👄 Chapter 40 👄

3.5K 51 5
                                    

PAGKATAPOS humingi ng tawad ni Madeline sa kanyang kakambal ay sa kanyang ama naman siya humingi ng tawad, at hindi naman siya nabigo dahil,

" naiintindihan kita anak, pasensya na rin dahil sa galit at pagkadismaya ko sayo noon ay napagsalitaan kita ng mga masasakit na salita. . Pero may kasalanan din naman kami sayo ng mama mo, hindi ka namin nabigyan ng patas na pagmamahal gaya ng atensyon na ibinibigay namin kay Maureen. Patawad din anak, hayaan mo akong bumawi sayo. . Ano pa nga ba ang magagawa ko, syempre anak parin kita, kaya pinapatawad na kita Madeline. .  " wika ng kanyang ama sabay yakap sa kanya at niyakap niya rin naman ito. 

" salamat, papa. Pangako ko po sa inyo, hindi po kayo magsisisi sa pagbibigay sa akin ng pangalawang pagkakataon. Mahal na mahal ko po kayo, papa. "

At yun nga ang nangyari, she already forgiven by her father. Kaya ngayon nandito naman siya sa Mansion ng mga Akihiro, para humingi ng tawad sa pamilya at lalong lalo na kay Ariel na higit niyang niloko.

Nadatnan niya ang mga ito na kumakain ng pananghalian. At di sinasadyang mapansin siya ng dating asawa. Biglang kumunot ang noo nito ng makita siya. Napatayo si Ariel at tumungo sa direksyon niya habang ang mga magulang nito, ang mga tito at tita at ang pinsan na si Billy at napalingon narin sa kanya.

Tiningnan muna nito ang likod niya bago magsalita. Ang peklat kasi sa likod ang palatandaan ni Maureen habang siya ay wala. Humarap na ulit ito sa kanya at tiningnan siya ng masama.

" What are you doing here, Madeline? "

" Ariel, narito ako para humingi ng tawad sa inyong lahat, lalong lalo na sayo. Patawarin mo ako, Ariel. . Oo,niloko kita noon, nagpapanggap ako na si Maureen, para mahalin mo. Nagawa ko lang naman yun, dahil mahal na mahal kita, gusto ko ako nalang ang mahalin mo. . Pero dumating ako sa punto na narealize ko na na mali ang ginawa ko, dapat pala hindi ako naging selfish. . "  naiiyak niyang sabi.

Bumuntong hininga muna si Ariel bago tumingin sa kanya.  Nag iba na ang aura nito.

" kung papatAwarin ba kita, magbabago kana ng tuluyan? Wala kanang lolokohin? "

" Oo, Ariel. Pangako sayo. "

" kung ganun, pinapatawad na kita. "

Lalo siyang napahikbi pero di niya rin maiwasan ang mapangiti.

" salamat, Ariel. . P-pwede ba kitang mayakap? "

He nodded. Mabilis niya itong niyakap, she missed him so much. Hindi niya man masabi pero nananatili parin ang pagmamahal niya para dito.

Masaya man siya na napatawad na siya ng kanyang ama, ni Gavin at ni Ariel, still, hindi parin makokompleto ang kasiyahan niya hanggat hindi pa siya napapatawad ni Maureen. Pero willing naman siyang maghintay kung kailan nito maibibigay ang kapatawaran na kanyang hinahangad.

______________

ONE week later. . .

Dumating na si Maureen sa Airport. Kakauwi niya lang galing sa Japan. Pumunta siya dun para mapag isa at makapag isip isip at para mag soul searching.

Ngayong nakabalik na siya bitbit niya na ang mga desisyong nararapat na niyang gawin.

____________ 

PINUNTAHAN ni Maureen si Gavin sa bahay nito. Nadatnan niya itong nagsuswimming sa pool at nang makita siya ay agad itong umahon at pinunasan ang basa nitong buhok gamit ang tuwalya.

Akala ni Gavin ay hindi na siya magpapakita dito, kaya naman nagbigla ito ng makita siyA pero at the same time masaya din, hindi naman maitago sa mga kislap ng mata nito habang nakatitig sa kanya.

" Maureen? . " nakangiting usal nito sabay lapit sa kanya.

" Oppz dyan ka lang, mababasa ako! "

" Hmmm, okay, what brought you here? "  seryosong tanong nito.

" si Kellah ang ipinunta ko dito, namimiss ko yung bata. " 

Nagkibit balikat ito. " Si Kellah lang ba? . . Talaga? "

" Oo, "

" ey, bakit dito ka sa pool dumiretso? "

" Ahmm, akala ko kasi nandito rin yung bata. Nakita kasi kita dito. "  palusot niya. 

" hmmmm, okay. Sige. Excuse me. " mukhang nagtatampong tinig nito.

Tinalikuran na siya nito at humakbang papasok sa loob ng bahay. Pero bago pa ito tuluyang makapasok ay hinabol niya ito kaagad at niyakap niya ito mula sa likuran, wala na siyang pakialam kung mabasa man siya. Hindi niya na kasi matiis, she longing him for so long.   Napatigil si Gavin, at dahan dahang humarap sa kanya.

" Gavin, ang totoo nandito talaga ako para makipag ayos sayo. And I've already accepted your apology. " 

He can't resist to smile at her.  " Talaga? Totoo? Peace na tayo? "

Tumango siya at napangiti narin. " Oo, ayaw mo? Cge wag nalang-------- "

" No, No, syempre gusto ko. Gustong gusto. "

" hmmm, ahm, hiwalay na kami ni Ariel. . And we separated peacefully.. Dahil tanggap niya na, na ikaw talaga yung mahal ko at wala ng iba. "

Mas lalo pa itong napangiti sa magandang balita na narinig galing sa kanya.

" Kung ganun, pwede kana bang bumalik sa akin? Pwede na ba tayong bumalik sa dating tayo? " 

" Yes, Gavin. . " she answered it with a tears in her eyes.

Niyakap na siya nito ng kay higpit na para bang ayaw na siya nitong bitiwan pa.

" Ohh, Maureen, I love you so much. More than anything in this world. Thank you for coming back to me. I promise I won't let you go anymore. "

" I love you too Gavin, I will love you forever. " 

She pull him closer as she shut his mouth with a passionate kiss and His hands smoothly travel down her back.

______________

MALAPIT ng makarating si Maureen sa kanilang bahay nang makita niyang kakalabas lang ni Madeline sa gate. Ipinarada niya na ang kanyang sasakyan malapit sa kanila at mabilis na bumaba para habulin ang naglalakad niyang kapatid.

" Madeline! " sigaw niya .

Napalingon sa kanya si Maddy at nagtaka kung bakit niya ito hinabol.

" B-bakit? "

" I already forgive you. . Kahit malaki ang kasalanan mo sa akin, hindi naman nun matatakpan ang pagiging magkapatid natin. Your still my sister, My beautiful twinny. "

Bigla na lamang itong napaiyak at napayakap sa kanya. She embraced her too of course. Napaiyak na rin siya.

" Salamat, Maureen. . I thought, hindi na tayo magkaka ayos. . Akala ko hindi mo na ako mapapatawad. . Thank God, for touching your heart to forgive me. I swear, I won't disappoint you anymore. . I love you Sis. "

" I believe you,now Madeline, I trust you,now. . I hope hindi mo sasayangin ang chance na ibinigay ko sayo. "

" Thank you, Mau, I promise, magiging mabuting kapatid na ako sayo. "

" Hmmm, mabuti kung ganun. . I love you too Sis. . I miss you as well, kambal. "

" I miss you too, Maureen. . "

Kumalas na sila sa pagkakayakap habang magka hawak parin ang mga kamay.

" Twin sister's forever? "

" Twin sister's forever! "

Napatawa sila at napayakap ulit sa isa't isa.

" ibalita na ba natin to kay Papa? I know he would be happy so much. "

" Tara. :) 😊 " 

Sabay silang pumasok sa bahay nila para ibalita sa kanilang papa ang pagkaka ayos nila.


Chairman's Magdalene 👄   ∆ R+18 ∆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon