Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Sorry...
Nandito na kami ni stella sa May Angeles University. Half day kami ngayon dahil isasagawa ng mga teacher ang kanilang pag mi meeting. Nandito kami sa room. Wala pa din si trouver. Baka nakipag date pa siya sa Girl friend niya. :3
" Hello? " may kausap sa Cellphone si Stella. Siguro si Alex 'yon. Pakikinggan ko nga ang usapan nila. Hindi naman ako tsismosa eh. Wahaha!
" Oh Bakit? " naka ngiti siya habang may kausap sa cellphone.
" Yiee. Miss na din kita Babe. " Jusko kalantod. Si alex nga ang kausap niya.
" Sigesige. Sunduin mo ako bukas. Mga limang rounds talaga? Kaya mo? Wahahaha! " ano naman kayang topic ng dalawa ito? Nakoo. Ako lang ba ang nag iisip ng marumi o baka naman Iba lang talaga Pinag uusapan nila?
" Sige sabi mo yah ah! I love you too! " ngiting ngiti ang luka. Nako naman po. Tumingin sa akin si Stella at Ang laki ng ngiti niya.
" Kanina ka pa ba Nakikinig sa usapan namin ni Alex? " naka ngiting tanong niya.
" Uhh.. hindi naman. Napa tingin lang ako. Mukhang Enjoy na enjoy kang kausap si Alex eh. Hahahaha! " natatawang sambit ko sa kanya.
Natahimik siya at humawak siya sa pangalawang Likod niya habang naka ngiti.
" Oh bakit natahimik ka diyan? At parang Namumula ka? " Sarcastic na tanong ko sa kanya.
" W-wala lang " Mahinahong sambit niya. Nandito na si Trouver at Mukhang Puyat siya. Umupo na siya sa may likuran namin At Dumungaw siya sa May libro niya. As usual, wala pa din kaming Pansinan.
" Bal, Sabado na bukas di ba? " Tanong niya sa akin habang naka ngiti.
" Oo. Bakit? "
" W-wala. Aalis kasi Kami ni.. A-alex eh. Hehehe. A-Alam mo na, date, ganon.. Hehehe! "
Inirapan ko na lang siya at hinampas ko 'yong noo niya. Napahawak siya sa noo niya at sinimangutan niya ako.
" bakit mo ako hinampas? " Nag pout siya at dumukdok sa Desk.
" nako ikaw. Mag behave ka lang ano? " Tinaasan ko siya ng kilay At Tumawa siya.
" Oo naman! Kung anu-ano namang iniisip mo.. Kanina kasi tinanong niya ako kung Payag daw ba akong Mag Unli foods kami bukas. De sinabi niya Limang rounds o plato daw ta try niya. Wahaha! Edi ayon tinanong ko siya kung Talagang kaya niya ng Limang rounds. "
Akala ko kung ano na 'yon eh. Gusto kong sumama para mabantayan ko sila.
" Isama mo ako. " sambit ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at Tinaas niya ang isa niyang kilay.
" bakit naman? Wala ka bang tiwala sa amin? "
" Meron naman. Wala hindi ba pwede 'yon? "
" Itatanong ko nalang muna Kay Alex. Mamaya Tatawagan ko siya. " Kumindat siya sa akin at ngumiti. Kinurot ko 'yong siopao niyang pisngi at Kinagat ko ang labi ko. Dumating na 'yong teacher namin at Nagsi tahimikan na ang mga Kaklase namin.
" Good Morning Class! " Bati niya sa amin.
" Good Morning Mr. Mannie Hue Bhad! " bati naman namin sa Kanya. Umupo na kami at Inayos namin ang mga Upuan. Siya ang A.P Teacher namin. Isa sa mga nakaka antok na Subject. Pinaka Favorite subject ko talaga is English. Tumingin ako sa likod. Nakikinig si Trouver sa teacher namin pero si Alvin naka tingin siya sa akin at ngumiti siya. Siguro siya 'yong nag bigay ng letter sa akin. Hindi ko siya nginitian dahil wala ako sa mood makipag ngitian. Binaling ko na lang ang tingin ko sa discussion ni sir Para makapa kinig ng tinuturo niya sa amin.
-
Tapos na ang A.P subject. Recess na namin at nag stay na lamang kaming dalawa ni Stella dito sa room. Hindi din lumabas si Trouver, Tumitingin-tingin siya sa amin ni stella pero hindi ko siya pinakitaan ng kahit na anong face expression.
" Bal, Hindi ka ba nagugutom? " Tanong ko sa kanya.
" Hindi. Bakit? ikaw ba? nagugutom ka na ba? "
" Hindi din. Dito na lang tayo. " Sambit ko sa kanya. Tumango siya at pumindot-pindot na lang siya sa Cellphone niya. Busy siya kaka text kay alex. Hays. Wala akong magawa dito eh dumukdok na lamang ako sa desk ng upuan ko para umiglip. May kumalabit sa akin, Nakita ko si trouver na naka tayo sa harap ko habang seryoso ang mukha.
" Bakit? " tanong ko sa kanya habang naka pout ako at nag kibit balikat ako. Tinignan ko naman si stella, seryosong naka tingin sa aming dalawa ni Trouver.
" Sorry about what happened Yesterday, Stella and Foreina. "
Nag so-sorry siya dahil sa nangyari kahapon? Walang kaso sa akin 'yon dahil wala naman siyang kasalanan dun eh. Hindi niya lang naman nasabi sa amin na pina bibigay lang din 'yon sa kanya. Tinignan ko si Stella na nag kibit-balikat at naka taas ang kilay.
" Ayos lang 'yon Trouver. walang kaso sa akin 'yon. Ewan ko lang dito kay stella? " Tinignan naming dalawa ni Trouver si Stella, Namula siya at ngumisi.
" O-Okay lang, Trouver. Sorry din k-kahapon. " Nahihiyang sambit ni Stella. Yumuko siya at halatang nahihiya siya dahil sa eskandalo niya kahapon.
" Sige 'yon lang. paumanhin sainyo, binibini. " Ngumisi siya at kinindatan niya kami. Waepek ang pag kindat niya! Duh! tinignan ko naman 'tong si stella, kinikilig yata kay Trouver eh! Natulala siya at ngumingiti-ngiti pa.
" Oo nga pala. tatawagan ko si Alex. " Mabuti at pinaalala ni stella. tinawagan niya si alex pero hindi niya ni loud speak. Kaya pakikinggan ko na lang ang mga sasabihin ni stella.
" Babe? "
" Pwede bang isama natin si Rena Bukas? " tinignan ako ni stella at sumimangot siya. Mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ni Stella.
" A-ah, Sige. See you tomorrow na lang. Bye! I love you! " binaba na ni Stella 'yong call at tinignan niya ako habang naka simangot siya. Tinaasan ko siya ng kilay.
" Ano raw sabi ? " tanong ko sa kanya habang naka ngisi.
" A-ano.. Hindi siya pumayag eh. " Sambit niya. Ngumiti ako at kinurot ko ang pisngi niya.
" Sige. Enjoy your date! Uwian mo ako bukas ah! " Natatawang Sambit ko sa kanya. Niyakap niya ako at hinalikan ako sa pisngi ko.
" Akala ko galit ka eh. Huhu! "
" Ang arte mo. Lalo kang pumapangit. " Pang-aasar ko sa kanya. Tumawa siya at hinampas ako. May Last subject pa kami, Math na ang next subject Aissh! Dumating naang teacher namin . Binati namin siya at umupo na kami.
" Please pay 1 peso for these papers. "
Sambit ni ma'am. What?? May quiz na? eh hindi pa kami nakaka pag review! bwisit na Surprise quiz 'to. Nag react 'yong iba naming classmates dahil biglaan lamang ang quiz na ito. Sana madadali lang ang Problems! Nakaka sira din ng ulo ang pag sosolve sa mga problems dito sa math eh! Parang sa Pag-ibig, Nasisira na ang ulo mo kakaisip kung paano mo masosolusyonan ang Problema niyong dalawa para maging maayos ulit ang pag sasamahan niyo. Ops. Tama na baka bumagsak ako sa math. Dibale nang bumagsak sa'yo, wag lang sa math. Tama na aish!
Love - 100
Math - 60
Baka maging ganyan ang grade ko WAHAHHA! Asar eh. Binuklat ko na ang papel ko at boom! madadali lamang ito kaya nasagutan ko na ka agad ng maayos. 30 minutes lamang namin itong sasagutan at 1-5 lamang ito. pero 5 points each siguro...
" Okay class! time's up! Pass the papers Forward. " Pinasa na namin ang mga papel at Nag paalam na si Ma'am Natyphus. Uwian na namin kaya binitbit na namin ang bag namin at Nag lakad na naman kami pauwi.
CONGRATULATIONS SA MGA READERS NA NAI-IMAGINE ANG STORY NA 'TO. KEEP VOTING!
BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Novela JuvenilSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...