Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Unang ArawNaligo at nagbihis na ako para pumasok na sa Angeles University. Public school lang ang pinapasukan ko. Mukha lang yayamanin dahil sa Pangalan ng University. Pinuntahan ko muna si Stella sa kanila dahil palagi naman kaming sabay pumasok nun sa A.U.
" Tao po! " Kumakatok ako sa pintuan ng bahay nila at pinagbuksan ako ng pinto ng Tatay niya. Nag bless ako at pinapasok niya ako sa loob.
" Hija hintayin mo lang si stella at nag bibihis na siya. " sambit sa akin ng tatay niya. Maliit lang din ang bahay nila Stella dahil nga mahirap lang kami. Wala ang nanay niya dahil nag titinda ang nanay niya ng mga tsinelas na nilalako niya lang sa labas. Maganda at matalino din si stella kagaya ko. Mabuti nga at hindi siya iniwan ni alex noong nalaman ni alex na mahirap lang sila Stella. Sana sa susunod kong magiging boyfriend, Tanggapin niya din kung ano ang mayroon lang kami.
" Foreng, Tara na. " Sambit ni Stella sa akin pag kalabas niya ng kwarto niya. Nag paalam na kami sa tatay niya at nag tungo na kami papunta sa Angeles University. Malawak ang University na ito at maraming mag aaral ang nahuhumaling dito. Marami kasing Gwapong nilalang na nandidito. Maski nga mayayamang tao nandito din dahil maganda nga dito sa AU. Mala private ang dating nito.
" Bro, Ang ganda nung dalawang babae oh. "
May narinig akong lalaki na nag salita. Nilingon ko siya at nakita kong ngumiti siya sakin. Ini-snob ko lang siya dahil ayaw ko namang makipag ngitian ng plastik sa mga hindi ko naman kakilala. Napatingin din sa akin 'yong kasama niyang lalaki at ngumiti sa akin. Ew! Hindi naman mga gwapo eh! Dumiretso na kami sa Room namin. Pinag titinginan kami ng mga Kaklase namin. 'Yong ibang kaklase namin ang Sasama ng Tingin. Umupo kami sa Tabing binta ni Stella. Ang iingay ng mga Kaklase namin. May nag babatuhan ng papel at may Nag sisigawan. Akala mong May Fiesta eh.
" NANDITO NA SI MA'AM BUCKOL! " Sigaw ng Kaklase naming Lalaki. Kahit first day of School namin, parang mag kakakilala na sila sa sobrang ingay. Dumating na si Mrs. Buckol at naka kunot ang noo.
" Okay class. I am Mrs. Malacky Buckol. I'll be your English Teacher. And i'll be your adviser. Understood? " Tumaas ang isa niyang kilay.
" I don't want to hear any tagalog words from my Subject. This is English and not Tagalog. Okay? " Mataray na sambit sa amin ni Mrs. Buckol.
" Yes Ma'am Big Bukol On Head " Sambit nung isang lalaking classmate namin na Loloko-loko. Biglang nag lisik ang Mga Mata ni Ma'am Buckol at Nilapitan niya 'yong Nanloko sa kanya.
" Get out of my class! And please bring your parents here before this week ends! " sermon sa kanya ni Mam. Lumabas 'yong Lalaki habang tumatawa. Nay sira ata ang ulo niya eh. Tinignan ko 'yong mga kaklase ko at Natatawa sila sa nangyari.
" Class, We need class officers so choose your President, Vice President, Secretary.. Puruchuchu " Nag pakilala muna kami isa isa para Makilala namin ang isa't isa.
Nag simula nang mag elect ng mga Officers hanggang sa makarating na sa Muse.
" Who's our Muse? " Tanong ni Ma'am Buckol. Tumingin siya sa akin at Sa Isang kaklase naming babae na maganda din. Sana ako na lang ang maging muse. May isang estudyante na nag taas ng kamay para mag nominate ng isasali bilang muse.
" Yes Alvin? " Tanong ni Ma'am.
" I Nominate Foreina Kate Suarez to be the Muse " Umupo siya sa upuan niya at Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako sa kaniya.
nag taas din ng kamay si Cheska para mag nominate.
BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Teen FictionSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...