Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Kabanata 27 : MalditaShaimer's Point of View
Shaimer Fuentabella Known as Mr. Pogi dahil sa taglay na kagwapuhan ko. I am the Son of the owner of Angeles University.
Nagustuhan ko si Stella dahil Ang bait niyang Tao. Hindi ko alam pero, nag umpisa ang Lahat sa Tingin. Pinag mamasdan ko kasi siya. Pinag mamasdan ko 'yong mala pisngi niyang siopao na ang sarap kagatin. Madalas ko siyang Pinag mamasdan ng hindi niya namamalayan. Patago ko siyang Minamahal, kaya patago din akong Nasasaktan. Masakit 'yon para sa akin. Masakit na Itinataboy ka ng taong mahal mo.
Tinatabihan ko siya Noon dahil gusto ko pang makilala siya ng Lubusan. Pero Kadalasan, sinusungitan niya lang ako kaya minsan napang hihinaan ako ng loob ko. Oo kahit alam kong sila pa ng Boy friend niya, Nilalapitan ko pa din siya.
Mas na iinlove kasi ako sa kanya kapag natititigan ko siya ng malapitan. Matalinong Tao si stella, kaso maldita siya sa Iba. Kaya pati ako minamalditahan niya.
Tinabihan ko siya " Nandiyan ba si Ma'am Buckol? " tanong ko kay stella. Tinignan niya naman ako ng masama. Nakaka takot talaga itong babae na ito.
" Aba'y malay ko! Bakit sa akin ka nag tatanong? " Inirapan niya ako At tumutok lang siya sa cellphone niya. Naka awang ang bibig ko at nag pout ako. Wala pa kasi si Ma'am buckol eh. 20 minutes na siyang late. Sanay na ako dito kay stella. Kahit ilang beses niya pa akong irapan at Malditahan, Ayos lang sa akin. Anong magagawa ko? E mahal ko?
" Sorry na, eto naman. Bakit ba palagi ang init ng ulo mo sa akin? " tanong ko habang naka nguso.
" And so? Nakaka inis ka kasi! Alam mo naman di ba na may boy friend ako, pero Lapit ka pa din ng Lapit? Tch! "
" Wala akong pakealam kung may Boy friend ka na. Hindi naman napipigilan ang nararamdaman eh. Hindi 'ba? At tsaka, gusto lang naman kita makilala ng lubusan. "
" Tch! "
" Kapag ba nag hiwalay kayo ni alex, May pag asa na ba ako sayo? "
" WALA! " Aniya. Medyo na hurt ako d'on ah. Pero hindi. Hindi ako susuko sa kanya.
Naningkit ang mga mata niya " Umalis ka na nga sa tabi ko! " Dagdag niya.
" Ok fine. Edi aalis basta, aalis lang ako. Pero ang puso ko mananatiling malapit sa iyo! " Umalis na ako at bumalik na ako sa pwesto ko. Doon lang naman ako sa right side eh. Left side kasi sila naka upo.
Isa pa yan sa mga nagustuhan ko kay stella, ang pagiging mataray niya. Napaka sungit niya sa akin talaga. Pero tinitiis ko lang. Kinabukasan, Umabsent siya. Bakit kaya? na miss ko na siya agad. Kahit na Pinag mamalditahan niya lang ako. Miss ko na nga 'yong pag tataray niya sa akin eh. Miss ko na din 'yong mga pisngi niyang sasabog kapag nagagalit Maski ilong niya nga nagagalit din eh.
" Hi stella! Bakit ka absent kahapon? " Tanong ko kay stella habang naka pout " Namiss kaya Kita. " Dagdag ko. Totoo naman eh! Namimiss ko na kasi talaga ang pag mamaldita niya. Pero hindi niya lamang ako pinapansin. Naka tutok lang siya sa cellphone niya at alam ko naman na ka text niya ang boy friend niya eh.
" Uy pansinin mo naman ako. Hindi mo ba ako namiss? " Tanong kong muli kay stella. Hinarap ko si stella at sinamaan niya ako ng tingin. Hala siya, parang tigre na mangangain. Nanlilisik ang mga mata niya. Ang init naman ng dugo sa akin nitong si stella!
![](https://img.wattpad.com/cover/170114496-288-k842308.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Teen FictionSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...