PASADO alas dyes na ng gabi ng biglang tumunog ang telepono ni Maureen na nasa kanyang tabi lamang. Sinagot niya kaagad ang tawag na galing kay Billy. Nasa Syudad kasi ito ngayon umuwi muna ng mansion.
" Hello, Billy? Bakit ka napatawag? " aniya sabay naglakad papunta sa malawak na balcony.
" Maureen may balita ako sayo, tungkol sa kakambal mo. " anito sa kabilang linya.
" h-huh? Bakit? Ano yun ?! "
" buhay pa si Madeline, nabigla kami ng makita siya ulit, of course we thought she's dead. Pero bigla nalang siya sumulpot kasama ang papa mo. "
" paano nangyari yun? Paanong buhay pa siya? "
" her bestfriend helped her para makaligtas siya sa sunog. It's a long story, pero ngayon naka wheel chair na siya. Hindi siya makalakad. "
" hmmmm.... Ano yung reaksyon ni Ariel nang makita siya? "
" Tahimik lang si Ariel. Hindi man lang siya nag react, siguro ay dahil alam na niya ang totoo. so, ano, ano yung plano mo ngayon? "
Huminga siya ng malalim.
" Magbabalik na ako... Hindi ko hahayaang tuluyang nakawin ni Madeline ang pagkatao ko at kung ano man ang dapat na meron ako. "
************
BILANG pasasalamat ay idinaos nila ang isang welcome back party para kay Madeline a.k.a Maureen. Sa Villa ng mga Akihiro ginanap ang naturang party. Maraming tao ang nandito mula sa mga empleyado ng Kompanya hanggang sa kanilang mga malalapit na kaibigan.
" Magandang gabi sa inyong lahat. Kagaya po ng nalalaman niyo na ang party na ito ay para sa pagbabalik nang aking anak na si Maureen. Buong akala natin ay wala na siya dahil sa isang sunog sa rest house, pero buti nalang may awa parin ang panginoon dahil may ginamit parin siyang kasangkapan na mailigtas ang anak ko walang iba kundi ang kaibigan niya na si Chelsie. Mahabang kwento po ang nangyari kaya ang labis na mas importante ngayon ay buhay pa ang aking anak. So now, May I present to you, My very beautiful daughter, Maureen Delgado Akihiro. " masayang anunsyo nito sabay na pumalakpak ang mga tao.
Nasa kay Madeline ngayon ang buong atenasyon ng mga tao. Tulak tulak ng kanyang asawa ang wheel chair niya at malugod na ngumingiti sa mga taong nandirito.
Ngunit bigla nalang nag brown out. Ilang saglit pa'y bigla nalang tumuon ang spotlight sa babaeng naka red backless gown malapit sa entrance ng venue. Napalingon sa kanya ang lahat ng nandito. Lalo na ang pamilya akihiro, si Ariel, si Madeline at ang papa niya maliban kay Billy na simpleng nakatanaw sa kanya. Dahil alam na nito na darating siya at kasabwat niya ito. No matter what happens tonight, Billy will be by her side.
" oh my gossh, kamukhang kamukha niya si Ms. Maureen. "
" diba nga may kakambal si Ms. Maureen? Malamang siya yan. "
" ano to? Patay na muling nabuhay? Ang magkambal na akala natin ay patay na yun pala buhay pa! "
Yun ang mga narinig ni Maureen sa mga babaeng nasa kabilang mesa habang tingin ng tingin sa kanya.
" Nagulat ba kayo? " aniya na may pagka maldita ang tinig.
Di parin makapagsalita ang mga ito. Tanging nakatitig lang ito sa kanya. Di makapaniwala sa nakikita.
She walked slowly.
" I also deserved this welcome back party, dahil ngayon nagbabalik na ako. Right, Papa? " tumingin siya ng diretso sa kanyang ama na ngayon ay di halos mabuka ang bibig. " nakalimutan niyo po yatang ipakilala ang isa pa ninyong anak. "
" M-madeline----- "
" Opps, I Am not Madeline Papa. I am your long lost daughter, Maureen Delgado. "
Nagka commotion ang buong paligid.
" Liar! Hindi totoo yang sinasabi mo! Madeline! " galit na wika ni Madeline sabay lapit sa kanya.
Napahalakhak siya saka maldita niya itong tiningnan.
" Liar? Ako?! Hahhaha!! Baka ikaw! You deceived everyone by stealing my identity! So now, tell me, sino ang sinungaling sa atin ngayon?! Pinaniwala mo silang lahat na ikaw ay ako. Dahil inggit na inggit ka sakin nagawa mo akong patayin, inihulog sa dagat nung mga bata pa tayo.. Pero, buti nalang, ay nabuhay pa ako dahil sa isang mangingisda na nagligtas sa akin at tumayong magulang ko. "
" sinungaling! Gumagawa ka lang ng kwento! " giit parin ng kanyang kakambal.
" huh! Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanilang lahat na ikaw talaga si Madeline?! " pinandilatan niya ito ng mata.
" teka nga!!! Ano itong kaguluhan na ito mga anak?! Hindi ko na alam kung sino ang tatawagin kong Madeline at Maureen! Kaya pwede ba, wag na kayo gumawa ng eksena, magsabi nalang kayo ng totoo, dahil gulong gulo na kaming lahat! " wika ng kanilang ama nang lumapit ito sa kanilang dalawa.
" papa, ang totoong Maureen itong anak niyo na nakatayo ngayon, at ang totoong Madeline ay yang anak ninyong nakaupo sa wheel chair.. Alalahanin niyong mabuti na ang Maureen na anak ninyo ay mayroong maliit na peklat sa likod buhat nung mahulog ako sa hagdanan. Alam na alam niyo yun papa dahil kayo mismo ni mama ang gumamot ng sugat ko. Hindi ba?? "
Natahimik ito. Sinusubukang alalahanin ang nakaraan. Saglit pa'y napatingin ito sa kaniya.
" Oo.. Naaalala ko na. Pwede ko bang makita ang likod mo anak? "
Pinagbigyan niya ito. Nakita ni Mr. Delgado ang maliit na peklat sa kanyang likod. Tiningnan din nito ang likod ni Madeline at wala nga itong nakitang peklat dito. Kaya ngayon malinaw na dito kung sino ang nag sisinungaling at nagsasabi ng totoo.
" Maureen, Madeline, mag usap tayong tatlo, sumunod kaau sa akin. " anito at nag walk out.
BINABASA MO ANG
Chairman's Magdalene 👄 ∆ R+18 ∆
RomantizmShe's Wild, Bold, Seductive, Innocence doesn't match her characteristic. A one night stand with the Chairman can change their lives forever. Isang nakaraan ang mahahalungkat ng dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.