Author's Note: Sorry for Wrong Grammars and Typographical Errors Readers! ^^
==
Kabanata 38: Mr. And Ms. Intramurals 2018Talent portion na. Pinapila na ang lahat para bumalik sa covered court. Bumalik na kami ni trouver sa back stage. Sinabihan ko na din si Kenjie na wag na lang akong samahan sa back stage dahil kaya ko na ang sarili ko.
Kailangan kong masali sa top 2 para makasali ako sa Question and Answer portion. Gano'n din sa lalaki, kailangan ng top 2 para masali sa Question and Answer Portion. Mas gagalingan ko pa ngayong nag uumpisa na ang talent portion.
Marami ang namangha sa unang contestant na magaling sumayaw. Kahit babae siya ay kayang kaya niya ang galaw ng mga kalalakihan.
sumunod na ang iba pang mga candidates.
nilingon ko si Jazzy na naka ngisi na naman sa akin. What the hell? ano bang problema niya? ako? at kung ako man ang problema niya, aba'y wag niya na akong problemahin dahil away lang ang idinudulot n'on.
Lumapit siya at tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa " You look pretty but, you're poor " Aniya.
tinaasan ko siya ng isang kilay ko.
" Candidate number 9 "
" Oh, hindi mo ba naiintindihan? baka gusto mong i translate ko sa tagalog ang sinabi ko sayo? Maganda ka sana kaso mahirap lang kay- "
" At ano naman ngayon kung mahirap lamang kami? at least ako, maganda na, busilak pa rin ang puso para sa iba. Pero hindi binayayaan ng yaman sa buhay.. Pero ikaw? Maganda ka nga, ang pangit naman ang ugali mo.. subukan mo kayang lunukin ang make up kung sakaling gumanda ka? Hindi 'ba ang sabi nila, Kapag nag make up daw gumaganda? Eh bakit di mo subukang lunukin ang make up para gumanda ang ugali mo? "
Tumikhim siya at kumuyom ang kanyang bibig " What the hell are you say- "
" Candidate number 9! Are you there? " Nalaglag ang mga ni Jazzy dahil kanina pa pala siya tinatawag ng Emcee. Smirk.
Pinanood ko ang performance niya at umarte siya.
" Oh inay! " humahagulgol siya ng iyak habang naka handusay sa sahig na tila ba ginigising ang kanyang imaginary mother.
Jusko nakaka walang ganang panoorin.. ang corny. Mabuti pa, practice-in ko pa ng husto ang boses ko. Wait! Tatawagan ko si Trouver
" Hello? Moo? "
[ Yes, Moo? ]
" Tara na dito sa backstage, dito sa tabi ko. "
[ Okay. Dala-dala ko na ang gitara ko. Good luck sa atin ]
Binaba ko na ang tawag at hinintay kong dumating na dito si Trouver. Sa tingin ko malapit nang matapos ang walang kwentang talent ni jazzy.
" Moo! " salubong sa akin ni Trouver. Ang gwapo niya gosh! Napaka hot niya talaga today.
Niyakap ko siya at hinalikan ko siya sa pisngi. Nakita ko ang pamumula ng mag kabilang pisngi niya.
" Tayo na next. " Aniya.
Bumalik na dito si Jazzy at inirapan niya lang ako.
" Ladies and Gentlemen, For the Candidate number 10.. She will be having her performance with Candidate number 19. So, Let's all welcome.. Ms. Suarez and Mr. Lim! Please give them a round of applause! " Wika ng emcee. Nag dala ng isang upuan si trouver kung saan doon ako ang uupo at siya naman ay naka tayo habang nag gigitara't kumakanta.
Inabutan kami ng dalawang mic ang isang mic na para sa akin ay wireless ang para naman kay trouver ay mayroong Stand.
Tumikhim si Trouver at tinapat niya ang bibig niya sa mic.
BINABASA MO ANG
Sana Book 1
Roman pour AdolescentsSa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng relasyon ninyo kaya Sana.. Pahalagahan mo ngayon kung ano ang Meron ka. Sana...