NAKITA at narinig lahat ni Gavin ang pangyayari. Alam na alam niya na ngayon ang totoo. He felt guilty sa ginawa niya kay Maureen. Hindi niya alam kung paano makikipag reconcile dito.
Lalapitan niya na sana ito ng makita niyang nakayakap na ito kay Billy. Napa atras na lamang siya at mabilis na umalis sa lugar na yun.
____________
AFTER a couple of days ay hindi na muling nagpakita pa sa kanilang lahat si Madeline. Siguro ay nagtatago na ito ngayon dahil sinampahan na ito ni Gavin ng kaso dahil sa pagnanakaw nito ng isang property sa kanilang kompanya.
Habang si Ariel ay tuluyan ng nakipag hiwalay dito dahil sa wakas ay legalized na ang kanilang divorce paper kahit na walang kooperasyon galing sa babae. Naghanap talaga siya ng paraan para maging legal separated na sila ni Madeline. Nakahinga na siya ng maluwag, atlast malaya na siya mula sa kanyang dating asawa. At ngayo'y nagbabalak na siyang ligawan si Maureen dahil alam na naman niyang hiwalay na ito kay Gavin. Now, he have the chance to win her heart again.
_____________
" SIR, Hindi po sa nanghihimasok ah. Ahmm, hindi niyo pa po ba papatawarin si Ma'am Maureen, gayong hindi naman po talaga siya ang may sala kundi ang kakamabal niyang si Madeline? " wika ni Yaya Neng nang maibaba ang kanyang mga maleta dito sa sala.
" Ya, alam niyo, ang mabuti pa, puntahan niyo na lang si Kellah. Kayo na muna ang bahala sa kanya habang wala pa ako dito ha. Alagaan niyo siyang mabuti, kayo ng bahala dito sa bahay. Maliwanag? " wika ni Gavin saka tumayo na.
" Opo, Sir, no problem. "
Pupunta kasi siya ng Antique for an out of town. Gusto niya kasi munang mapag isa at makapag isip isip.
" yung bata ha! Tawagan mo lang ako pag may problema, ok? "
" Opo, ! " anito at nag salute pa sakanya.
He nodded at tumungo na sa garahe para isakay sa kanyang kotse ang mga maletang dala. Tuluyan na siyang nagpaalam dito at umalis na.
___________
MULI nang pumasok si Maureen sa UNIFOODS Corpo dahil tuluyan na niyang pinalitan ang kanyang ama sa posisyon dahil nagkakasakit na ito at nanghihina na, may edad narin kasi ito kaya gusto nalang nitong mag permanente sa bahay. Sa wakas kasi ay nagka ayos na din sila at sinusuportahan nalang nito kung saan siya masaya.
Subsob siya sa trabaho ngayon ng may biglang naglatag ng kape at isang stem ng white roses sa mesa niya. Nang mag angat siya ng tingin ay ang gwapong mukha ni Ariel ang nabungaran niya. Nakangiti ito at bigla pang kumindat.
" Hello, βeautiful, "
" anong paandar to, Ariel ha? "
" wala lang, βakit masama βang magβigay ng βulaklak at kape sayo? "
" Hindi naman, nakakapaniβago lang kasi. . . Hmm, porket malaya kana kay Madeline, dumadamovez kana sa akin. "
He gigled. " siguro, parang ganun na nga. "
" Ariel! "
" see you later, βeautiful! " anito at mabilis siyang dinampian ng halik sa pisngi saka lumabas na sa kaniyang opisina.
Naiwan siyang natameme. Napahawak siya sa pisnging hinalikan ni Ariel.
Ariel. . . Tigilan mo ako please. . Lumalayo na ako dapat sayo. . Ayokong magkasala kay Gavin kahit na hiwalay na kami. .
BINABASA MO ANG
Chairman's Magdalene 👄 ∆ R+18 ∆
RomanceShe's Wild, Bold, Seductive, Innocence doesn't match her characteristic. A one night stand with the Chairman can change their lives forever. Isang nakaraan ang mahahalungkat ng dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.