👄 Chapter 43 👄

3.6K 51 2
                                    

NAG uusap sa labas ng kanilang bahay si Madeline at Maureen. Kakagaling lang kasi nilang mag jogging nang bigla nalang may dumating na itim na van. Lumabas mula dito ang mga naka bonet at armadong mga lalaki saka sila pwersang isinakay sa sasakyan. Hindi na sila nakapalag pa at tuluyan nang nagdilim ang kanilang mga paningin.

_____

" AYOS to boss ah, tiba tiba tayo ngayon. Mayayamang negosyante ang mga kamag anak at kaibigan ng mga ito. Kaya lubos lubosin na natin ang pag hingi ng ransom. "  wika ng isa sa mga tauhan ng isang sindikato ng kidnap for ransom.

Walang malay na inigapos nila ang dalawang bihag sa dalawang upuan. Nasa isang abandonadong gusali sila ngayon.

" Boss, tawagan mo na ang tatay ng mga yan. " 

" Mamaya na, Gago! WG kang excited! Bantayan niyo ng mabuti ang mga yan, pag nakatAkas ang mga yan, malilintikan kayo sa akin! Nagkakaintindihan ba tayo?!! "

" Opo!! "

______

NAPAPUNTA si Gavin sa bahay nila Maureen dahil hindi pa kasi ito tumatawag sa kanya. Hindi rin ito sumipot sa date nila kaya nagtaka na siya kung nasaan ito ngayon.

Nadatnan niya si Mr. Delgado Na dial ng dial sa telepono. Napalingon ito ng mapansin siya saka ibinaba ang teleponong hawak.

" Magandang hapon po, nandito po ba si Maureen? " magalang na tanong niya.

" Wala si Maureen dito tsaka si Madeline, nag paalam sila kanina na mag jogging lang pero hanggang ngayon ay hindi pa sila bumabalik. Tinatawagan ko ang telepono nilang dalawa pero out of coverage area. Hindi ko na alam kung nasaan ang mga anak ko. Kinakabahan ako Hijo. "

Dahil sa narinig ay kinakabahan narin siya. " ahm, ganun po ba, sila Billy at Ariel baka alam nila kung nasaan ang kambal. "

" natawagan ko na sila, pero negative. Papunta na nga sila dito dahil nag aalala sila sa dalawa. " 

Ilang minuto ang lumipas ay sabay na dumating ang mag pinsan. At nadatnan sila nitong nakaupo sa sofa habang nag aalala ang mga mukha. Hinihintay nila ang tawag galing sa kambal pero gagabi nalang yata ay walA parin silang natatanggap nA tawag.

" Tito Samuel, humingi na po kaya tayo ng tulong sa pulis? " suggest ni Ariel.

" Oo nga po, baka kung napaano na sila. " sang ayon naman ni Billy.

" Tama po sila. " segunda naman niya.

Napa buntong hininga ang matanda at bagsak ang mga balikat na napayuko.

" hintayin pa natin. "

Saglit pa'y nag ring na ang cellphone nito Mabilis itong dinampot at sinagot ng matanda saka ni loud speaker kaya ngayon ay rinig na rinig na nila ang nasa kabilang linya.

" Hello? "

" Nandyan ba ang tatay nina Madeline at Maureen? " isang  baritonong boses ang nasa kabilang linya.

" Ako ito, bakit? Nasaan ang mga anak ko?  Sino ka? "

" Oh, ikaw pala yan Mr. Delgado. Alam mo na sigurong nawawala ang mga anak mo. "  natatawang wika nito.

" Hayup ka! Sino ka ha?!! Nasaan ang mga anak ko?! "

Mas lalo itong napahalakhak.  " Hahha!! Boss ako ng isang sindikatong kidnap for ransom! Kaya ngayon, alam mo na sigurong kinidnap ko ang mga anak mo. "

" Hindi ako naniniwala sayo! "

" Sige, kung gusto mo ng pruweba, oh eto ha pakinggan mo.  "  saglit pa'y ibang boses na ang naririnig nila. " Pa, tulungan ninyo kami ni Madeline, pa.. " umiiyak na wika ni Maureen sa kabilang linya.

Chairman's Magdalene 👄   ∆ R+18 ∆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon