PINAGMAMASDAN ni Billy ang anak niya habang naglalaro ito kasama ang mag lola at lolo. Nasa mansion kasi ito ngayon ng mga Akihiro.
" Bil, ayos ka lang ba? " tanong ni Maureen nang makalapit sa kanya habang may hawak itong baso ng juice.
" Ahm, Oo. Ayos lang. . Salamat nga pala dahil dinala mo dito si Kellah sa bahay. "
" Wala yun, pero sandali lang kami ha, i.uuwi ko na siya mayamaya baka umuwi na ng bahay si Gavin galing trabaho. "
" Cge, ayos lang. Naiintindihan ko. "
" mmmm, :) "
" ahm, nga pala,Maureen, sinabi ko na sa pamilya ko na nagkaanak ako sa aking pagka binata noon. Hindi ko na kasi kayang itago ang aking nakaraan lalo na sa tuwing nakikita ko ang bata. "
Nagulat ito sa sinabi niya. " Really???! Tapos, ano yung reaksyon nila? "
" Syempre, nagalit sila sa akin nung una. Na disappoint. . Pero wala na daw silang magagawa, eh nandyan na yung bata, malaki na. "
" so, tanggap na nila si Kellah? Kahit pwede itong makasira sa reputasyon ninyo? "
" Oo, kaya ayan oh, masaya silang kasama ang bata. "
Napatingin din ang dalaga sa mag lola at lolo.
" Eh, ikaw Billy, tanggap mo na si Kellah, for real? "
" Oo, Maureen. Tanggap ko na yung anak ko. Siguro napapanahon na para malaman niya na ang totoo. Pero, si Gavin muna ang dapat kong kausapin. Kailangan ko munang harapin ang galit niya, kahit anong sabihin at gawin niya sa akin, tatanggapin ko basta't ipaubaya niya na sa akin si Kellah. " desidido na siya sa kanyang gagawin.
" Sige, Billy. Kailan mo ba siya gustong makausap? Sasamahan kita sa kanya. "
" pwede bang ngayon na? "
" agad-agad? "
" Oo, ayoko na din kasing mag aksaya pa ng oras. "
" hmmmm, cge. Ikaw bahala, pero sana inihanda mo na yang sarili mo, ibang magalit si Gavin, pero alam kong malumo parin ang puso nun, kaya mapapatawad ka parin niya, hindi man sa ngayon pero sa tamang panahon. "
" Alam ko, Maureen kaya matagal ko nang inihanda ang sarili ko. "
__________________
" YAYA, i.akyat mo muna si Kellah sa taas, tulog na tulog ito eh, napagod sa paglalaro. " wika ni Maureen nang maka uwi siya sa Mansion kasama si Billy.
" sige po, Ma'am. " anito at kinuha na ang bata.
" Ahm, Ya, umuwi na ba si Gavin? "
" Ahm, hindi pa po, Ma'am. "
" Ah, sige po. Hihintayin nalang namin siya. Ikaw na muna bahala sa bata. "
" sige po, Ma'am. Excuse me, po. "
Umakyat na ito sa taas habang karga ang natutulog na si Kellah.
Naupo na silang pareho ni Billy sa sofa. Ilang sandali pa ay narinig na nila ang pagdating ng sasakyan ni Gavin na ipinarada na Garage.
Nabigla ito nang makita si Billy kasama niya. Napakunot noo ito napalapit sa kanila.
" Hi, Deee, " aniya at dinampian ito ng halik sa pisngi.
" Meee, " he put a kiss on her cheeks too.
" Ahmm, Deee, nandito pala ngayon si Billy para makapag usap kayo. Iiwan ko muna kayo saglit, pupuntahan ko lang si Kellah sa taas. " aniya saka umakyat na nga sa taas.
BINABASA MO ANG
Chairman's Magdalene 👄 ∆ R+18 ∆
Roman d'amourShe's Wild, Bold, Seductive, Innocence doesn't match her characteristic. A one night stand with the Chairman can change their lives forever. Isang nakaraan ang mahahalungkat ng dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.