[ Background music : Umiiyak ang Puso By: Angeline Quinto < Official soundtrack of Chairman's Magdalene > ] 🎶🎶🎶💕💕💕
NAKANGITING nagdilat ng mga mata si Maureen. Inalala niya kasi ang naging ganap kagabi na umamin sila ni Gavin sa nararamdaman sa isa't-isa. Hindi niya mawari ang dahilan kung bakit nagdulot ito ng matinding saya sa puso niya.
Everyday as always, nakakatanggap siya ng mga bulaklak galing kay Gavin. It makes her heart beating so fast. Palagi na silang lumalabas ofcourse kasama ang cute at bibong anak anakan nila na si Kellah.
Mamasyal sa park, sa Mall, sa Enchanted kingdom, sa Manila Ocean Park at sa Intramuros. Kung titingnan sila ay isa silang larawan ng masaya at perpektong pamilya. Nagpa picture pa nga silang tatlo with a hashtag # HappyFamily# 😊😁.
• • • • •
PAGLABAS ni Ariel sa Restaurant ay namataan niya si Maureen kasama ang isang lalaking may kargang batang babae. Kakalabas lang ng mga ito sa puting toyota. Masayang nag uusap ang mga ito at natigilan siya nang maaninag ang mukha nung lalaki. It was Gavin Reyes, he's mortal enemy in this Business Industry. Biglang naningkit ang mga mata niya habang nakamasid sa mga ito.
Anong connection ni Maureen sa lalaking yan?! Bakit parang close na close sila?
Saglit pa'y nakita niya si Maureen na dinampian ng halik sa labi si Gavin. Syempre ano pa bang mararamdaman niya, edi magulat at hindi makapaniwala sa nakikita. He really needs an explanation from Maureen Delgado.
Mainit ang ulo niya na pinaharurot ang sasakyan. Natapos nalang ang office hours ay wala parin siya sa mood dahil paulit ulit na nag re replay sa utak niya ang scene kanina.
Hindi niya matanggap na may kung ano mang koneskyon si Maureen sa Gavin na yun.• • • • • • •
" ANO?! Anong nangyari kay Kellah? "
Aniya sa kabilang linya. Kausap niya ngayon si Yaya Neng at ibinalita nito sa kanya ang nangyari sa bata." oh sya cge papunta na ako sa Ospital. " wika niya ulit kay Yaya Neng saka ibinaba na ang telepono.
Mabilis siyang lumabas ng Building at tumungo sa parking lot pero nasapo niya nalang ang noo nang makitang flat ang gulong ng sasakyan niya. Anak ng teteng nagmamadali pa naman siya.
" Need a help? "
" Oh my gad Billy, ginulat mo naman ako. "
" hmmm, sorry, I didn't mean to. Pero parang nagmamadali ka yata at mukhang flat pa ang gulong mo. So I guess you need a ride? Paalis na din naman ako. "
" Yes, Yes! Let's go? "
Tumango ito at mabilis na silang lumulan sa saksakyan.
• • • • •
SEVERAL minutes ago ay nag stop sila sa St. Lukes Hospital at mabilis na bumaba si Maureen ng sasakyan. At sa pagtataka ni Billy, ay sinundan niya ang dalaga papasok sa loob.
" Mau, What are you doing here? Sinong na Ospital? " Tanong nito kay Maureen habang nakasunod ito sa likod.
" Yung Pamangkin ni Gavin. " matipid niyang sagot.
" Ganun na talaga kayo ka Close at pati kapamilya nito ay close mo na rin? "
" Billy, I'm in Urgent kaya wala muna akong oras mag kwento sayo, ok? Pero salamat sa paghatid sa akin dito, you can go now. "
" I will stay. Hihintayin kita dito. "
Huminto sila sa isang Room 507. Umupo muna si Billy sa labas habang siya ay pumasok na sa loob.
>>>>
Nadatnan niya si Gavin na nagbabantay sa natutulog na si Kellah. Malungkot itong napalinga sa kanya. agad din naman niya itong nilapitan at hinagod ang likod nito.
" Gavin, kumusta na ang baby natin? Okay na ba siya? "
" hmmmm. . Actually babalik ngayon ang doktor para sabihin ang findings kung bakit nagdidileryo sa lagnat si Kellah. "
At ilang sandali nga ang lumipas ay pumasok na ang doktor sa silid dala ang resulta ng examinasyon.
" Doc, kumusta po ang resulta? " wika ni Gavin.
" Sad to say, confirm na may dengue ang bata. At ngayon bumababa ang platelets niya kaya as soon as possible ay kailangan niyang masalinan ng dugo. Kung maaari ay ngayon na isagawa ang blood transfusion. "
" Ano pong type ng dugo ang kakailanganin? "
" May Type A ba sa inyo? "
Napatingin sila sa isa't-isa saka bagsak ang balikat ni Gavin na bumaling ulit sa doktor.
" Wala pong Type A sa pamilya namin."
"sa amin rin. " wika naman niya.
" Maybe I can donate a blood to that little girl. I'm a Type A. "
Napalingon silang lahat sa bagong dating. Seryosong nakatingin sa kanila si Billy at mukhang seryoso nga ito sa pagboboluntaryo.
Nagulat naman si Gavin nang makita rito ang Vice Chairman ng UNIFOODS Corpo.
" A-anong ginagawa mo dito? "
" hinatid ko dito si Maureen, suddenly narinig ko ang usapan ninyo since naka awang naman yung pinto. Kaya heto since magka tugma naman kami ng dugo ng pamangkin mo, I am here para mag donate ng dugo, well actually, matagal na akong member na blood donor sa Red Cross, kaya balewala na sa akin ang mga bagay na kagaya nito. " mahabang litanya nito.
" I don't need your blood, May iba naman akong makukunan ng donor. "
" Mr. Reyes, pasensya na po, pero ubos na po ang stock naming Type A na dugo. . Nagmamadali po tayo, kaya kung pwede po, ay tanggapin na natin ang offer ng donor. " sabat ng doktor.
Hinawakan niya ang braso ni Gavin. " Tama si Dok, Gavin. We're in Urgent situation, kailangan na ni Kellah ng dugo ngayon na. "
Natauhan naman itong si Gavin at ibinaba nalang ang Pride saka pumayag sa isasagawang blood transfusion gamit ang dugo ni Billy Akihiro.
BINABASA MO ANG
Chairman's Magdalene 👄 ∆ R+18 ∆
RomanceShe's Wild, Bold, Seductive, Innocence doesn't match her characteristic. A one night stand with the Chairman can change their lives forever. Isang nakaraan ang mahahalungkat ng dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.