👄 Chapter 42 👄

3.6K 42 3
                                    

PAGDAAN ng mga araw ay nakadesisyon narin si Gavin na patawarin si Billy. Mukhang seryoso naman talaga ito na magpaka ama sa kanyang pamangkin. Yun nga, everyone deserves a second chance like what he gave to Madeline.

Sinabi narin ni Gavin kay Kellah ang totoo sa harap pa mismo ni Billy. At first, naguguluhan pa ang bata, but her father explains her everything kaya ayun natanggap rin ng bata at masayang masaya ito na makilala at makakasama na ang totoong tatay.

---

" DEEE, ayos ka lang ba? Parang kay lungkot mo? "  wika ni Maureen habang naka upo sila sa sofa ng kanilang bahay.

" It's been a week at wala na si Kellah sa puder ko. . Alam mo na, hindi lang ako sanay. I missed my baby. " malungkot nitong sabi.

She hold his hand tightly. " Deee, don't worry okay? Madadalaw mo naman ang pamangkin mo, makakasama mo parin siya. But for now, hayaan na muna natin siya kay Billy. You know, nag aadjust pa silang pareho. "

" Yeah, yeah, I know. . Hmmm. "

" wag kanang malungkot, "

" wala na akong baby, :( " nag pout pa ito.

" hmmm, yun ba ikinalulungkot mo? , gusto mo ba magkaroon ng sariling anak? Yung galing talaga mismo sayo? "

Kumislap ang mga mata nito nang tumingin sa kanya at sumilay din sa mga labi nito ang isang pilyong ngiti.

" gusto ko yun. Yung batang na buo sa sperm nating dalawa. Hehehe. "

Nahampas niya ito sa balikat pero mahina lang syempre. 😁😂

" gusto mo? "

" Yeah, "  he said and he pulled her closer. Hahalikan na sana siya ni Gavin nang biglang may magsalita mula sa likuran nila.

" Oppz mamaya na yan, pumunta na kayo sa garden, kakain na tayo. Nandyan na ang mga Akihiro, naka served narin yung pagkain. " nakangiting wika ni Madeline habang bitbit ang isang bowl ng salad.

" Sige kambal, susunod kami. Hehe. "

" Thanks, Maddy. " wika namN ni Gavin.

Ngumiti lang ito at tumango sa kanila saka tuluyan ng lumabas ng bahay.

" Shall we, My Beautiful Lady? "

" Sure, Mr. CEO. "  Aniya at kinintalan na ito ng halik sa labi saka sila sabay na tumungo sa Garden.

___________

Masayang kumakain ang buong pamilya. Nandito ang parents ni Billy, parents ni Ariel, and their lolo of course. Katabi ni Billy si Kellah na bibong bibo sa pagkain ng hotdog sa spaghetti. Katabi naman ni Madeline ang kanilang ama at si Maureen saka si Gavin. At magkaharap sa mesa si Madeline at si Ariel.

" Ahm, Papa. "  tawag pansin ni Madeline sakanilang ama.

Napatigil ito sa pagkain at bumaling sa kanya. " ano yun, anak? "

" ahmm, nakapag desisyon na po ako, gusto ko sanang pasukin ang pag ma- madre. " pagkawika niyon ay napabuga si Ariel sa kinakain doon sa plato nito.

Nagpunas ito ng bibig at napatingin sa kanya. " sigurado ka ba?! "

Di siya maka imik nabigla kasi siya sa naging reaksyon nito. Napatingin tuloy ang lahat kay Ariel.

" Ariel, si Tito Samuel ang  kinakausap ni Madeline, hindi ikaw. Kung maka react ka, bakit, affected ka? "  sabat naman ni Billy sabay punas sa bibig ni Kellah na may nagkalat na ketchup.

Hindi na tuloy kumibo si Ariel dahil sa sinabi ni Billy. Nanahimik na lamang ito at uminom ng tubig.

" Sigurado kana ba dyan sa desisyon mo hija? Hindi madali ang pagpasok sa kumbento, marami kang isasakripisyo. " wika ng kanyang ama.

Chairman's Magdalene 👄   ∆ R+18 ∆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon