NAPAHINTO si Billy sa may pasilyo ng Mansion nang makita niyang nag uusap sina Chelsie at Madeline. Kinuha niya ang kanyang cellphone at pasekretong kinuhanan nang video ang mga ito habang nag uusap.
" Ano bang nangyari sayo kahapon? "
" Sinugod lang naman ako ni Maureen dito para bwesitin ako! Nakakainis talaga ang babaeng yun. . Dinalhan ba naman ako ng ahas at ipinulupot sa akin?! . Inilaglag niya pa ako mula sa wheel chair, kaya ayun napasubsob ako sa sahig, at hindi lang yun, bago siya umalis, kinuha niya pa ang wheel chair ko at inihagis sa swimming pool! "
" Woaah, grabe naman ng kakambal mo, galit na galit talaga sayo ah, . . Hmm ikaw kasi ey, nanahimik na yung tao ginalit mo pa! "
" wala akong pakialam! And you know what? Hindi niya deserve maging masaya! . . Kaya, hindi ko aaminin na ako talaga ang nagnakaw sa flash drive ni Gavin, hahaha! Hahayaan ko siyang magdusa dahil yun ang nababagay sa kanya!. . And dapat walang ibang makakaalam na nakakatayo naman talaga ako, dahil acting lang naman ang pagsakay ko sa wheel chair! parang Gloria Arroyo lang ang peg! Hahahaha. "
Pagkawika niyon ni Maddy at ini.stop niya na ang video at maingat na umalis sa pasilyong iyon. Tinawagan niya si Maureen nang makasakay na siya ng sasakyan.
" Hello, Billy ? "
" Hello, magkita tayo mamayang gabi, may mahalagang ebidensya akong nakuha laban kay Madeline. "
Narinig niya itong napasinghap sa kabilang linya.
" Salamat, Billy, malaking tulong yan para malinis ang pangalan ko. "
" Oo, " he hang up the phone at pinaandar na ang sasakyan.
• • • • •
BAGO dumiretso ng uwi si Gavin ay dumaan muna siya sa milktea shop para magpalamig ng ulo. Suddenly, he saw Billy & Maureen talking at the corner. Mukhang seryoso ang pinag uusapan ng dalawa.
Umupo siya sa isang sulok kung saan malayo sa pananaw ng mga ito. Nakita niyang hinawakan ng dalaga ang kamay ni Billy habang walang kasing tamis na ngiti ang pinagsasaluhan ng mga ito. A part of him, feels jealous at hindi niya naman maitatanggi yun. At ilang sandali lang ay umalis na rin ang mga ito.
___
Pagkauwi niya ay nadatnan niya na naman si Kellah na umiiyak habang yakap yakap ang litrato nilang tatlo ni Maureen. Hindi niya maiwasang maawa sa bata, paano ba naman kasi, simula nang umalis si Maureen ay nawalan na ito ng sigla. Palagi nalang nakamukmok sa isang sulok o di kaya ay walang humpay sa pag iyak . Nangangayat na nga ito ng konti dahil walang gana sa pagkain.
Nasanay na kasi ito kay Maureen kaya ngayon hindi niya na alam kung anong gagawin para makalimutan lang nito ang dalaga.
Nilapitan niya si Kellah at hinagod ang likod nito.
" baby, tahan na. . "
" Daddy, miss ko na po si Mommy. " anito habang humihikbi.
" Baby, she's not your Mom, I mean temporary lang yun na mommy mo siya, hindi ba? . . Let's move on, we can live our life without her, like before, right? "
" bakit daddy. . Kaya mo bang mabuhay na wala si mommy maureen sa tabi mo? . . Diba you love her? . . Hindi mo ba namimiss si mommy? "
Parang maiiyak siya sa tanong nito.
" kakayanin ko anak. . . " aniya at niyakap ang bata. Hindi niya na tuloy mapigilan ang mga luhang gustong kumawala.
_____
BINABASA MO ANG
Chairman's Magdalene 👄 ∆ R+18 ∆
RomanceShe's Wild, Bold, Seductive, Innocence doesn't match her characteristic. A one night stand with the Chairman can change their lives forever. Isang nakaraan ang mahahalungkat ng dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.