👄 Chapter 33 👄

3.6K 44 3
                                    

MASAKIT ang ulo ni Madeline nang magising siya. Sa pagbaling niya sa kanyang tabi ay nandoon si Gavin, nakayuko at nakaupo paharap sa kanya. Naalala niya ang pagtatagpo nila kanina hanggang sa mawalan siya ng malay.

" Gavin. . . "  sambit niya.

Dahan-dahan nitong ginalaw ang ulo hanggang sa mag angat ito ng tingin sa kanya.

" g-gising kana pala. "

" ahmm, kanina pa ba ako nandito? "

" Oo, ahmm... Ayos kana ba? Bigla ka nalang kasing nag collapsed. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya dinala nalang kita dito sa room ko. "

" masakit pa ng konti yung ulo ko. "

" hmmm. . Kumain ka muna bago uminom ng gamot. Saglit lang, tatawagin ko muna yung room attendant para magdala ng pagkain dito. "  anito at may tinawagan nga ito ng kung sino sa telepono.

Ilang sandali pa ay dumating na ang masasarap na pagkain.

" Oh, heto, ubusin mo ha. After that, inumin mo na itong paracetamol at magpahinga kana ulit. "  seryosong wika nito.

" teka nga, Gavin, gusto mo ba akong gumaling kaagad para maipadampot na ako sa pulis? "

Di eto makapagsalita sa halip ay nag iwas ito ng tingin sa kanya at naglakad papunta sa giant glass window kung saan matatanaw mo ang ganda ng karagatan.

" ayokong kumain, wala Akong gana. Iinom nalang ako ng gamot. " kukunin niya na sana ang tabletas sa mesa ng pigilin ni Gavin ang kamay niya.

" kumain ka, "

" ayoko sabi. Hindi ako gutom. "

" alam mo bang masama uminom ng gamot na wala pang laman ang tiyan? "

" The Hell I care, Gavin! I don't want to eat at hindi ko sinabing magdala ka ng pagkain dito. "

" ayaw mo talagang kumain? Well, I will call the police right now! "  anito at kinuha ang cellphone sa bulsa.

Nataranta siya kaya Agad niyang pinigilan si Gavin ngunit hindi nito in.expect ang ginawa niya kaya naman na out balance silang pareho. Bumagsak siya sa kama habang si Gavin ay nakadagan sa kanya. Isang pulgada nalang ang pagitan ng kanilang mga labi, buti nalang ay natukod nito ang isang siko.

" Do-Don't call the police please. . . I-I promise, kakain na ako. . " utal-utal niyang sabi habang titig na titig siya sa mukha nito at ganun din ito sa kanya.

Bahagya na itong bumangon at lumayo sa kanya. " kumain ka na, bago pa magbago ang isip ko. "

Pagkasabi nito ay nagbangon na si Madeline at sinimulan na ang pagkain.

--

After a while bumalik na siya ulit sa higaan. Habang si Gavin ay panay lang ang pagbabantay sa kanya.

" M-malalim na ang gabi, bakit hindi kapa matutulog? Ako nalang dyan sa sofa o di kaya mag rent nalang din ako ng room total may dala naman akong pera--------- "

" No need, Lady. Just stay here, baka makatakas kapa. "

Hindi nalang siya nagsalita pa at humiga na lamang. Ngunit hindi naman siya dinadalaw ng antok. Masyadong malalim ang iniisip niya. She was so depressed right now.

__________

ONE O'clock in the morning. . .

Nagising si Gavin mula sa pagkaka idlip nang makarinig siya ng mga pag iyak. Wala na si Madeline sa kama. Sinundan niya ang tinig ng umiiyak hanggang sa napahinto siya sa tapat ng banyo. Kompirmado may umiiyak sa loob at nang bubuksan niya na sana ay naka lock ito.

" Madeline! Madeline, buksan mo ang pinto! " sigaw niya sa may pintuan.

" pabayaan mo na akong mamatay! "

Shit! Is she trying to kill herself right now?!

Mabilis niyang hinanap ang susi at matagumpay niyang nabuksan ang pinto. Bumulaga ito sakanya na may hawak na blade habang umiiyak.

" Maddy, put it down, now! "

Tanging pag iling lang ang itinugon sa kanya.

" Madeline, please, don't do this, put that away. . "

She stepped backward. " WalA ng kwenta ang buhay ko, Gavin. . My life was a messed. . Itinakwil na ako ni Papa, hiniwalayan Na ako ni Ariel, tapos ngayon ipapakulong mo pa ako, sige nga sabihin mo sa akin kung ano pang silbi ng buhay ko?! "

Natigilan siya. Hindi niya naman kasi alam kung anong isasagot niya dito.

" Oh, diba hindi ka makasagot?! Wala nang silbi ang buhay ko, kaya ngayon tataposin ko na ito- - -- "

" Madeline, huminahon ka, hindi pa huli ang lahat para sayo. "

Wala parin itong tigil sa pag iyak.

" Maddy, please listen to me. . . Fine, I'm giving you a chance Para magbago, wag mo lang ituloy yang binabalak mo. "

" you're giving me a chance? "

Tumango siya.  " Yes. "  pero sa kaloob looban niya ay hindi parin siya pakakampante dito dahil minsan na siya nitong na biktima.

Binitiwan na nito ang blade at hindi niya inaasahan na yayakapin siya nito habang patuloy parin sa pag iyak. Unti unti niya namang inilapat ang mg Kamay sa likod ng dalaga.

_______

MAGDAMAG niyang binantayan si Madeline baka may kagagahan na naman kasi itong gawin. Baka pag gising niya, naka lambitin na ito sa kisame.  He hate thinking of that scenario. Kaya kahit na makasalanan ang babaeng ito ay hindi niya naman kailanman ninais na humantong ito sa kamatayan. 

Pag tingin niya sa wall clock ay quarter to 6am na, hanggang sa hindi niya na mapigilan ang pagpikit nang kanyang mga mata at tuluyan na nga siyang nakatulog.

-- nagising na ang dalagang binabantayan. Nakita niya si Gavin na nakatulog sa couch. Marahan siyang bumangon at nilapitan ito. Nilagyan niya ito ng kumot.

Napaupo siya sa dulo ng kama habang nakatitig sa binatang natutulog. Naalala niya ang nangyari kagabi. She was about to kill herself, buti nalang may lalaking nagligtas sa buhay niya and it was him. Bakit kaya hindi nalang siya pinabayaan nitong mamatay? Total may kasalanan naman siya dito kung tutuusin.

She took a deep breathe.  Bakit mabait ka? You were supposed to be angry at me! . . You were supposed to put me in jail. . Pero baka hindi pa ngayon, baka naghahanap ka lang ng tyempo, . .

Napatingin siya sa kanyang mga gamit. Siguro kailangan ko ng umalis bago mo pa ako tuluyang maipakulong.


Kinuha niya na ang kanyang mga gamit at maingat na lumabas ng silid hanggang sa tuluyan na nga siyang nakalabas sa hotel at maging sa mismong resort.


Chairman's Magdalene 👄   ∆ R+18 ∆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon