" GAVIN, bakit mo dinala ang babaeng yan dito sa kompanya? She's a threat. " wika ng COO ng kompanya niya.
Nakatanaw sila kay Maureen habang nakikipag laro kay Kellah. Nasa loob ito ng office niya.
" Mr. Cruz, she's not a threat. Ano namang masama kung magpunta siya dito? "
" Alam ko namang kilala mo siya hindi ba? Siya si Maureen Delgado, One of the Major Stockholder of UNIFOODS corpo. Mahigpit nating kalaban ang kompanya nila. Baka ginagamit ka lang yan para makakuha ng impormasyon tungkol sa takbo ng kompanya natin, kahit kaibigan mo pa yan, still nasa mga Akihiro parin ang loyalty nyan dahil doon siya nagkakapera. "
He smirk. " Maureen is not a type of person you used to describe. Sino bang nakakilala sa kanya ng husto, diba ako? That's why, you don't have anything to worry about, kaya sinisiguro ko sayo, hindi siya magiging threat sa kompanya ko, ako nang bahala sa kanya. " aniya at muling tumingin sa dalaga na ngayoy nagpukol sa kanya ng matamis na ngiti.
• • • • •
NASA isang sikat na fastfood chain sila Gavin ngayon nananghalian.
Kanina niya pa napapansin ang binata na parang seryoso ang awra.Kaya nung naglaro si Kellah sa maliit na playground sa loob ng Mcdo , kinausap niya ang binata.
" Gavin, are you okay? Something bothering you? "
He lift up his head. " Mau, kailan mo pa ba sasabihin sa akin ang totoo? We've known each other, pero hindi mo parin naikwekwento ang personal na buhay mo sa akin. "
Napalunok siya at umayos ng upo.
" ano bang gusto mong malaman tungkol sakin? "
" lahat. " seryosong tugon nito.
Bumuntong hininga muna siya bago nag kwento. About her past and present life. Habang ang binata ay mariin lang nakikinig sa kanya.
" How about your love life? Do you have someone in your heart? " he asked seriously.
Nalilito siya kung anong dapat na isagot. Pwede namang YES or NO lang, pero pag si Gavin nag tatanong ey hindi niya na alam ang sasabihin.
" Ahmm. . . I- - "
" Mommy , daddy, uwi na po tayo, "
Di niya na natapos ang sasabihin nang biglang sumulpot si kellah. Nakahinga siya ng maluwag. At kaagad na itinuon ang atensyon sa bata.
" Baby, may work pa si Daddy sa office, at si Mommy babalik din sa work. . So, ihahatid nalang kita sa bahay ninyo, okay? Si Yaya Neng muna ang bahala sayo, understand? "
" Okay po, Mommy Maureen. . " anito at bumaling sa ama. " Bye bye po, daddy. . I'll see you later, okay? "
" See you later, my princess. " he kiss the cheeks of this kiddo.
" kiss din po kayo ni Mommy,. . He he he. . "
Napatingin sila sa isa't isa. Ang akala niya ay hindi susundin ni Gavin ang hiling ng bata, pero nagkakamali siya dahil isang quick sweet kiss ang ipinukol nito sa labi niya na siyang ikinabigla niya.
" G-Gavin. . . " sambit niya.
" I'll see you soon, Mommy. . I love you. " anito at dinampian sila Ni Kellah ng halik sa noo.
Naiwan siyang natameme sa ginawa at sinabi nito. Umalis na si Gavin, pero siya ay parang na estatwa sa kinauupuan.
" Mommy! Are you okay? " inosenteng tanong ng bata.
" y-yeah. . . Ahm, let's go? "
Tango lang ang itinugon sakanya. Lumabas na sila at sumakay sa kotse niya.
• • • • • ~
ONE WEEK later. . . .
NASA may pasilyo na si Ariel malapit sa opisina ni Maureen nang makita niya itong busy sa kausap sa telepono habang ngumingiti pa. Bigla siyang na curious kaya sinundan niya ito pababa sa ground floor.
Sinalubong ng dalaga ang isang delivery boy na may dalang bouquet ng American White Roses.
Lumapit siya ng konti para mapakinggan ang anumang dapat niyang mapakinggan. Hindi naman siya nito napapansin kaya tinodo niya na ang pakikinig.
" Ma'am may ipinadeliver po sa inyong bulaklak. Paki receive nlang po. "
" oh sure. " anito at mabilis na pinirmahan ang resibo. Kinuha na nito ang bulaklak at umalis na ang delivery boy.
" Yes baby, I already received the flowers. Ang ganda naman nito. Thank you so much, baby. " malambing na wika nito sa kabilang linya.
Sino bang kausap nito? Siguro si Billy ang tinutukoy nitong BABY! - - - -
Naputol ang kanyang iniisip nana mamataan si Billy sa tapat ng Elevator at wala itong hawak na telepono. Kaya mas lalo siyang na curios.
Kung hindi si Billy? Sino?!
" Yes, baby. I love you too, see you soon. . Muah muah chup chup. . "
Nagkasalubong ang kilay niya ng marinig ang sinabi nito.
Does Maureen having a boyfriend for real?! Sino naman ang mokong na yun?!! At bakit parang ang saya saya ni Maureen sa kausap nito sa telepono?! Hmmmmp! ! ! Nakaka high blood! Maka alis na nga lang.
• • • • • •
KANINA pa nakatanaw si Maureen sa bulaklak na natanggap niya kanina. Ang sweet naman kasi at thoughtful ni Kellah. Nagpasama pa talaga ito kay Yaya Neng para lang bumili at ipadeliver ang bulaklak sa kanya.
" Special flowers from special someone? "
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. It was Ariel, nakasandal sa pintuan.
" Hmmmm, May kailangan ka Mr. Chairman? "
" Yes, "
" ano yun? "
" Have a dinner with me tonight. "
Napataas ang kilay niya. " Ang asawa mO nalang ang yayain mo. Baka girahin ako nun. "
" It's a private date, Maureen. "
" Hmmmmm. . . "
" Kung papayag ka, Meet me at the Rooftop, 8pm. See you, "
Tumango lang siya at umalis na ito.
She was going to put her phone in the table nang bigla itong maka receive ng message and it was from Gavin.
" Hi Mau, Ahm . If your not busy tonight, can you stop by at my house? Umiiyak kasi si Kellah, she wants to see you so bad. Dito ka nalang din mag dinner, We'll see you later at 8pm. "
Basa niya sa message nito. Napakamot siya sa ulo. Bakit ba naman kasi mag kasabay pa ang mga ito kung magpapa appointment sa kanya. Nalilito tuloy siya kung sino ang sisipotin niya.
BINABASA MO ANG
Chairman's Magdalene 👄 ∆ R+18 ∆
RomanceShe's Wild, Bold, Seductive, Innocence doesn't match her characteristic. A one night stand with the Chairman can change their lives forever. Isang nakaraan ang mahahalungkat ng dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.