! " pagmamaktol niya.
He turned to her.
" what?! Ano naman yang kasalanan ko sayo ha? "
" Aba! Kinalimutan mo na kaagad? " Napataas ang isa niyang kilay.
" Oo eh... Pasensya na... Ano ba kasi yun? "
" ayst! Wala! Nevermind nalang. "
" ahmm maiba tayo.. Saan ka ba pupunta bakit napadpad ka rito? "
" gusto ko munang magpaka layo layo.... Hindi ko pa kayang harapin ang mga taong naging parte ng buhay ko noon. "
" It means, hindi pa kayo nagkikita ng papa mo? "
She nodded.
" why? Diba siya dapat ang unang maka alam na buhay kapa? Alam mo bang ang sobrang lungkot ngayon ng papa mo? Siya nalang mag isa sa buhay. Nagluluksa parin siya sa pagkamatay ng kakambal mo, at sa mama mo.. "
Nagimbal siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan ang narinig na balita.
" w-wala na si mama?... " mukhang maiiyak na siya .
Malungkot itong napatango.
" I'm sorry Maureen, hindi pala nasabi sayo ni Ariel.. "
Naluha siya. Wala na pala ang kanyang ina. Hindi niya man lang ito nakasama kahit sa huling sandali ng buhay nito.
Hinagod ni Billy ang likod niya.
" I'm sorry for your loss.. "
Ngayong wala na ang kanyang ina, hihintayin niya pa bang mawala muna ang kanyang ama bago siya magpakita sa mga ito?
BINABASA MO ANG
Chairman's Magdalene 👄 ∆ R+18 ∆
DragosteShe's Wild, Bold, Seductive, Innocence doesn't match her characteristic. A one night stand with the Chairman can change their lives forever. Isang nakaraan ang mahahalungkat ng dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.