Kabanata 35.

51 4 0
                                    

Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^

==
Kabanata 35: I Present To You

Foreina's POV

" This is it trouver. Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo. Oo, trouver mahal kita, Marami pa tayong mapag dadaan sa buhay natin. I know no one can break us apart. Alam kong mahal natin ang isa't isa at alam naman natin na marami pang pag subok ang mangyayari sa buhay natin. Pero alam kong sabay natin 'yon lalabanan. Mamahalin kita hanggang sa abot ng makakaya ko. I love you more than anything else. You're my Superman and I'll be your wonder woman! I love you Trouver. Alam kong birthday mo ngayon, Binibiro lang kita kanina. Ginagantihan lang kita dahil kahapon ay napa luha mo ako. Alam mo naman na pikunin ako hindi ba? At ngayon.. Hayaan mo sanang bumawi ako sa'yo. Ito na ang pinaka hihintay mo.. Moo.. OO Sinasagot na kita we're now official. "

Then i kissed his lips again. Sobrang saya ko dahil nasabi ko na sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Official na kami at alam kong marami pang kabanata sa buhay namin ang mga mangyayari. Ito na ang umpisa at umaasa na ako na Sana siya na ang Huli ko.

Kumalas na kami sa pag kakahalik at tinitigan ako ni Trouver ng seryoso. Kumirot na lamang ang puso ko nang makita kong may luha nang dumadaloy sa mga pisngi niya. Alam kong sobrang saya niya dahil sinagot ko na siya. Alam kong napasaya ko na ang birthday niya. Tiniis ko kanina na balewalain ang pag bati sa kanya, mahirap din sa akin 'yon pero wala eh, nangingibabaw ang pag ganti, pinaiyak niya ako kahapon eh na akala ko'y naka buntis talaga siya.

Alam kong hinihintay niya na batiin ko siya ng ' Happy Birthday ' pero hindi lang ganun ka igsi ang pag bati na gusto kong ibigay sa kanya. Gusto ko 'yong tiyak na magiging unforgettable para sa kanya.

" Foreina, I'm so glad na hindi mo naka limutan ang birthday ko. I thought you forgot my special day but i'm wrong. " Aniya sa akin. Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya. Ngayon lang ako nakaranas ng iniiyakan ako ng isang lalaki. Sabagay, Pangalawa ko pa lang naman si Trouver at bihira na sa mga lalaki ang iniiyakan ang isang babae.

" Ikaw? Maka limutan ko? Never. Mahal na Mahal kita trouver at hindi ko kayang kalimutan ka, lalo na ang pinaka espesyal na kaarawan mo.." Tugon ko sa kanya na ikinalawak ng ngiti niya. Niyakap niya ako ng sobra na halos hindi na ako makagalaw dahil sa sobrang higpit.

" I didn't expect na Ngayon mo ako sasagutin. Plinano mo ba 'to, Babe? " Tanong niya sa akin habang tumatawa. Actually, parang ganun na din.

" Oo. Ata. Pero alam ko naman na Napasaya ko ang birthday mo, hindi ba? Bawing bawi na ako sa'yo. " Ngumuso ako pero kinurot niya ang nguso ko.

" Hahaha! Mukha kang bibe. Tara ipakikilala na kita sa mga bisita ko. " Sambit niya sa akin. Ngumiti na lamang ako at sumunod sa kanya. Dinala niya ako sa sala kung saan marami ng tao. Pumunta si Trouver sa Gitna at Inagaw niya ang attention ng lahat. Bali lahat ng tao ay naka palibot sa kanya. Pumwesto ako dito sa harap para kitang kita ko si Trouver.

Tahimik ang Lahat nang maagaw ni trouver ang atensyon nila.

Tumikhim si Trouver at Tumayo ng diretso

" To all those who are here... I'm so glad that you're Here. Ngayong araw ang pinaka espesyal na kaarawan ko. Tumanda na naman ako ng isang taon at ang laki ng pasasalamat ko sa Panginoon dahil umabot pa ako sa ganitong edad. Ladies and Gentlemen, i would like to introduce to you, "

Tinawag niya ako at lumipat ako sa Tabi niya

" My girlfriend, Foreina Kate Suarez " Niyakap ako ni trouver saglit at Ngumiti siya sa mga taong narito. Maraming nag tilian at nagpalakpakan.

Sana Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon