Kabanata 20.

78 11 0
                                        

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
Manhid..

" Good Morning sa inyo, Ma. " Bati ko kina mama habang sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Ngumiti sila sa akin. At Wala pa ding pag kain na naka handa sa hapag kainan. Bigla namang may kumatok sa pintuan namin. At sino naman 'yon? Ang aga aga naman niyang mambulabog.

Lumaki ang mata ko nang buksan ang pintuan " T-tita Letlet? "

Naka ngiti niya akong sinalubong na may kasamang mahigpit na yakap. Namiss ko ng sobra itong si Tita Letlet. Ilang taon kaming hindi nag kita at ngayo'y nandito na naman siya sa pinas. Marami siyang bitbit na bagahe. Siguro'y dito na siya titira. Ngunit hindi kalakihan ang bahay namin.

"Ate Beth! i miss you so much! " Bati niya kay mama. Binati niya din sina Liza at pumwesto siya sa upuan.

" Kailan ka pa naparito? " Tanong ni mama habang pinag titimpla siya ng kape.

" Yesterday. Na-Surprise ko kayo no! Actually, plano ko din talagang Sorpresahin kayo dahil matagal ko na kayong hindi nakikita ng Alaga ko noon. Dalagang dalaga na siya ah! " Ani Auntie Letlet sabay tingin niya sa akin.

" So, Dito ka na ba mag stay? " Tanong ni mama.

" Yes. I will Renovate your house sis. " Nagulat kami nila mama at niyakap niya ng mahigpit si Auntie letlet. Sobra ng pasasalamat namin sa kanya. NAg papadala siya ng pera dito, tapos ngayo'y ipapagawa niya ang bahay namin?

" Nasaan Auntie 'yong FORINJER mong asawa? " tanong ko at ngumiti siya sa akin. Kinilig pa yata.

" Nasa Texas. He's Handling his J.Shine Company. Busy siya sa work niya. Dito na ako mga 2 to 3 years. " Aniya. Kumain na ako agad nang mag lapag na ng pag kain sa hapag kainan si mama. Umalis naman si Tita letlet at may kinuha siya sa bag.

" Ate, Heto oh T-shirts niyo. Tigi tigisa kayo. Tsaka may mga pag kain din ako sa bagahe ko. " Ani Tita Letlet. Kinuha namin ito at Nag pasalamat kami sa kanya at pinag patuloy ko na ang pag kain.

" Kamusta ang Studies? Ganda mo Foreina, Dalagang dalaga ka na. May Boyfriend ka na ba? " Sunod sunod na tanong sa akin ni tita letlet. Ako? May BOYFRIEND? D U H ! Wala!

" Okay naman po ang studies ko, pero 'yon lang minsan pahirapan. Pero wala po akong boy friend. " sagot ko habang kumakain.

Ngumisi siya. " Okay. " tipid niya namang sagot.

Maliligo na ako para makapasok na ng maaga.

" Alis na ako ma, pa, Tita Letlet. " Nag bow ako at palabas na Sana ako pero Bigla akong Tinawag ni tita letlet.

" Heto isang libo Pang isang Linggo. " aniya at Iniabot niya ang Isang Libo sa aking kamay. Hindi ko Ito tinanggap. Nakaka hiya..

" Sige na.. Pambawi ko manlang sayo ng ilang taon na pag kawala ko dito. I miss you so much, Ena. " Aniya sa akin at ibinalik niya sa akin ang isang libo. Ngumiti na lamang ako at nag pasalamat.

" Bal! Tara na! " Aya ko sa kanya. Malata pa din siya at Namumugto pa rin ang kanyang Mga Mata. Tahimik kaming nag lalakad hanggang Sa Makarating kami ng Angeles University.

" Oh? Ano bang nangyari dito kay Stella? Nakakapanibago ah? " Salubong sa akin ni Trouver. Ngumiwi ako at tinignan ko ng diretso si Trouver.

" W-wala na sila ni Alex. Kahapon pa, Nahuli kasi namin na May babae nga si Alex. " sagot ko. Napa iling siya sa akin at Binaling niya ang tingin niya kay Stella na Naka dukdok sa Desk ng kanyang Upuan.

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon