WALA sa mood na pumasok ng conference room itong si Ariel. Ipinatawag kasi siya ng kanyang Lolo at Mama. Nandoon rin ang kaniyang Tita Mabel at ang pinsan na si Billy. Masama ang mga tingin nito sakanya ngunit hindi niya lang ito pinansin. Sa halip ay seryoso siyang umupo sa Harap nilang lahat.
" Tungkol saan ang pag uusapan natin ngayon? " Simula niya .
"I'm a little bit disappointed in you, Ariel. Muntikan nang mag back out yung Client natin from Abroad dahil hindi mo sila sinipot kahapon! " Wika ng kanyang Lolo.
" Oo nga! Buti nalang, nandyan ang anak ko para mag present sa mga Clients. " Segunda naman ng kanyang Tita Mabel.
" Saan kaba kasi kahapon hijo?! I'm so worried about you. " Tanong naman ng kaniyang Ina.
He deeply sighed.
" Look guys, I have something important matters to do last time kagaya ng sinabi ko sa Sekretarya. And I assume naman na kaya naman iyon mag isa ni Billy, right couz? " Bumaling siya sa pinsan.
Inis itong tumingin sa kanya.
" Dapat kasi sa oras ng trabaho ay nandito ka, hindi mo dapat pinagpapasa sa iba, naturingan ka panamang Chairman ng Kompanya. Ano bang ginawa mo kahapon? Mas importante pa ba yun sa mga Kliyente? Kung about parin yan sa Ex Wife mo, so Please Move on, Ariel! She's Dead! Mag seryoso ka sa trabaho mo. " Panenermon nito.
" For just one Absent can't ruin the company, Mr. Billy Akihiro. Don't be too exaggerated, for your information, Kaya kong patakbuhin ng maayos ang Kompanya with or without you. " He stood up at tinaponan niya ito ng masamang tingin.
" And wait, about my private life, wala kanang pakialam dun. Naka move on man ako sa ex wife ko o wala, it's none of your business. And wag na kayo mag alala, hindi naman nawala yung Kliyente, So? Can I go to my office now? "Hindi kumibo ang lahat at nagsi iwas ng tingin sa kanya kaya lumabas na lamang siya ng conference room at tumungong muli sa Opisina niya.
*********************
MALAMIG pa sa simoy ng hangin ang beer na iniinom ni Billy. Nandito siya ngayon sa harap ng swimming pool, malalim ang iniisip. Bigla namang sumulpot sa tabi niya ang kaniyang Ina.
" My Son, are you okay? "
" No, Ma. I'm not. Naiinis ako kay Ariel. Marami na siyang offenses na nagawa sa company, pero hindi parin siya magawang tangalin ni Lolo sa pwesto. Siya nalang ang palaging bida sa paningin nito, habang ako taga salo lang ng mga problemang iniwan niya. "
" Hmmmmp.. Oo nga anak. Ewan ko ba kasi dun sa namayapa mong Ama, kung ikaw sana yung ipinakasal kay Maureen, edi sana ikaw yung Chairman ngayon sa Kompanya. "
Napa buntong hininga siya nang maalala ang dalaga. Tumungga muna sa baso bago magsalita.
" And about her.. talo na naman ako kay Ariel pagdating sa puso niya. Bata palang ako ma, gusto ko na si Maureen and yet si Ariel naman ang gusto niya. "
" Hmmmm, hayaan mo na. Ayosin mo lang yang pagtatrabaho mo sa Kompanya, I'm sure mapapansin Karin ng lolo mo. "
***************
PUMUNTA si Maureen sa isang Department Store bago pa mag tanghali , habang namimili siya ay nahagip ng kaniyang paningin ang isang business news magazine. Kinuha niya ito kaagad at napatitig sa cover page.
" The Tragic Death of Mr. Ariel Akihiro's Wife. " Mahinang usal niya. Napatitig naman siya sa babaeng sinasabing Namatay na asawa ni Ariel Akihiro. " Madeline.... I-ikaw.... Patay na ang kakambal ko? W-wala na si Madeline.... " Di makapaniwalang Sabi niya.
Agad niyang binili ang magazine at lumabas na ng tindahan. Wala sa sariling tinawid ang kalsada kaya hindi namalayan ang isang pajero na muntikan na siyang mabangga. Mabilis na bumaba ng sasakyan ang driver ng Pajero at galit na nilapitan siya.
" Magpapakamatay kaba??! "
" S-sorry... " Aniya saka humarap dito.
Napalaki ang mata nito ng makita siya. Halatang gulat na gulat.
" MAUREEN?! "
Nagtaka siya ng makilala siya nito ngunit hindi niya naman ito kilala. Sino ba kaya ang lalaking ito? Bakit kung makatitig sa kanya ay parang kilalang kilala siya nito.
Akmang hahawakan siya ngunit agad siyang naka ilag." Hey, Maureen?? Paano ka---- "
" Lumayo ka sa akin! "
" Teka, "
Bago pa siya nito mahawakan ng tuluyan ay nakatakbo na siya palayo.
*******************
MALALIM na ang gabi ngunit hindi parin siya pinupuntahan ni Ariel sa Condo. Wala naman siyang kontak dito kaya hindi niya matawagan. Pagkatapos mag luto ng hapunan ay kumain na lamang siya pagkatapos ay uminom ng alak. Lumipas ang ilang minuto ay dumating si Ariel. Parang humina ang takbo ng mundo niya nang makita ito, hindi niya akalaing ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang asawa ng kakambal niyang si Madeline. At ang lalaking sa kanya sana ay ikakasal kung hindi ninakaw ni Madeline ang kaniyang pagkatao.
" Hey, you are still awake. "
" Akala ko hindi mo na ako pupuntahan. "
" I'm sorry, busy lang ako sa trabaho. "
" Sino kaba talaga ha? " Seryoso niyang Sabi.
Bigla namang nag iba ang tingin nito sakanya.
" What are you talking about? "
Inilahad niya dito ang magazine na binili niya kanina.
" Ikaw si Ariel Akihiro diba? "
Nagkibit balikat ito bago sumagot.
" Oo. Ako nga. Chairman of Winery Company. "
" Siya ba ang asawa mo? " Tinutukoy niya ang babaeng kamukha na nasa cover page.
" Yeah.. Si Maureen.. "
She stood up. At pumunta sa likuran nito.
" Maniniwala kaba Pag sinabi ko sayong kakambal ko siya at sabihin ko sayong siya ay si Madeline? "
Napaharap sakanya si Ariel na nakakunot ang noo.
" What??! She's your twin sister?! "
" Oo, Ariel! Ako si Maureen, at siya si Madeline. "
" P-paano nangyari Yun? Mula pagkabata I know her as Maureen. Buong pamilya namin ang alam ay siya si Maureen, the day you are gone, sinabi niya sa papa at Mama mo na si Madeline ang nawala at nagpakilala siyang si Maureen. "
" Oo, ginawa niya nga yun. She take me away from our Family. Tagos sa buto ang pagka inggit niya sakin kaya sinadya niya akong ihulog sa yate para mawala ako sa mga buhay nila . She hates me so much Ariel, lahat gagawin niya kahit buhay ko pa ang kapalit, para lang makuha ang gusto niya. Ganun siya kasama... Hinayaan niya lang ang sarili niyang kakambal sa loob ng maraming taon para lang sa personal niyang pakinabang. Nagdusa ako at naghirap, lumaki ako ng walang tunay na magulang ang kinagisnan.. Sobra akong nangungulila sa pamilya ko... At dahil sa hirap ng buhay naging kapit patalim ako,kaya ako naging pukpok... She ruin my life! The day she tried to killed me, sira na ang buhay ko and I hated her so Much! Simula sa araw na yun hindi ko na siya kinilalang kapatid, you can't blame me, Ariel, grabeng pasakit sa buhay ang ipinaranas niya sakin. Ipinagkait niya sa akin sina Mama... Inagaw niya ang pagkatao ko... She takes my everything, Ariel.. Including You... 😢 " Di na niya mapigilan ang mga luhang kanina pa kumakawala.
Naging speechless si Ariel sa mga sinabi niya. He ended up in his arms again. Napasubsob siya sa dibdib nito at duon na ibinuhos ang mga luha.
BINABASA MO ANG
Chairman's Magdalene 👄 ∆ R+18 ∆
RomanceShe's Wild, Bold, Seductive, Innocence doesn't match her characteristic. A one night stand with the Chairman can change their lives forever. Isang nakaraan ang mahahalungkat ng dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.