👄 Chapter 37 👄

3.7K 48 7
                                    

" HELLO, ya? " wika ni Gavin sa kabilang linya.

" Yes, Sir Gavin? Napatawag po kayo? "

" Kumusta kayo dyan ni Kellah? "

" Okay naman po, tsaka sumasaya na ulit ang alaga ko. Bumibisita kasi dito paminsan minsan si Ma'am Maureen, pero may kasama po siya palagi, si Sir Billy. "

Natigilan siya sa sinabi nito. Ano nga ba ang meron sa dalawang ito? Simula nang maghiwalay sila ni Maureen ay eto na lagi ang kasakasama nito. Si Billy na kaya ang ipinalit sa kanya ni Maureen? He hate it.

" ganun ba. . " aniya na may matamlay na boses.

" Oho, Sir. At parang close na close po sila! Sweet, ganun. . "

" Okay. . . "

" Ahm, Sir Gavin, Uuwi na po ba kayo bukas? Tapos na po ang one week eh. "

Napatingin siya kay Madeline habang nagbabasa ng bible sa may bintana.
" No, Yaya. Kailangan ko pa ng isang week. Sige na, tatawag nalang  ako pag uuwi na ako. "

" Gavin, kumain kana? " biglang tanong ni Madeline sa kanya. Tinanguan niya lamang ito at nagbalik narin ito sa pagbabasa.

" ayy, Sir. Nasaan po ba kayo ngayon? Specific po. "

" nasa kwartong tinutuluyan ko, bakit? "

" may narinig po akong boses ng babae. Ang lambing lambing pa ng boses. Naku, Sir Gavin! May babae dyan sa kwarto mo???! "   anito na waring hindi makapaniwala.

" Ya, kung ayaw niyong mawalan ng trabaho, si Kellah nalang po ang asikasuhin niyo haaa?! "

" Opo, Sir. Opo. Sorry po. Bye2* Sir! Enjoooooyyy. "

Ibinaba niya na ang telepono. Nilapitan niya na si Madeline at umupo sa tabi nito.

" Sino ba yung kausap mo sa telepono? Something important? " she asked at isinarado na ang bibliya.

" Yung Yaya namin yung tinawagan ko. Nangungumusta lang ako sa bahay at sa pamangkin ko. "

" sooo, pamangkin mo pala yung batang kasakasama niyo noon ni Maureen? "

" Yes, anak siya ng ate ko. But unfortunately, namatay siya sa panganganak. Kaya ayun, naiwan ang bata sa amin ni Mama. Pero nung si Mama din ang nawala, ako na ngayon ang nakapasan sa responsibilidad. She used to call me Daddy, instead of Uncle or Tito, kinalakihan niya na kasi yun. . At okay lang naman sa akin. . "

" nasaan ba ang tatay ng bata? "

" ewan ko. Hindi ko alam. Hindi naman pinakilala ni Ate sa amin ang ama ng anak niya. Nagagalit siya kapag tinatanong namin. . Siguro, iniwan nalang siya sa ere nang malamng buntis siya. "

" ang bad naman nung lalaki. . Tinakasan ang responsibilidad sa anak niya. "

" Talaga! . . At pag meron nalang biglang sumulpot at magpakilalang ama ni Kellah, masusuntok ko talaga siya or worst mabubugbog ko siya, for what he did to my ate and for being a irresponsible father to my niece. At hindi ako papayag na makuha niya ang bata kahit na umabot pa kami sa korte. "

" hmmmm, well deserve niya naman yun. . Gavin, panu kung ikaw ang magka anak? Papanagutan mo ba? "

" ofcourse, Yes. Excited na nga rin ako magka baby. . " aniya at napalitan na ng ngiti ang kanyang mga labi.

" Kahit hindi mo love ang mama? "

" Hmmm, what type of question is that Maddy? ...bakit ko naman bubuntisin ang babae kong hindi ko mahal in the first place hindi ba? . .gusto ko kasi, pagmamahal ang magbubuklod sa aming magiging pamilya. "

Chairman's Magdalene 👄   ∆ R+18 ∆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon