NAPAHINTO sa pagbabasa ng dyaryo si Mr. Delgado nang may biglang kumatok sa pintuan dito sa kanyang mini library.
" Pasok. " anito at inilapag ang dyaryo sa mesa.
Bumukas na ang pinto at iniluwa dito ang isang di inaasahang bisita. Walang iba kundi ang kanyang anak. Nakaupo ito sa wheel chair habang tulak tulak ito ni Chelsie.
Napatayo siya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Namamalikmata lang yata siya?
" Papa... "
" M-maureen.. Anak ko... B-buhay ka?? P-pero paano nangyari yun? " Aniya na palipat lipat ang tingin sa anak at sa kaibigan nitong si Chelsie.
" Tito, I-i can explain po... " wika ni Chelsie.
Sinabi nga nito sa kanya ang lahat ng nangyari at naniwala naman siya. Masaya siya sa pagbabalik ng kanyang anak. Wala ng sasaya pa sa isang magulang na malamang buhay pa ang anak.
******
SA bahay naman ng mga Akihiro pumunta ang Mag amang Delgado. Tulak tulak ni Mr. Delgado ang wheel chair ng anak papasok sa loob ng mansion . Nagulat ang buong pamilya nang makitang muli si Maureen. Hindi sila makapaniwalang buhay pa ito. Ganun din ang reaksyon ni Ariel nang makitang buhay na buhay pa ang kanyang asawa. Ipinaliwanag lahat ni Mr. Delgado ang lahat ng nangyari na sinabi sa kanya ni Chelsie. At naging magaan naman ang pagtanggap muli ng pamilya Akihiro kay Maureen bilang isang kapamilya nila nang maging asawa ito ni Ariel.
" Ariel, hindi kaba natutuwang makita si Maureen? Did you miss your wife so much, right? " wika ng mama niya.
Paano ba naman kasi ay walang ka ekspresyon ekspresyon ang mukha niya.
" Of course, I miss her. Hindi lang parin ako makapaniwala na buhay pa pala ang aking asawa. " aniya sabay lapit kay Maureen at binulungan ito. " Mag usap tayo sa kwarto. "
Nagpaalam silang mag uusap lang muna. Dinala niya ang asawa sa kanilang silid sabay lock ng pinto. Ngayon naging masama na ang paningin niya dito.
" Bakit mo ito ginagawa?! " pigil na pigil na sigaw niya.
" ang alin, Ariel?! "
" You fooled me! All of us!! How dare you to steal the person's other life huh?! "
" what are you talking about, huh?! "
" Pati ama mo, nagawa mong lokohin! Wala kang konsensya! Pati sarili mong kakambal nagawa mong pagtangkaan ang buhay! "
" Shit, Ariel! Ano bang mga pinagsasabi mo ha?! "
" Hanggang kailan ka magpapanggap na si Maureen, huh?! Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanila ang totoo mong pagkatao, Madeline?!! "
She was stunned sa itinawag sa kanya ng asawa. Alam na nga nito ang tunay niyang pagkatao.
" Oo! Ako nga si Madeline Delgado.. Oppss! Kasal na nga pala tayo, So my full name is Madeline Delgado Akihiro! .... So ano? Masaya kana ? Na malaman mo ang totoo kong pagkatao?! " napangiti ito sakanya.
" How pathetic you are! Ginamit mo ang pagkatao ng kakambal mo para pakasalan kita, para mahalin ka. Pero ang totoo si Maureen ang tunay na mahal ko at siya ang dapat na pinakasalan ko , hindi ikaw!! "
She laughs sarcastically.
" Owww... Hahah!!! It doesn't change anything. Si Madeline man ako o si Maureen, I'm still your wife legally ! "
" Maghahain ako ng Annulment Case! "
" Really? ... Tapos ano, babalik ka sa kakambal ko at magpapakasaya kayo?! Alam kong buhay si Maureen at nagkikita na kayo, malamang siya ang nagsabi sayo ng lahat... Pero sa tingin mo ba hahayaan ko kayong maging masaya habang ako nag iisa??! Hindi ako ganun kabait para hayaan kong mangyari yun! Akin ka lang! ... You don't know what I am capable of, Ariel! Kung ayaw mong mapahamak si Maureen, you better shut up at magpaka asawa ka nalang sakin.. We live happily ever after.. And I'll promise you, Maureen will be safe forever! Hahhaha!! "
" Hayop ka, Madeline! Hawak mo ba Si Maureen kaya siya nawawala?! "
" Opps! Wala akong kinalaman dyan where the hell is she right now. Pero I assure you, kayang kaya ko siya hanapin para tuluyang patayin sa oras na suwayin mo ang gusto ko! So Ano Deal?! "
" DamN you, Madeline! " aniya sabay padabog na lumabas ng silid.
Naiwang nakangisi si Madeline.
Ngayon na hawak na kita sa leeg, Ariel.. Hinding hindi ka magkakamaling suwayin ako dahil sa oras na gawin mo yun, sa kabaong mo na muling makikita ang kakambal ko!! 😈😈 aniya sa isipan.
BINABASA MO ANG
Chairman's Magdalene 👄 ∆ R+18 ∆
RomanceShe's Wild, Bold, Seductive, Innocence doesn't match her characteristic. A one night stand with the Chairman can change their lives forever. Isang nakaraan ang mahahalungkat ng dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.