Panimula.

269 25 14
                                    

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==

Panimula ..

Sa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana.. sana..

Pero kung mag mamahal ka, Tanggapin mo na lang kung sino at ano siya. Like what he/she did for you.

© All rights reserved. benggayxx.

**

" Ano ba ang Nangyari at Nag-aaway na naman kayo Ni Stella? " Tanong sa akin ni Mama. Nakakainis kasi si Stella. Gusto niya Palaging Siya na lang ang masusunod sa lahat ng bagay. Bestfriend ko siya at parang mag kapatid na ang turingan namin sa isa't isa.

" Mama! Ayaw ko nang pag-usapan siya. Nakaka bwiset. "

" Foreina! Hindi kita Pinalaki ng Ganyan! Umayos ka! " sigaw sa akin ni mama. Naiinis kasi ako kay Stella. Gusto niya kasing mag punta kami sa bahay ng Boyfriend niya pero Hindi ko siya sinamahan dahil Puro lampungan lang naman sila kapag nasa bahay sila nila Alex ( 'yong Boyfriend ni Stella ).

" Wala mama. Wag mo nalang isipin 'yon. " Umalis na ako. nag punta ako sa Bukiran namin Para Makalanghap ng sariwang simoy ng Hangin. Taga dito lang si stella malapit sa Bahay namin. Sila alex naman taga Dapitan. Kaya Luluwas pa kami para lang maka punta don. Dapat nga si Alex ang dapat na Mag Punta kila Stella eh! Hindi 'yong palaging si stella ang Dadalaw.

Naalala ko si Warren. Nag break kami Last Year sa kadahilanang Nalaman niyang Mahirap lang kami at Nag hanap na siya ng iba.

Porke't ba Mayaman sila? May gana na siyang Maliitin kaming mga Mahihirap? SANA kasi Mayaman na lang kami. Ang Papa ko, Nag tatrabaho lang sa Bukid. At 'yong mama ko naman nag titinda dito sa Barihan ng Mga Gulay Gulay.

Nilalasap ko ang simoy ng Hangin aaahhh Humahampas na Sa Mukha ko ang hangin sa sobrang lakas ng Hangin dito.

* Pew * may sumipol na lalaki na may kasamang babae. Nilingon ko sila  pero naka talikod lang sila.. Mga Kabataan lang din sila.. Teka, tumayo ako at Hinarap ko sila. Nabigla ako sa Nakita ko. Pati siya ay Nanlaki ang Mata dahil nakita niya ako. 'Yong babae naman ay Halatang nag tataka dahil Naka Taas ang isa niyang kilay. Mukhang Mataray. Siguro girlfriend niya ito. Siya sigurado ang ipinalit niya sa akin.

" WARREN? " Gulat na Tanong ko sa kanya. Napangisi siya at inakbayan niya si Ategirl. So ipinapamukha niya pa talaga sa akin na May Girlfriend siyang Maganda at Sexy? Maganda at Sexy din ako! At maganda din ang hubog ng katawan ko pero Mahirap lang talaga kami!

" Foreina, She's my Girlfriend. Mayaman siya na Kagaya ko. At hindi siya kagaya mong Laki sa Hirap. " Ngumisi si Warren at Hinalikan niya sa Pisngi 'yong girlfriend niya.

" Hello, Foreina? I'm Jazzy. So ikaw pala 'yong naikukwento sa akin ni Warren na Laki sa Hirap? How poor. " ngumisi siya at Inirapan ako. Hindi na ako makapag timpi sa kanila. PINAG UNTOG ko silang dalawa at napa aray sila sa Ginawa ko.

" Ikaw Warren? Alam mo, gwapo ka naman talaga eh! Kaso lang napaka Punyeta ng Ugali mo! At pwede ba? Wag mong ipamukha sa akin na Mahirap lang ako. Oo! Mahirap lang kami pero Hindi lahat ng tao mamamatay ng mahirap. Mag sisikap ako para Maangatan ko kayo! " Nag walk out na ako. Na iimbyerna na ako sa kanila dalawa. Naririnig ko 'yong tawa nilang dalawa. Mga sira Ulo lang. Hindi ko aakalain na mag kikita kami ni Warren. 1 year na ang nakalipas at Talagang Pinag tagpo pa talaga Kaming Dalawa? Nang aasar ka ba Tadhana para Ganituhin mo ako? Nasaan ang Hustisya?

" Foreina.. Sorry sa inasalko sayo Kahapon ha? " Narinig ko ang malamig na Boses ni Stella. Nandito pala siya sa Likod ko. Nilingon ko siya at Ngumisi ako.

" Ikaw kasi eh. Ayos lang 'yon. At wag kang nag pupunta madalas doon kila Alex. Baka kung ano isipin sayo ng mga tao don. "

" Sige. Sorry Talaga Rena. " Niyakap niya ako at Hinalikan ako sa Pisngi ko. Ganyan kaming mag kaibigan eh. Para kaming mag jowang Tomboy. Parehas lang kami ng Estado ng buhay ni Stella, pero may Goal kaming dalawa na Pag sisikapan namin ang Lahat ng bagay para matupad namin ang Lahat ng mga Pangarap namin sa Buhay.

Sana Maging Maginhawa ang Buhay namin. Sana Mabigyan ko ng Magandang Kinabukasan ang nga Kapatid ko. At Sana Bago mawala ang mga Magulang ko, mabigyan ko manlang sila ng Napaka laking Karangalan na Makakamit ko dahil susuklian ko ang Bawat Hirap sa Pag aaruga na ginawa nila sa amin mabuhay lang kaming mag kakapatid. Tatlo kaming mag kakapatid. Ako ang panganay kaya ako ang inaasahan nila mama. Hindi ko hahayaang tapak-takapakan lang kami ng kahit na sinong tao dahil mahirap lang kami, Bagkus, tutulungan ko ang sarili ko Upang umangat kami sa Estado ng buhay namin.

CONGRATULATIONS SA MGA READERS NA NAI-IMAGINE ANG STORY NA 'TO. KEEP VOTING!

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon